Chapter 32 - Love triangle sa park

311 8 0
                                    

Chapter 32 - Love triangle sa park

[Julienne's POV]

Nagulat din si Clarisse nang makita niya ko. Anong nakakagulat do'n?

Naglakad na sila ni Cider palapit dito samin.

"Hay. Buti na lang nakita mo si Cider." Sabi ko. Nakahinga ko ng maluwag.

Noong sinabi ko 'yon, lumuhod ako para hawakan si Cider kasi medyo awkward dahil.. ehem.

"Nakita ko siyang tumatakbo kaya kinuha ko agad siya. Buti na lang din nakita ko kayo agad."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Galing ako sa bahay ng tita ko. Actually nasa sasakyan ako nang makita ko siya."

Tumayo na ko. Sakit sa binti.

"Salamat ah." Sabi ko.

"Wala 'yon." She smiled. Ang ganda niya talaga! Hay.

"Ano ba yang.. nasa mukha niyo?"

"Ha?" Naku mukhang may naiwan pang ice cream kaya pinunasan namin ulit tapos nginitian na lang namin siya.

"Gusto mo bang, sumama na muna samin?" Anak ng tupa Julienne, bakit mo siya niyayaya?!

"Huh?"

"Ah.. namamasyal lang naman kami ni Stephen dito kasama si Cider."

Tumingin sakin si Stephen at nginitian ko siya.

"Oh.. kung okay lang sa inyo."

"Oo naman okay lang walang problema." Sabi ko sabay ngiti. Dapat bang sinabi ko 'yon?

"Ugh. Sure." She smiled. Naupo kaming tatlo sa bench. Nasa gitna namin si Stephen.

Nagkukwentuhan sila do'n. NakakaOP ah! Hay Julienne bakit naman kasi niyaya mo siyang sumama sa inyo?!

"Bakit nandito kayo sa park na 'to? Malapit ba dito yung bago niyong bahay?"

"Hm." Sabay naming sagot.

Tumango lang siya. Ewan ko kung ako lang o awkward talaga. Ang sarap picturan ng eksena na 'to at may caption na 'The legal wife' Ha-ha-ha!

Tumakbo ulit si Cider at tatakbo sana kaming tatlo pero sabi ni Stephen, siya na lang kaya naupo na lang ulit kami ni Clarisse.

Ah.. okay?

"Julienne, kamusta?" Tanong niya.

"Okay lang. Ikaw?" Sigurado naman akong okay siya.

"I'm fine. Oo nga pala. I'm sorry sa nangyari kahapon. Sabi ko naman kasi kay Debbie hindi na niya kailangang sabihin pa 'yon sayo."

"Okay lang. Kahit naman hindi niya sabihin 'yon, alam ko naman 'yon. Alam ko namang kahit na anong mangyari, ikaw pa din ang pipiliin ni Stephen kasi ikaw naman talaga 'yong mahal niya."

"It's good that you know." Medyo masungit na 'yong pagkakasabi niya no'n. Minsan hindi ko din matantsa 'yong ugali niya eh.

"I would get him back from you." Sabi niya kaya napatingin ako.

"Alam ko namang magihiwalay din kayo. Kasi, wala naman talaga kayong feelings para sa isa't-isa, right? Kaya naman maghihintay na lang ako sa araw na 'yon. Hanggang sa bumalik sakin si Stephen."

Habang sinasabi niya 'yon, hindi ko alam kung naguiguilty ba ko o nasasaktan. 'Yong fact na balang araw maghihiwalay din kami.. parang, ang hirap. Dahil unti-unti na kong nasasanay na nasa tabi ko siya at araw-araw akong iniinis.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon