Chapter 70
Nang matapos kaming kumain ay hindi na namin namalayan ang oras. Hindi na namin napansin ang oras dahil naaliw na kami sa pagkwekwento kahit ano.
"Heck, malalate na ata tayo.." sambit ni Xiomara sa gilid ko.
Kumuha ako ng tissue na nasa tapat ko na nakalapag lamang sa lamesa. Kumuha na ako at agad na ginamit iyon para siguraduhing malinis ang kamay ko. Tumayo na ako ng makitang handa na ako para umalis at saka sinulyapan si Xiomara na may katext na sa kanyang cellphone. Kinalabit ko siya.
"Tara na?" tanong ko sa kanya para sulyapan niya ako gamit ang mapupungay niyang mata. Ngumuso siya at sumilay ang maliit na ngsii sa kanyang labi habang nasa cellphone ulit ang tingin.
"Accept mo naman ako sa fb.." aniya. "I already follow you na din sa Instagram, Sissy.." sabi niya.
"Hindi ko naman gaanong binubuksan ang mga 'yan.." sambit ko sa kanya at kinuha na ang bag bago isinabit sa balikat.
"Then buksan mo, Sissy! Accept my friend request. Si Kade nga, e. Ina-add niya ako pero inignora ko lang, asa naman siya na tatanggapin ko ang friend request niya.." mataray na sabi ni Xiomara at umirap sa ere.
Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Napailing nalang ako sa kanyang mga sinasabi basta patungkol kay Kade. Masyado siyang halata kahit anong tanggi at deny niya. Hindi niya ako maloloko at mapapaniwala 'dyan.
"Huwag mo nalang e accept kung ganoon para hindi ka ma-stress o baka naman magdamag mo iyang tinitigan at nagdadalawang isip kong e a-accept mo ba o hindi.." panunuya kong sabi sa kanya na may halong panunukso. Tumawa ako sa sinabi ko at mala lalo akong natawa dahil nakita ko kung paano siya ngumiwi.
"Hindi kaya..." pagtanggi niya. As what I expected.
"Oo kaya.." natatawa kong balik sa kanya.
"Whatever Sissy, tara na nga baka mahuli pa tayo.." sambit niya at nauna ng naglakad sa akin. Napailing na lamang ako bago at natatawang sumunod sa kanya.
Sinubukan ko pa siyang asarin kay Kade habang naglalakad kami pabalik sa campus. Sa tuwing maasar siya ay hindi ko talaga mapipigilang hindi matawa. Ansaya pala talagang mangaasar sa totoong kaibigan mo. Taon ang nagdaan hindi ko naransan ang ganito dahil wala naman akong naging kaibigan buong buhay ko maliban kay Zion na tinuring ko namang kaibigan pero hindi nagtagal ay hindi na kaibigan ang naging turing ko sa kanya. Biglang naglaho at napalitan ng nakakpanibagong damdamin na dati ay akala koy sa kanya ko lang maramdaman.
"Tigilan mo nga 'yan, Sissy! I wouldn't ever like him! I promise, cross my heart and hope to die!" Nakita ko pa kung paano niya ginawa ang pagcross sa kanyang leeg gamit ang darili niya.
"Kahit mamatay man siya ngayon hinding hindi mo talaga siya magugustuhan?" tanong ko at hindi pinansin ang kanyang sinabi. Dahil alam kong niloloko niya lang naman ang sarili niya. Nagkabit ako ng balikat. "Sige, total ay hindi mo naman pala siya gusto. Aagawin ko nalang siya sayo.." sabi ko habang hindi siya tinitingnan pero pansin sa gilid ng aking mata kung paano siya matigilan kaya napangisi ako at mas lalo pang ginanahan sa ginawa.
Hinarap ko siya. "Ayos lang?"
"H-Huh? 'diba si Ethan ang sa'yo, Sissy?" usal niya halata ang pagiging kabado sa kanyang pananalita. Nnginisihan ko siya.
"Hmm? Wala naman akong sinabing siya, ah?"
"Ay.."
"Bakit?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
أدب المراهقين(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...