Chapter 28

157 19 0
                                    

Chapter 28


"Pasok na ako." senyas ko sa kanya nang nasa tapat na kami ng classroom ko. Hindi siya agad nakatugon sakin dahil nasa loob ng classroom na ang atensyon niya. Anong tingin tingin niya dyan?


"Hoy! Sabi ko mauna na ako! Babae ba hinahanap mo? Marami sa loob."


Gulat naman siyang napabaling sa akin habang nakangisi. Umiling siya. "Nope, not interested. Sa isa lang ako interesado." 


"Sino naman?"


"Yung nagsalita," he smirked.


"So interesado ka sa sarili mo?"  natatawang tanong ko.


"Baliw, hindi, wag na tayo dyan sige mauuna narin ako bestie..."

Bestie?? para siyang bading. "Bestie?" ulit ko.

"Oo bestie na yung itatawag ko sayo magkaibigan narin naman tayo diba? kaya okay na yan."

"Pero para kang babae sa lagay dyan,"

"Ayos lang bestie," Kabit balikat na sabi niya sakin. Humalakhak naman ako, natatawa ako sa kanya. Nacute-an ako.

"What's wrong?" taka niyang tanong.

Umiling ako. "Wala sige na papasok na ako sa loob, goodluck and goodbye." Tumango naman siya sakin. Tiningnan ko muna siya saglit bago ko siya tinalikuran.


Pagpasok ko bumungad na naman yung mga tingin ng mga kaklase ko. Nagiwas agas ako ng tingin sa kanila at hindi nalang sila pinansin.


"Boyfriend niya?"

"I don't know, is that the new transferee? bakit magkasama sila sa babaeng yan?"

"Bakit ako tinatanong mo hindi ko nga rin alam."

"Lumalandi kapag walang kasamang bodyguards, oh ow, higad talaga.."

"Tsh, sa inosenteng mukha may tintagong kalandian pala..Nagmana siguro sa ina.."

At nagtatawanan sila. Bigla akong napatigil dahil sa narinig. Biglang tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko. At anong karapatan nila para idamay si mama dito!? Pwede lang nila akong laitin o sabihan ng masama at hindi kaaya-ayang  salita kahit ano pa man basta wag lang nila idamay yung mga importanteng tao sa buhay ko lalo na't si mama pa talaga dinadamay nila. Hindi ko sila papalagpasin sa oras nato.

Galit akong bumaling sa kanila. Tinaasan naman nila ako ng kilay. "Anong tingin tingin mo dyan'? Umalis ka sa harapan namin, tsk." sumangayon naman yung ibang kakalase ko na kasama nila. "Pagkatapos ni Zion, yung transferee na naman bagong tatargetin mo? Aba, lumagpas kana sa linya bitch, ganyan kaba kakati yung ano mo para kung sino nalang pa——"


"Bakit? ganyan kana ba kainggit para manlait nalang sa iba?" putol ko sa sinabi niya.


Narinig ko ang mga kantyawan ng mga kakalase ko sa loob. Narinig siguro nila yung sinabi ko.


Hindi ako makakapayag sa sinabi nila kanina.


Medyo nagulat ako nang biglang tumayo si Kiesha. Na masamang nakatingin na sa akin. Ginantihan ko rin siya ng tingin. Naka poker face ako.


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon