Chapter 20 - Rice cake
[Julienne's POV]
"Nakakainis! Akala ko--Ugh!" Bwisit talaga! Ano nanaman ba 'yong pupuntahan niya?! Dapat hindi na lang niya sinabing susunduin niya ko kung hindi naman siya sigurado. Tsch.
"Oh Julienne!" Buti na lang nakita ko si Tyrone.
"Uuwi ka na ba?"
"Ah.. oo."
"Nandiyan na si Stephen?"
"Ah.. sabi niya kasi may pupuntahan siya. Tinawagan niya ko para sabihing hindi niya ko masusundo."
"Gano'n ba? Then.. can you come with me?"
"Ha? Saan?"
"I want to go there with someone. Since, you're free, pwede mo ba kong samahan?"
"Ah.. sige." Kahit saan pa yan sige! Basta ikaw!
Umalis kami at pumunta kami sa.. tabing ilog?
"Anong ginagawa natin dito?"
"Ayaw mo ba? Maganda diba?"
"Hm."
"Tara."
Naglakad kami at umakyat kami sa hanging bridge.
"Woah! Ang ganda ng view mula dito!" Sabi ko habang excited pang naglalakad-lakad. Naupo si Tyrone sa gilid kaya naupo din ako habang nagsuswing ng binti.
"Noong bata kami nina Stephen, madalas kami dito maglaro. May maliit na bahay kasi dito sina Patrick."
"Hm. Masaya ko na nakapunta din ako sa lugar na 'to."
"Maganda ba?"
"Hm. Gusto ko nga 'yong mga ganitong lugar eh. Nakakarelax. Kaysa pumunta sa mall na masyadong maraming tao."
"May rice cake nga pala na ibinebenta dito. Gusto mong tikman?"
"Rice cake?"
"Hm. Masarap 'yon! Teka dito ka lang.. Bibili ako."
Madalas sila dito dati? Bakit naman kaya ako dinala dito ni Tyrone? Siguro dahil magkaibigan kami? kaya naisipan niyang isama ko?
Buti na lang. Mababadtrip lang kasi ako kay Stephen.
After 10 minutes, bumalik na si Tyrone na may dalang mga rice cake. Meron pala niyan dito?
"Oh. Tikman mo."
"Hm! Sarap ah!"
"Sabi sayo eh. Kapag pumupunta kami dito noon, lagi din namin 'yang binibili."
"Mahilig ba si Stephen dito?"
"Oo! Paborito niya 'yan."
"Talaga? Kung gano'n bibilhan ko siya!"
"Papasalubungan mo siya?"
"Oo. Bakit?"
"Wala." Tapos ngumiti siya.
"Siguro matutuwa siya kapag pinasalubngan ko siya nito."
"You're still nice to him even he's that rude huh."
"Ha? Ah.. kasi.. gano'n talaga ko."
"Haha! I know! Alam ko namang mabait ka talaga kaya sino namang hindi ka magugustuhan kung ganyan ka?"
Ano daw? Napatingin ako sa kaniya at nakangiti siya. Hay bakit?! Bakit pinanganak siyang ganito kagawapo?!
"Alam mo ba kung bakit hindi ka nasundo ni Stephen?"
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...