Chapter 42
At dahil sa pagrereklamo ni Nerd ay nanahimik silang dalawa. Ako yung natawa dahil natutop ang mga bibig nila. Ayan kasi. Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami saglit sa cafe bago napagdesyunang bumalik na sa campus.
Pagpasok namin sa campus bumungad sa akin ang mga matang mapanuri ng mga estudyante sa amin. Mangha at gulat ang nasa mga mata nila ng makita ako. Parang may hindi sila inaasahang makita. Bumaling pa ako sa kabilang dereksyon at napakagat ako ng labi dahil nasa amin din nakatuon ang atensyon nila. Ngayun lang nila nakitang may kasabay at kasama ako. At mas nakakagulat pa kasama ko si Xiomara na kilala dito sa campus. Kasama ko rin ang dalawang transferee.
"Woah! Is that really happening!"
"Like how? when?"
"Paanong naging magkalapit si Xiomara at ang babae na 'yan?"
"I don't know, ngayon lang...last naalala ko hindi naman sila kailanman nagkasama kahit ni isa dito sa campus, Xiomara is always with her friends..."
"Yeah, ngayon lang talaga, hindi ko alam magkakilala din pala sila sa dalawang transferee.."
Narinig kong mga bulungan sa gilid. Hindi na iyon matatawag na bulong dahil umabot yung boses nila sa banda namin.
Hays, sino ba namang hindi magugulat. May kasama na ako sa isang popular pa. Should I be glad?
"Don't mind them.." rinig kong sambit ni Xiomara sa gilid ko. Nabigla ako nang may umakbay sa akin. Napatingin agad ako kong sino iyon.
"Tama tama, mga chismosang kokak.." natatawang sambit ni Kade habang nakaakbay sa akin. Napatingin ako sa braso niya.
"Hoy, alisin mo 'yung braso mo..ambigat mo.." reklamo ko sa kanya sabay alis ng braso niya. Hindi naman siya nagpatinag hindi niya hinayaang maalis ang braso niya sa balikat ko. Napahinga nalang ako ng malalim. Wala na akong magawa. Hinayaan kona lang siya sa ginagawa.
Hindi ako sanay na may umaakbay sa akin sa public. Medyo nahihiya pa ako at apektado sa mga sasabihin ng ibang mga tao.
Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng biglang may humila sa akin. Dahilan para malayo ako kay Kade sa pagkakaakbay niya.
"I don't care, naiirita ako.." aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What!?
"Bakit mo siya hinila?" inis na tanong ni Kade kay Nerd na masama din ang tingin sa kanya.
"Kase gusto ko..." seryosong sagot ni Nerd.
"Mas gusto ko rin siya..."
Halos mapintig ang tenga ko sa narinig ko. Nagbibiro lang naman siya right? Kapag nasasabi niya ang bagay na 'yan sa akin iisipin ko agad na isa lang iyong biro. Mahilig naman siyang magbiro at mangasar kaya hindi ko kailanman iniisip na sincere siya sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin.
Biro lang ang lahat.
Binatukan ko si Kade. "Wag kanga...hindi ito oras para magbiro ka ng ganyan.." sinamaan ko agad siya ng tingin. Ngumuso naman siya sa akin.
"Sino bang nagsabi na nagbibiro ako? Seryoso naman ako palagi...sayo.." sabi niya.
Binatukan ko siya ulit. "A-aray! Nakaka-dalawa kana ah.." reklamo niya naman habang nakakunot na ang mga noo. Napahimas-himas siya sa kanyang batok kong saan ko siya binatukan.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...