Chapter 74 - I missed them so much
[Julienne's POV]
[Now playing: Pakisabi na lang by Aiza Seguerra]
Si Stephen.. kasama si Clarisse.
Nandito din siya? Anak naman ng tadhana oh! Hay!
May iniabot si Clarisse sa kaniya. Sa tingin ko may dala din siyang pagkain. Tapos.. ngumiti sila at.. inayos pa ni Stephen 'yong buhok ni Clarisse habang nakatitig sa mga mata niya.
Aray. Bakit ako nakakaramdam ng sikip sa dibdib? At bigla na lang may pumatak na luha mula sa mga mata ko. Ugh.
Bakit gano'n? Kahit saan mo tignan, bagay talaga sila eh. At kitang-kita sa mga mata nila na mahal nila ang isa't-isa. Para akong nanliit at napako sa kinatatayuan ko.
Hindi na talaga ko dapat umasa pa. Ayoko na.
May mga pinag-usapan sila na hindi ko na narinig. Tapos.. hinalikan ni Clarisse si Stephen na tuluyang nagpahina sa mga tuhod ko. Nalaglag 'yong hawak ko kaya napatingin sila dito.
"Julienne?" Halatang nagulat si Stephen. Oo, magulat ka talaga na nandito ako at nakita ko mismo kayo ng dalawang mata ko.
Naglakad siya palapit pero tumakbo na ko palayo.
"Julienne!" Naabutan niya ko at iniharap sa kaniya. Bakit ayaw tumigil ng pagpatak ng mga luha ko?
"Julienne. A-anong ginagawa mo dito?"
"W-wala. Napadaan lang. Sige na, bumalik ka na do'n. Sorry ah, kung naistorbo ko 'yong pag-uusap niyo." Umiiyak kong sabi. Aalis na sana ko kaya lang ayaw niya kong bitawan.
Napatingin ako doon sa braso ko na hawak niya sabay sabing, "Aalis na ko. Bitawan mo na ko, please."
"I'm sorry."
"Sorry saan? May kailangan ka bang ihingi ng sorry? Okay lang. Gets ko naman eh. Sorry ah. Sorry."
"Julienne please--"
"Nagsasawa na ko Stephen. Hindi ko alam kung saan ko dapat ilugar 'yong sarili ko eh. Hindi ko na alam kung tama pa ba 'to. Parang ayoko na." Umiiyak pa din ako habang sinasabi ko 'yon at nakatitig sa kaniya.
Dahan-dahan kong inalis 'yong pagkakahawak niya sakin.
"Sorry ulit kung nakaistorbo ako. Uuwi na lang ako."
Umalis na ko at hindi naman na niya ko sinundan.
"Ma'am? Okay lang po kayo?" Tanong ni Kuyang driver pagkasakay ko.
"Ah. Opo. Napuwing lang ako, ang lakas kasi ng hangin sa labas eh. Sige, umuwi na po tayo."
"Sige po."
Habang nasa biyahe, umiiyak lang ako. Ito na ba 'yong sign na dapat na kong tumigil? Na dapat ko na silang hayaan? Na dapat na kong lumayo?
Siguro nga.
Lalayo na muna ko. Kailangan ko ng space (drama pa) at time para mag-isip.
Nakarating na kami sa bahay.
"Kuya, pwede bang hintayin mo ko? May kukunin lang po ako sa loob tapos magpapahatid ulit ako. Okay lang ba?"
"Oo naman Ma'am. Sige lang po."
"Salamat."
Pumasok na ko sa loob at nagimpake ng mga gamit. Aalis na muna ko. Uuwi na muna ko sa bahay namin. May duplicate naman ng susi si Stephen, makakapasok siya dito kahit wala ako.
Ayoko na muna siyang kausapin eh. Ang gulo gulo ng utak ko ngayon. Hay nakakainis ayoko nito.
Pagkalabas ko, sinabi ko na kay kuya kung saan.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...