Chapter 39 - Driving lesson + Date

282 6 0
                                    

Chapter 39 - Driving lesson + Date

[Julienne's POV]

Kianbukasan. Galit-galitan pa din ang peg ko dahil hindi ko siya kinakausap masyado. Matipid 'yong mga sagot ko kapag nagtatanong siya. Ewan, siguro, oo, at hindi lang.

Habang nag-aalmusal.

"Hoy kausapin mo nga ko ng matino."

"Ano ba kasi 'yon?"

"Ano bang problema mo? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin?"

"Hindi ako galit."

"Eh ano?"

"Naiinis ako."

"Saan?"

"Hindi ko alam! Basta naiinis ako!"

"Hay ewan ko sayo ang gulo mong kausap. Bahala ka nga diyan."

Aba siya pa ngayon 'tong nainis. Tsch.

"Mamaya tuturuan na kitang magdrive. Wag mong gagasgasan 'yong kotse ko ah lagot ka sakin!"

"Eh bakit ba kasi tuturuan mo pa kong magdrive? Tapos magagalit ka sakin kapag nagasgasan ko 'yong kotse mo. Buti nga kung gasgas lang eh. Paano kung bangga?"

"Hay basta! Wag ka na ngang matanong!"

"Okay fine." Bahala siya.

"Teka. Ano nga palang ginagawa mo do'n sa Draven kahapon, ha?"

"Sinama kami ni Shane para makilala namin 'yong manliligaw niya."

"Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta ka?"

"Ayoko lang. Saka baka makaistorbo ako sa group project niyo."

"Sana sinabi mo pa din na pupunta ka--"

"Nabanggit din niya na madalas daw may babaeng magpunta doon at nakikipagkita sayo. Si Clarisse ba?"

"Ah.. oo pero--"

"Kung gano'n.. araw-araw ba kayong nagkikita?"

"Hindi naman--"

"Alam mo, ang unfair eh. Ikaw, hanggang ngayon nagagawa mo naman lahat nang mga bagay na ginagawa mo noong wala pa ko. Pero sa akin, sobrang dami nang nagbago. Hindi na ko nakakauwi sa amin, halos lahat ng tao sa Brennan, pinag-uusapan ako. Pero ikaw--"

"Ano namang magagawa ko do'n? Kasalanan ko ba? Eh di gawin mo din lahat ng mga ginagawa mo gaya dati. Wala namang problema do'n."

"Hay hindi mo kasi ako naiintindihan--"

"Lilinawin ko lang, para lang naman alam mo. Wala nang namamagitan samin ni Clarisse. Nakipaghiwalay siya sakin bago pa tayo magpakasal."

"Ugh? Talaga lang ah? Sinong niloko mo?"

"Pwede ba Julienne, pag-aawayan pa ba natin 'to?"

"Sige sasabihin ko na, naiinis ako kasi hindi niya alam kung saan siya dapat lumugar. Oo mahal mo siya, mahal ka niya, pero sa mata ng lahat, ako 'yong asawa mo. Hindi niya ba kayang respetuhin 'yon?"

"Ano bang kinagagalit mo diyan ha alien? Alam mo nakakapanibago ka na ah."

"Hay wala kalimutan mo na."

Hindi ko din alam kung bakit lumabas na lang 'yon sa bibig ko. Bakit nga ba sinabi ko 'yon? Baka mamaya kung ano pang isipin niya.

Pagkatapos ng breakfast, nakikipaglaro ako kay Cider nang biglang tumawag si Ethan.

You are the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon