Chaper 7
Nasa loob na kami nang mall at papunta sa girl's area para bumili nang pads. We bought jacket first to cover my back to make me comfortable in public.
He insisted to pay for the jacket we bought earlier. May dala naman akong pera pero hindi siya nakinig sakin at ginawa niya talaga yung gusto niyang gawin kaya wala na naman akong magawa.
"Pumunta pa talaga tayo dito sa mall para bumili lang nang napkin?" hindi makapaniwalang usal ko.
"Maybe yeah...hindi korin alam kong bakit tayo nandito.." wala sa sariling tugon niya.
Nilingon ko siya na nasa gilid ko lang masyadong nakadikit sakin. Kumunot yung noo kong bakit masyado siyang malapit sa akin, malaki naman yung espasyo nang dinadaanan namin. Napatingin tuloy lahat nang mga tao sa amin baka pagkakamalan kaming magjowa.
"Hoy sobrang lapit mo sakin lumayo ka nang kaunti.." bulong ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sakin gamit ang seryoso niyang mukha. Sumimangot naman siya at agad na umiling. "Ayaw ko," pagtanggi niya.
"Bakit?"
"Basta ayaw ko,"
"Bakit nga?"
"Basta nga kulit mo,"
"Bakit ayaw mo sabihin?" kuryuso kong tanong.
"Because of the gravity of the earth, ayan na sagot kona yung tanong ko. Don't bother me to ask again aight?" walanghiyang sagot niya sakin.
I pouted because of his answer, he answered uselessly.
Hindi kona lang siya kinulit at hindi kona rin siya kinausap hanggang makarating kami sa pads area. Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa mga babaeng nandun yung mga mata nila nakatutok sa amin este sa kasama ko lang pala. Gusto ba nilang hubaran gamit ang mga tingin ang lalaking to?
Hindi kona lang pinansin at tumulot nalang sa paglakad para tumingin tingin sa kung anong nandun.
Lumingon ako sa likod. Nagtaka ako dahil nawala bigka sa likod ko yung baliw, nasaan na'yun?
"Let's go.." narinig kong sabi sa likuran ko kaya agad akong lumingon. At nakita kona nga siya. Saan ba siya galing?
Nakita ko siyang nakasimangot habang may dalawang cart at may lamang mga pads. Nagulat ako ron, hindi ko alam kong ano dapat magiging reaksyon ko, parang gusto ko nalang tumawa nang malakas. Pero may parte sakin na masaya na ewan.
"Ikaw na bumili?" hindi ko maiwasang mapangiti habang tinatanong iyon.
Nakasimangot siyang tumango.
"Bakit? Wala naman akong sinabing ikaw ah," I tease him.
Mas lalong sumama yung mukha niya sa sinabi ko. "Just be thankful," naasar niyang sabi.
Napatingin ako sa binili niya. Ito ang kauna-unahang may nagbili nang pads para sakin at lalaki pa talaga.
"Hindi kaba nahiya?"
"Actually yeah,but I will really do as long as it matters. Sanay narin naman ako, kaya hindi na bago sakin." sagot niya.
"Sanay kana? Bakit palagi mo na ba'to ginagawa?" gulat na sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...