Chapter 31

171 17 3
                                    

Chapter 31


"Wahhhh! Genevieve is here na mama!" maligayang sigaw ni Xiomara pinaalam kina Tita na nakarating na ako.

Malapad na ngiti ang iginawad niya sa akin saka ako excited na hinila papunta sa malaking couch nila. "Umayos ka Xio, para kang bata.." saway ni Mave sa kanya. Hindi ko napansin na nasa kabilang couch na maliit na pala siya. Tahimik na nakaupo. Sinamaan niya ng tingin ang kapatid pero hindi iyon pinansin ni Xiomara imbes ay ngumiti siya ng napakalaki sa akin.

Halata na masaya siya. Napangiti din tuloy ako nahawaan sa kasiglahan niya. Akala ko talaga dati seryoso siyang tao. At hindi ko inaasahan na ganito pala siya ka jolly. Minsan ko lang kasi siyang nakikitang tumatawa o ngumingiti man lang sa campus.

"Ano pala yung ipapakuha ni Tita dito?" tanong ko.

Napanguso naman siya. "May plano kabang umuwi kaagad?" tampong tanong niya sa akin. Natawa naman ako.

"Hindi naman, inaantok lang ako.." amin ko. Pagkasabi kong iyon ay bigla akong napahikab.

"Dito kana lang matulog! Sleep over!"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko pa naman naransan mag sleepover kasama ang kaibigan. Kasi nga wala akong kaibigan. Hindi ko pa nararanasan o nagagawa yung mga bagay na dapat maranasan kona sa edad kong to. Pity for myself.

"Ahh hindi ako sanay..." pagaalangang sambit ko. Agad niya naman akong sinamaan ng tingin at pinagkros ang dalawang braso sabay irap sa akin.

"Edi sanayin kita, gagawin natin yung mga hindi mo pa naransan...kahit hindi mo aminin hindi mo pa naransan ang bagay na iyon right? At ako yung taong handang sanayin ka sa bagay bagay..para naman hindi ka maging ignorante hanggang sa pagtanda mo..ang inosente mo pa naman..."

Napatitig ako sa kanya. Walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Ano G ka?"

"Xiomara don't force her into that things.." sabat ni Mave sa gilid namin. Hindi ko alam na nakikinig pala siya sa uasapan namin ng kakambal niya.

Napaikot ang mata ni Xiomara nang tiningnan niya ang kakambal niya. "C'mon Mave don't so epal! Kaya nga sasanayin ko si Genevieve.."

"Wala akong sinabing wag mong ituloy ang pinaplano mo ang sa akin lang wag mo siyang pilitin kong ayaw niya." seryosong salita ni Mave sa kakambal.

"Hindi ko naman pinilit si Genevieve ah, diba Sissy?" baling ni Xiomara sa akin. Napangiti ako ng pilit sa kanya. At napipilitan ring tumango. Saka wala namang masama sa naging suhestiyon niya. Mas makakabuti nga rin iyon sa akin.  Walang masama sa suhestiyon niya ako lang talaga yung may problema. Yung sarili ko lang. Natatakot akong subukan ang mga bagay bagay na hindi ko pa nagagawa. Matatawag talaga akong ignorante.

"O-oo..." sangayon ko.

"When did you two become close hmm? surprising..." Si Mave.

"Of course! I'm friendly kaya!"

"Really Xio? ngayun ko pa alam yan."  sarkastikong sabi naman ni Mave.

"Excuse me Mave? At kelan kapa nagka interes makisali sa usapan ng babae ha?" panunuyang sambit ni Xiomara habang nakataas ang kilay.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon