Chapter 75

81 11 0
                                    

Chapter 75

Nang makalabas ako ay naramdaman ko kaagad ang pagsunod niya. Napapikit nalang ako at naphinto sa paglalakad nang maalala kong may usapan pala kami ni Xiomara na pupunta ako sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nagmensahe kay Xiomara.

Humarap ako, at expected na talagang nandoon siya. "Ano?" sabi ko dahil naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Kanina lang inaasar ako ngayon naman parang may nagawa akong masama. "Bakit? Inaano na naman kita?"

"Hoy, Sissy! Nang-iiwan kana naman!"

Atomatiko kong nalipat ang paningin ko dahil sa sigaw na 'iyon. Nakita ko si Xiomara na nakabusangot ang mukha habang papalapit sa banda namin. Hindi ako umimik dahil may bumabagabag sa isipan ko. Nalilito na naman ako sa walang kadahilanan.

"Oh, anyare? Natahimik kayo, LQ?" satsat pa ni Xiomara dahilan para kumunot ang noo ko at bumaling kay Ethan na nakatitig pa rin sa'kin. Walang nagsalita sa amin. "Nevermind! 'wag niyo nalang sagutin, Sissy, tara na!" aya ni Xiomara para mapatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso sabay hila palapit sa kanya. Nagpatianod naman ako.

"Saan kayo pupunta?" biglang tanong ni Ethan. Nakay Xiomara na ang atensyon niya.

"Sa bahay," sagot naman ng isa. Sumulyap ako sa kanya. Naabutan ko itong ngumisi habang nakatingin kay Ethan. Nang tumingin siya sa akin ay mas lalo siyang ngumisi na siyang pinagtakahan ko. "Sige na, aalis na kami. Mauna na kami, See ya!" pansin ko ang pagka-aliw ni Xiomara nang sinabi niya 'iyon kay Ethan.

Nagkabit nalang ako ng balikat at hindi na nagiisip nang kung ano-ano. Tiningnan ko siya, nakatingin rin naman siya sa akin. Tumango ako bilang pagpaalam sa kanya. Hindi ko naman kasi kung anong gagawin ko, hindi naman kasi ako eksperto sa ganitong bagay. Dapat ko ba siyang halikan sa pisnge o ano? Ugh, nakakatakot naman 'yun. Wala pa namang kami. Kaya bakit ko naman gagawin 'yun? Paano ba magpaalam?

Kinagat ko ang labi ko. Bahala na nga, bakit 'ko nga ba pinagalala ang sarili ko? Bakit 'ko nga ba prinoproblema ang hindi na kailangang problemahin? At bakit concern na concern ako kung paano ako magpapaalam. Tama na naman ang tango, pinapatagal pa e. Maiintindihan niya rin 'yun.

"We need to go, bye..." sabi ko. Naghintay ako sa itutugon niya. Nabigla ako nang hilahin niya ako para mas makalapit pa sa kanya. Nabitwan tuloy ni Xiomara ang pagkahawak sa braso ko. Napalunok nalang ako ng wala sa oras. Pero mas lalong nanlaki ang mata ko nang nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Pumikit ako ng mariin at naghintay sa susunod na mangyayari.

Nagkabuhol-buhol na talaga ang utak ko sa oras na'to. Grabe kabadong kabado ako sobra sa ginawa niya. Nasa public kaya kami baka tawagin pa kami sa kalagayang 'to. Nang wala naman akong naramdamang dampi o kung ano tanging paghinga at pagtawa lamang ang narinig ko dahilan para mapadilat ako. Shemay!

"Nag-aakala kana naman.." bulong niya sa tenga ko. Akala ko talaga hahalikan niya ako!

Parang nasunog ang katawan ko dahil sa sobrang init ko ngayon.

Augh, ganito naba ako ka baliw para mag-expect na hahalikan niya ako. Nakakaloka na talaga.

Napabuga nalang ako ng hininga, medyo dismiyado. Tumawa ulit siya pero naasar ako. "Later baby, see you tommorow.." malambing na sabi niya sakin pagkatapos ay lumayo na sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Ako natutop ang bibig at mangha pa 'rin sa ginawa niya samantalang siya ay nakangisi lang para bang aliw na aliw sa nakikita.

"Mga kokak kayo, halata na ah! Huy, Ethan nakawin ko muna itong baby mo, naku akala naman hindi ko narinig.." narinig ko ang pag 'tsk tsk' ni Xiomara.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon