Chapter 53
Marahan kong hinawakan ang dibdib niya para matigil siya sa ginagawa. Ngunit parang ayaw niya tumigil at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa mukha ko ang isang kamay naman niya'y nasa likod ko bilang suporta para hindi ako mawalan ng balanse at para hindi tuluyang matumba.
Pareho kaming naghahabol ng hininga nang inalayo niya ng bahagya ang kanyang sarili. Nagabot ang aming mga tingin sa isat isa. Nakita kong napalabi siya sa isip ko parnag nang-aakit siya. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko nang makita ko ang mata niyang pamatay. Parang hihimatayin na ata ako sa kaba. Mabilis akong lumayo sa kanya at agad na inayos ang sarili. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa nangyari. Bakit ko ba siya hinayaang gawin 'iyon? Bakit? Bakit?
Nadala lang ata ako sa emosyon para gawin din iyon pabalik sa kanya o gantihan man. Pero hindi parin iyon ang basehan at rason para hayaan siyang mahalikan ka Genevieve! Hindi! Pero ang nakakainis sa lahat ay dahil nagustuhan ko rin naman. Nasaan na kaya ang pagka-inosente ko? Saan na dumapo ang dating inosenteng ako?
"I-I'm s-sorry.." may bahid na magkaalangan niyang sabi at maya halong kaba. "Uhh..hmm.." may nais pa sana siyang idugtong ngunit napansin kong parang nahihirapan siyang magsalita o ituloy man ang nais niyang sabihin pero inunahan kona siyang magsalita.
"O-okay l-lang.." kinakabahan kong tugon sa kanya habang napapikit. Medyo nakatalikod na ako sa kanya kaya hindi ko matukoy kong anong itsura niya ngayon. Pinalalaruan ko ang sariling mga daliri para maibsan ang nararamdamanang kaba.
"No..umm.. p-pasensya na k-kung hindi ako n-nanghingi ng p-permisyo g-galing s-sayo.." sabi niya habang nauutal. "..para gawin 'yun.." patuloy niya. Narinig kong bumuntong hininga siya ng napakalalim. Konsensyang konsensya sa ginawa. Kung lilingunin ko man siya parang alam kona rin naman kong anong itsura niya ngayon. Hindi kona rin siya kayang tingnan. Nahihiya ako para sa sarili ko. Baka ano pang isipin niya at baka iba narin ang naghari sa isipan niya ukol sa akin ngayon.
Huminga muna ako ng malalim para makapagsalita ako ng maayos. "Hmm.." akala ko magkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita ngunit nagkamali ako hindi ko pa pala kaya biglang umurong ang dila ko para magpatuloy. Yun lamang ang tanging nasabi ko at hindi na ulit nagsalita.
Naging tahimik kami buong byahe hanggang sa makarating na kami sa labas ng bahay ko.
Nagaalalangan pa akong nagpaalam sa kanya lalo na nung nakita ko siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Nanatili akong tahimik at kapag magtagpo ang mga tingin namin ay agad akong mag-iwas dahil halos hihimatayin na talaga ako. Nagmamadali akong bumaba kahit nahihirapan kong inayos ang bag ko.
"S-salamat!" sigaw ko. Sinulyapan ko muna siya saglit pero agad rin nagiwas at walang sabing mabilis na tumalikod. Nakita kong may gusto pa sana siyang sabihin ngunit tumakbo na ako palayo hindi na hinintay ang sasabihin niya.
Agad kong binuksan ang gate pagkatapos. Nilingon ko siya pero agad narin akong pumasok sa loob at mabilis na sinarado ang gate. Napasandal ako sa gate dahil parang napanghinaan ako. Nanghihina ang katawan ko. Dahan dahan kong hinawakan ang labi ko at inaalala na naman ang hindi inaasahang nangyari kanina. Hindi ko expected yun!
"Ano ba Genevieve.." umiling-iling ako sa sarili at halos sabunutan na ang sarili dahil hindi ko kayang isipin ang halikan kanina ngunit pilit paring pumapasok sa isipan ko kahit ayaw na ayaw ko. "Aughh..."
"Ma'am ayos lang po ba kayo?"
Atomatiko akong napaayos ng tayo at sarili dahil sa biglaang pagsasalita sa harapan ko. Naabutan ko si Ate Richellle isa sa kasambahay ko dito sa bahay. Nagtataka itong nakatingin sa akin. May hawak siyang hose kagagaling lang ata niya sa pagdidilig ng halaman. Kagat labi naman akong nag-angat ng tingin sa kanya. Umiling ako. Nakaramdan na naman ako ng hiya, naabutan niya ako sa ganung ayos at itsura.
"Ahh..Oo po ate.." nilakihan ko ang ngiti para maniwala talaga siyang hindi ako nagsisinungaling. Nakita ko namang sapilitan siyang tumango mukhang napipilitan lang din siyang maniwala. Binalewala ko lamang iyon at inayos ang buhok. "P-papasok na po ako sa loob.." paalam ko kay Ate Richellle na nanatili parin sa akin ang tingin mukhang nagaalala. Akma na sana akong maglakad ngunit napatigil din dahil narinig kong nagsalita uloit si Ate Richellle.
"Ayos lang po ba talaga kayo ma'am? Hindi po ba masama ang pakiramdam niyo? Ang putla niyo po.."
Tumitig ako sa kawalan nang ilang sandali dahil sa narinig pagkatapos ay bumuntong hininga bago siya nilingon na may ngiti sa labi. "Oo naman po..." tanging nasabi ko at peke ulit na ngumiti. Hindi kona pinahaba pa ang usapan nagmamadali na akong naglakad papasok. Dumeretso na ako sa kwarto at agad ibinagsak ang katawan sa malambot kong kama.
Maya-maya hindi kona namalayan na nakatulog na pala ako at ang tanging naalala ko lamang ang huling nasa isip ko ay ang mukha niya habang hinalikan ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog dahil bigla nalang akong naubusan ng lakas. Nakaramdan rin ako ng pagod.
"She'll be okay.."
Naalimpungatan ako dahil may narinig akong mga taong naguusap sa gilid ko. Pilit kong iginalaw ang katawan ko ngunit kumunot ang noo ko dahil hindi ko lubusang magawa. Dahan dahan kong ibinuka ang aking mata. Ngayon ko lang napagtanto na nanghina pala ang katawan ko. Giniginaw ako.
"Gising na po siya madam!" rinig kong maalertong sabi ni mamang.
Bakit sila nandito sa kwarto ko?
Napansin kong may mga taong lumapit sa gilid ng kama ko. Tumingala ako para tingnan kong sino sila. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Tita Elvinna at Zion nakatayo silang pareho bakas sa mga mukha nila ang pagalala. Isinuyod ko pa ang aking tingin nakita ko ang ibang mga kasambahay na umusisa rin sa nangyari.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at kahit hindi kona tanungin alam kona na si Tita Elvinna iyon. Napangiti ako ng kaunti dahil namimiss ko siya. Ginalaw ko ang kamay ko para mahawakan rin si Tita. Nakita ko siyang napangiti sa ginawa ko.
"Kumusta na ang pakiramdam mo hija? Sobrang nagaalala ako sayo nang maabutan kita dito sa kwarto mong nilalamig..bakit hindi mo ipinaalam sa amin na may lagnat ka pala? Hmm?" huminga siya ng malalim dismaya sa nangyari.
"Anong oras na po?" tanong ko.
"8:49.." si Zion ang sumagot. Napatingin ako sa kanya naabutan ko itong nakatingin sa wristwatch niya ngayon medyo nagulat pa ako ng nahuli niya akong nakatingin sa kanya agad kong iniwas ang tingin sa kanya imbes ay ibinaling ko nalang kay Tita.
Mga ilang oras narin pala akong nakatulog. "Kanina... pa...po ba..kayo....nandito?" matamlay at walang gana kong tanong.
Bumuga ulit ng malalim na hininga si Tita bago nagsalita. Tumango ito. "Yes hija, napagdesisyonan kong bisitahin ka sana dito sa bahay at ito ang naabutan ko.." tumigil si Tita sa pagsasalita at bumaling kay Zion na nakatitig pala sa akin. Mabilis niya rin namang iniwas ang tingin at inilipat ang tingin sa kisame kahit wala namang ika-interes-teres doon. "At ito namang si Zion gusto daw sumama.." patuloy ni Tita nahuli ko itong nagpipigil ng ngiti sabay sulyap sa akin at sumulyap ulit pabalik kay Zion.
Narinig kong napaubo si Zion sa sinabi ng mama niya. Sinamaan niya ito ng tingin. Natawa si Tita Elvinna.
"Joke lang, bawal pala sabihin hehehe.."
__________________________________________________
Enjoy reading!

BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...