Chapter 32

168 16 0
                                    

Chapter 32

Medyo mahaba-haba rin ang naging usapan namin ni Xiomara. Natigil rin kalaunan dahil dumating na sina Tita kasama si Devika. Wala si Tito Mario dahil nasa trabaho daw.


Mga ilang oras ako nanatili sa mansion dahil sa kwentuhan na natamo. Hindi rin naman ako makapagpaalam dahil nahihiya akong magsalita. Kaya sumasabay nalang din ako sa usapan nila. Tawanan, asaran, kulitan. Hindi kona rin ulit nakita pa si Mave. Hindi na siya bumalik.


Masaya silang kasama hindi mo mararamdaman yung awkardness at out of place. I wish I could have that kind of family. Yung magkaroon ng kompleting pamilya. When? Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inggit sa kanila.



Nang maisipan ko ng umuwi na ay dun na ibinigay ni Tita Mauriella yung pinapakuha ni Tita sa akin. Paper bag lang yun hindi ko alam kong anong nasa laman ng loob. Hindi kona rin sinubukan pang tanungin kong ano yun. Ayokong magintriga. Pagkatapos dun ay nagpaalam na ako sa kanila. Gusto pa nasa ni Xiomara na dun nalang daw ako matulog pero tumanggi ako. Wala naman siyang magawa at pumayag nalang.



Bahay.



Agad akong humiga sa kama nang makapasok na ako sa kwarto ko. Kinapa ko yung cellphone ko sa kama para sana tingnan kong anong oras na.



11: 58pm.



Malapit na palang mag alas dose kailangan ko ng matulog sa oras na 'to. Ipagbukas kona lang yung pagpapaalam ko kay Tita na nakuha kona yung pinapakuha niyan Balak ko sanang tawagan si Tita tungkol sa paperbag. Pero parang hindi kona magawa pa dahil shut down na yung katawan ko. Hanggang sa tuluyan na akong makatulog.



Medyo late akong nagising.



Nagmamadali akong maligo saka maghanda. Siguradong malalate na talaga ako nito. Agad na akong bumaba ng malaman kong tapos na ako sa routine ko.


Patakbo akong pumuntang kusina. Medyo nagtaka yung ibang kasambahay sa galawan ko ngayon. Parang may humahabol sa lagay ko eh.



"Ma'am dahan dahan lang po sa pagkain..baka mabulunan po kayo..." sambit ni manang nang makita akong nagmamadaling kumain.



"No time para dyan po...late na po ako——" bigla akong napaubo dahil bigla akong nabulunan. What the fudge!


"Sabi ko po sa inyo ma'am eh..ito po tubig.." nagaalalang sabi ni manang sa akin sabay abot sa akin ng isang basong tubig. Walang sabi kong tinanggap at nilagok agad yun. Habol hininga ako pagkatapos kong inumin ang tubig. "S-salamat p-po.. hehe"



"Ayos na po ba pakiramdam nyo?" 


"Opo, at kailangan kona po talagang umalis ngayon..kung dadating man po si Tita dito manang pakisabi nasa kwarto ko po yung pinapakuha niya sa akin kagabi...echeck nyo rin po siya... salamat po..." bilin ko saka ako nagmamadaling tumayo.



"Okay po ma'am... magiingat po kayo...saka hindi nyo po kasama ang mga bodyguards ngayon.. kailangan  parin po sila ni Madam pero nandyan naman po yung driver na maghahatid sa inyo...hindi daw kasi mapanatag si madam kahapon na walang maghahatid po sayo.. nagalala po siya..." pahayag ni namang. Sumilay naman ang ngiti ko sa labi.


"I'll take care of myself po, kailangan ko na po talagang umalis..."


"Sige po ma'am..."

Patakbo akong pumunta sa labas kong saan naghintay si Manong Leo. Bumati siya sa akin at bumati rin naman ako pabalik. Mabuti nalang at walang bodyguards pero natatakot ako dahil baka ano na namang gawin nina Kiesha sa akin. Hays bahala na.


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon