Chapter 18 - Oplan: Fall for me

330 6 0
                                    

Chapter 18 - Oplan: Fall for me

[Julienne's POV]

"Okay na?"

"Hm. Thank you po." Sabi ko do'n sa nurse na nag-asikaso sakin.

"Thank you." Sabi ni Stephen kaya napalingon ako.

"Para saan?"

"For saving Cider."

"Syempre 'yon naman 'yong gagawin ko. Alangan namang pabayaan ko siyang masagasaan."

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"

"Okay naman. Pero masakit 'yong kanang braso at binti ko saka 'yong sugat ko. Si Cider? Okay lang ba siya?"

"Hm. Hindi naman siya nasaktan dahil niyakap mo siya kaya tignan mo namang nangyari sayo."

"Buti naman." I smiled. Whew. Okay na na ako 'yong masaktan wag lang sI Cider. Kawawa naman siya.

"Ano nga palang nangyari do'n sa driver?" Nawalan kasi ako ng malay kanina at pagkagising ko nandito na ko sa clinic.

"Bakit tinatanong mo pa? Wala namang nangyari sa kaniya. Sinapak ko lang."

"Ano?! Sinapak mo?!" Nanlaki 'yong mata ko at napatitig sa kaniya.

"Eh sira ulo hindi ba siya marunong pumreno?! Tignan mong ginawa niya sayo!"

"Hindi mo na dapat ginawa 'yon! Nagsorry ba siya?"

"Kahit naman magsorry siya gagaling ba 'yang sugat mo ha?"

"Alam ko! Pero hindi mo na dapat--"

"Hayaan mo na! Okay ka na ba? Kaya mo na?"

"Medyo."

"Umuwi na tayo."

"Ha?! Ayoko pang umuwi."

"Bakit? Umuwi na tayo."

"Ayoko pa. Bumalik tayo do'n sa park."

"Aish. Magpahinga ka na lang sa bahay."

"Okay lang naman ako! Uupo lang naman tayo do'n sa blanket. Nakakabitin eh. Masarap tumambay do'n. Sige na bumalik tayo."

"Aish. Fine. Kaya mo bang lumakad?"

"Oo hindi naman ako baldado."

"C'mon I'll help you."

"Huh?"

Tinulungan na nga niya kong makatayo at maglakad palabas ng clinic habang sa kaliwang kamay niya, hawak niya 'yong tali ni Cider.

"Ah!"

"Be careful."

Napatingin ako sa kaniya. Ohmygod. Naiilang ako dahil ang lapit namin sa isa't-isa. I mean, hindi naman kasi kami ganito kaya naman hindi kumportable 'yong pakiramdam ko. Sa gwapo niyang 'to, sinong hindi maiilang?!

Saka may napapansin ako ah. Ang bait niya yata sakin ngayon. Naku baka mamaya magbago nanaman. May pagkabipolar pa naman 'tong taong to. Napangiti tuloy ako.

"Bakit ba nakatingin ka? Nakakailang. Wag mo ngakong titigan."

"Ha? Hindi naman kita tinitignan 'no."

Tapos tinignan na din niya ko. Hala bigla yatang uminit yung mukha ko!

"Oh? Sabi mo hindi ka nakatingin sakin?" Nagsmirk pa! Naku ang taong 'to biniyayaan ng looks pero bakit ng kagandahan ng ugali kakarampot lang?!

Umiwas na ko ng tingin dahil hindi ko na kayang makipagtitigan pa sa kaniya. Naghalf smile naman siya at nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makarating sa kotse.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon