Chapter 51 - Mini concert

295 5 0
                                    

Chapter 51 - Mini concert

[Julienne's POV]

Napatingin ako sa kanilang lahat at nagclear throat tapos naglakad na ko. Okay lang na marinig nila. Bahala sila.

Pumunta na ko kina Eulla. Kasama nila sa lamesa si Tyrone.

"Oh bakit namumula ka?" -Shane

"Sino ba 'yong kinausap mo a phone? Si Stephen?" -Eulla

"Nag-away nanaman kayo?" -Shane

"Nagugutom na ko. Sakin ba 'to?"

"Oo. Binilhan na kita." -Tyrone

"Salamat."

"Wow. Salamat sa pagsagot." -Eulla

"Mukhang badtrip na si Ely. Hayaan mo na." -Shane

Nakakainis. Ako 'yong galit tapos sasagot din siya at magagalit. Anong patutunguhan no'n?!

"Ugh!" iInusok-tusok ko 'yong kinakain ko. Tapos napansin kong nakatingin silang tatlo sakin nang 'What-are-you-doing-look'.

Tinignan ko sila.

"Okay ka lang?" -Eulla

"Hay. Nakakainis kasi! Tama bang sabihin niya sakin na, 'Sige! Bahala ka! Kung ayaw mong umuwi, eh di wag' ugh."

At nagsimula na kong humikbi. Hindi na nga yata magbabago 'tong pagiging iyakin ko.

"Wala naman akong ginagawang masama. Pero bakit ako pa rin 'yong pinagmumukha niyang mali?"

Tinignan na lang nila ko na parang nagsasawa na sa kabaliwan ko. Hay.

After class, palabas na ko ng Brennan--Ugh. Nandito si Stephen! Nagtago agad ako sa isang gilid.

Nandoon siya at gwapong-gwapong nakasandal sa blue niyang ferrari, nakashades at tumitingin sa relo niya.

Kung hindi lang ako galit sa kaniya baka naglaway na ko sa porma niya ngayon.

Sino bang hinihintay niya? Ako? Baka si Clarisse? Si Tyrone? Ay ewan! Sinabi ko naman sa kaniya na wag niya kong sunduin dahil hindi ako uuwi eh!

Maya-maya pa, nakita ko na 'yong kotse ni kuya na nagpark sa likod ng kotse ni Stephen. Aish! Lagot! Lagot na kapag nakita siya ni kuya!

Nagmukhang luma 'yong sasakyan ni kuya nang itinabi niya sa ferrari ni Stephen eh.

Lagot lagot. Anong gagawin ko?!

"Ugh!"

Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan si kuya.

"Oh? Nasan ka na? Kakarating ko lang."

"Ahh.. kuya. Pwede bang doon ka sa gate 3 magpark?"

"Ano? Bakit?"

"Do'n kasi ako lalabas. Sige na. Doon ka na lang magpark."

"Hay. Oo sige."

Binaba ko na agad at sumilip. Nagdrive na si kuya paalis. Si Stephen naman, nando'n pa din. Hay nakahinga ko ng maluwag. Kainis. Kahit ganito kalayo ang lakas pa din ng dating niya. Pinagtitinginan pa siya ng mga tao.

Ano bang ginagawa niya? Ako ba 'yong hinihintay niya? Bahala nga siya.

Maglalakad na sana ko papunta sa gate 3 pero muntik ko namang makabangga si Clarisse. Saglit kaming nagkatitigan.

"Magkaaway ba kayo?" Tanong niya.

"Oo. Bakit? Masaya ka bang malaman na magkaaway kami?" Wow Julienne pa'no mo 'yan nasasabi kay Clarisse?

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon