Chapter 3 - Pre-nuptial Photoshoot
[Julienne's POV]
Nakakainis na 'tong mga babae sa gilid ko! Kanina pa tili ng tili! Hindi ba sila nauubusan ng boses?!
Pero siguro, kung hindi ko kilala 'tong si Stephen, isa na din ako sa mga babaeng tumitili dito.
Maya-maya pa, sumignal siya na lumapit ako sa kaniya gamit yung hintuturo niya. Aish!
"Huh? Sino yung pinapalapit niya? Ako ba?"
"Ako yata!"
"Baka ako?! Aaah!!"
Mga ambisyosa!
Hindi pa din ako nakapagreact dahil parang nakaglue na yata yung paa ko sa lupa.
Maya-maya naglakad na siya palapit dito. Lalong lumakas yung mga tilian nila.
"AAAAHHH!!!"
"AKIN KA NA LANG!"
Tumigil siya sa harap ko kaya naman lahat ng tao ngayon dito, nakatingin na saming dalawa!! Lalo na sakin!! Aish!
"Huh? Siya? Sus. Hindi naman siya maganda."
"Mas maganda pa ko sa kaniya eh!"
"No! Hindi pwede!"
"Sayang siya kung yung babaeng yun ang makakatuluyan niya. Ang gwapo kaya niya."
"Di sila bagay!"
EH KUNG PAG-UUNTUGIN KO KAYA KAYO?!
"What? Are you just going to stare at me?"
"Huh?"
"Let's go."
Naglakad na siya palayo pero nang mapansin niya na hindi ako sumusunod, bumalik siya dito at hinawakan ako sa braso saka hinilia.
"AW!" grabe!
Pinasok niya ko sa loob ng sasakyan niya sa tabi ng driver's seat.
"Aray!"
Umikot naman siya at sumakay na din saka nag-drive.
"HOY! Ano bang ginagawa mo?!"
"Sinusundo ka. Hindi ba obvious?"
"Ano?!"
"Mom asked me to."
"Ugh. Hindi ko kailangang sumabay sayo! Makakauwi ako mag-isa!"
"Sa tingin mo ba gusto kong kasabay ka ha?"
"Hoy. Kung hindi mo naman ako hinila dito hindi naman talaga ko sasabay sayo!"
"Tumahimik ka na nga lang diyan!"
"Ugh!!--Aah!!" Bigla siyang pumreno! "Ano ba?!"
"Isuot mo kaya yung seatbelt mo!"
"Psh."
Inayos ko na lang yung seatbelt pero hindi ko maayos! Hala. Pano ba to? Bakit ayaw?
"Hala. Ayaw naman eh!"
"Nangangain yan ng tanga."
"ANO?!" Ang yabang!
Inayos ko na lang ulit pero ayaw talaga! Ano ba namang klaseng seatbelt to?!
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at inayos yung seatbelt. Pagkatapos niyang ayusin, tumingin siya sakin at naghalf smile. Sht. Nakakatunaw!
Umayos na siya ng pagkakaupo at nagdrive pero nandun pa din ako sa pwesto ko at nakatulala.
BINABASA MO ANG
You are the one
RomancePaano kung paggising mo isang umaga, malaman mo na lang na ikakasal ka na pala sa taong hindi mo naman kilala? Dalawang magkaibang mundo ang pilit na pinagtagpo. Dalawang taong pinagtagpo nang dahil sa isang kasunduang nabuo. Magkasundo kaya sila? O...