Chapter 50

124 13 0
                                    

Chapter 50


Nanuyo ang lalamunan ko sa nakita. Hindi ko maalis ang pangalan kong nakalagay doon. Bakit nandito ang pangalan ko?

Ililipat kona sana sa ikalawang pahina nungit halos mapasigaw ako sa gulat nang marinig kong may nagsalita sa gilid ko. Wrong timing!


"What are you doing?"


Agad kong nahanap ang mata niya nung ako'y nagangat ng tingin. Napakagat ako sa pangibabang labi at halos mapunit iyon dahil sa kaba. Agad kong tinago sa gilid ko ang notebook niya. Hindi niya naman ata napansin ang ginawa ko dahil may nakaharang sa pagitan namin. Jusko!

"W-wala..may inano lang hehe.." and now I stuttered. Shemay!

Bakit kasi magalaw ang kamay mo Genevieve ayan tuloy. Napatunghay na lamang ako at hindi na makatingin sa kanya. Naramdaman ko nalang na umupo siya sa tabi ko sinuri kong anong mayroon.

Nagpanggap akong walang alam sa palagid para hindi niya mapansin o mahalataan ang ginawa ko.

"What? Inaano?" ulit niya pa para mapalingon ulit ako sa kanya. Niliitan niya ako ng mata. Sapilitan naman akong nginitian siya dahilan para taasan niya ako ng kilay. Tsk, nerd sungit!

"Wala"

"Paanong wala? you look so tensed, tsk"

"Wala naman ayos lang, kaya pa." peke ulit akong ngumiti sa kanya saka ako bumaling ulit sa harap nang nakayuko. Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko siyang bumuntong hininga sa gilid. Hindi na ulit siya nagsalita. Ako rin. Tsaka wala akong balak magbukas ng topic. Hanggang sa tumunog nalang ang bell hudyat para pumasok na ulit sa klase. Nagsidatingan at pasukan ang iilang mga kaklase ko pagpasok sa loob ang iba'y nagaasaran habang papasok.

Hinanap agad ng aking mata si Xiomara. Napahinga nalang ako ng malalim nang makitang naroon na siya sa bandang pintuan kasama ang ibang mga kaibigan niya.

Nagsimula na ang klase at in-naanouce kung kelan ang Intrams. Hindi naman ako gaanong active pero pinili ko paring makinig kahit hindi naman ako interesado. Hindi ako mahilig mag-sport pero gusto kong subukan kaya nga lang nandito parin sa parte ko ang kinakabahan at walang lakas ng loob na subukan ang ganoong bagay.

Nasa bahay lang ako palagi kapag pag programme o may event na gaganapin dito sa paaralan. Isa din sa rason ko kong bakit hindi ako dumadalo ay wala akong kasama. Wala akong kaibigan. Baka mabore lang ako. Kaya mas pinili ko nalang manatili sa bahay at magpatugtog ng piano.

"Anong sasalihan mo?" tanong ni Xiomara ng makalabas na kami sa classroom. Uwian na.

Nagkabit ako ng balikat."Wala, hindi ako mahilig mag-sport. Ikaw?" balik kong tanong sa kanya. Tumingin ako sa mukha niya. She's so pretty. Wala sa akin ang tingin niya ngunit nakanguso siya parang nagiisip kong akong isasagot sa tanong ko.


"Badminton? Volleyball?" patanong niyang sabi hindi sigurado.


"Parang mas bagay sayo Badminton." suhestiyon ko sa kanya. Lumiwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko.


"Wehh? Talaga ba?"

"Oo naman, kahit ano bagay naman sayo, e."

"Bolera ka Sissy! Hindi na kaya ng hot kong body ughness!" madrama niya pang sabi. Napailing nalang ako at halong natatawa narin.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon