Chapter 10
"Umalis kanga sa ibabaw ko!" mariin kong sabi sa kanya pinipigilan kong sumigaw.
Tumingin siya sa akin at malapad na ngumiti saka siya umalis sa ibabaw ko. Siya ang unang tumayo pagkatapos ay tinulungan din ako. Nang makatayo na ako pinagpagagan ko yung sarili ko.
"Ikaw kasi e..." biglang sabi niya. I looked at him. Ako pa talaga ang sinisisi.
Sumama yung mukha ko sa sinabi niya. "Sa pagkakaalam ko ikaw yung may kasalanan tsk..ikaw yung humila sa akin..wag mo akong sisishin.."
He laughed. "Fine....baka iiyak ka dyan e.." pangaasar niya sakin. Hindi ko naman siya pinansin. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa mat kung saan kami nanatili kanina. Nahihiya ako sa nangyari. Andami pa namang nakakita dun.
"Yah! Ang hilig mong mangiwan!" sabi niya sa likod ko. Nakasunod na pala siya sakin.
"Tsh,"
Nang tuluyan na akong makalapit sa mat at kinuha yung bag ko para kunin yung phone ko sa loob.
Hala!
It's 4:56pm. Medyo nagtagal din kami dito. Gusto ko nang umuwi. Huminga ako nang malalim saka ibinalik ang phone sa bag. Napansin kong maraming text pero hindi kona iyon binigyan nang pansin.
"You want to go home?"
Lumingon ako sa likod. Nakita ko siyang nakatayo. Tumango ako sa kanya. Ayaw korin gabihin.
"Okay, then."
Pinanood ko siyang nagliligpit ng mga gamit na dinala namim dito. Hindi talaga mawala sa isip ko kong bakit niya ako dinala dito. Ngayon lang kami nagkakilala tapos madami narin ang nangyari.
"Ano talaga plano mo? Bakit mo ginawa to?" biglang tanong ko sa kanya para mapatigil siya sa ginagawa. Napatitig siya sa akin. Nagkabit balikat siya sa tanong ko.
"I bring you here.. because I want you to have fun..." sabi niya.
Napanguso ako sa sinabi niya. Naniwala ako pero sa kaloo-looban ko may ibang sgot pa akong gustong malaman galing sa kanya. Hindi pa ako satisfied sa naging sagot niya.
Tumango nalang ako. At hindi na nagpumilit pa. I smiled. Kahit ano pa ang rason niya gusto ko parin siyang pasalamatan sa ginawa niya. Nag-enjoy ako sa araw na'to. Hindi ko na maalala kong kelan ang huli na nakaramdan ako nang ganito. Na masaya.
"Uhh...S-salamat..." Nauutal kong sabi sabay iwas nang tingin.
Nanatili siyang tahimik nang ilang segundo. Mayamaya ay narinig ko siyang tumawa nang mahina. "Wala lang yun... gusto ko lang masaya ka at ilayo sa problema..kung kailangan mo nang tulong...nandito lang ako.."
Napanganga ako sa sinabi niya hindi inaasahan na lalabas iyon sa bibig niya. Hindi ko alam kung anong pwedeng mararamdaman ko. Masaya ako na ewan. Naramdamanan ko rin na parang matagal na niya akong kilala para masabi ang mga salitang iyon.
"S-salamat u-ulit...may tanong lang ako.." kabado kong sabi.
"Hmm..what is it?"
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Novela Juvenil(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...