Chapter 45 - Happy Birthday Tyrone!

259 6 1
                                    

Chapter 45 - Happy Birthday Tyrone!

[Julienne's POV]

Nagluto na din ako ng hapunan. Habang kumakain,

"Stephen."

"Oh"

"Okay lang ba sayo? Na nag-apply ako do'n sa scholarship?"

"May magagawa pa ba ko eh nagawa mo na."

"Bakit? Ayaw mo ba? Alam mo namang gusto ko talaga 'yon diba?"

"Bahala ka. Hindi naman sigurado kung matatanggap ka talaga."

"Bakit ba ganyan ka? Bakit hindi mo na lang suportahan?"

"Kapag natanggap ka, ibig sabihin no'n aalis ka! Gaano katagal? Ha? Eh di--"

"Huh? Eh di ano?"

Ilang seconds niya muna ko tinitigan sabay sabing,

"Wala."

"Tsch. Matutuwa ka pa nga kapag natuloy 'yon diba?"

"Ano?"

"Syempre wala ako dito, magagawa mo lahat ng gusto mo nang walang nang-iinis sayo."

Nag-smirk lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Sigurado naman ako na wala siyang pakialam kahit na umalis ako.

"Mukhang, close ka din sa pamilya ni Clarisse no?"

"Kababata ko siya. Natural lang 'yon. Gano'n din naman kina Patrick."

"Pero syempre, iba 'yong closeness nila sayo dahil.. sa inyong dalawa ni Clarisse."

"Gano'n siguro talaga." Psh. Acting cool.

"Ay! Oo nga pala! May grand ball kasi sa Brennan taon-taon. Medyo matagal pa naman 'yon. Pwede kasing magsama ng outsider."

"Ano ngayon?"

"Pwede ka bang sumama?"

"Ano?"

"Sumama ka. Umattend ka kasama ko."

"Ano? Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Ugh. Kasi ako si Mrs. Julienne Larosa-Prieto. Diba nasa rules na dapat magpanggap tayo na okay sa harap ng mga tao?"

"Tsch."

"Eh di kailangan mong sumama para makita nila tayo!"

"Oo na! Sige na. Baka umiyak ka pa."

"Ano?!"

"Oo na nga sasamahan na kita."

Psh. Ewan ko kung gusto ba talaga niyang sumama o napipilitan lang siya. Mas mukhang napipilitan eh.

"Hindi na rin masama. Kasi makikita mo din si Clarisse do'n." Bakit ba kahit inis ako sa fact na 'yon, sinabi ko pa din sa kaniya? Psh.

Hindi na siya nagsalita.

No'ng mga sumunod na araw, wala namang masyadong aksyon. Saturday na. Walang pasok.

Nagising ako sa alarm ko na 7am. Ugh! Oh my god paano ko nakalimutan 'to?!

Nabasa ko kasi sa alarm ko na 19th birthday ngayon ni Tyrone!

Napabangon ako bigla. Naku bakit nakalimutan ko na birthday niya ngayon?

Tinawagan ko agad siya para batiin.

"Oh? Ely!"

"Hi Tyrone! Good morning! Happy birthday!"

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon