Chapter 52
"A-ahhh.." awang ang bibig ko at hindi alam ang isasagot. Hinarap ko siya habang kagat kagat ang labi. "Ahh..oo naalala ko naman nawala lang sa isip ko dahil kanina.." pagkatapos kong sabihin iyon nagpeace-sign ako sa kanya at tipid na ngumiti.
Akala ko tatarayan niya ako at pagtataluhan ang tungkol run ngunit narinig ko lamang siyang huminga ng malalim at hindi na nagsalita pa. Imbes ay hinawakan niya ang kamay ko. Walang imik akong hinila ulit na ipangtaka ko.
Ano kayang nakain ng lalaking 'to?
Binalewala kona lang din at nagpatianod na naman ulit sa kanya. Nasanay narin ako sa hilahan. Nasanay na akong palaging hinihila. Simula nung dumating sila sa buhay ko nangyari na ang hilahan.
"Pasok ka.."
Nakita kong pinagbuksan niya ako ng pintuan sa isang sasakyan. Sinuyod ko ang tingin ang sasakyan sa pagkaalala ko hindi naman ito ang sinakyan namin kahapon. Bago na naman ito?
Binigyan ko siya ng munting tingin bago sinunod ang sinabi niya. Tahimik akong pumasok at umupo. Sumunod naman siya sa akin. Hindi ko siya pinansin, chineck ko kong may reply naba sa driver namin. Bigo akong ibinalik ang tingin sa harap. Pati si tita wala ring text. Ayos lang kaya siya?
Iniling ko nalang ang sariling pagiisip na biglang pumasok sa isipan ko na kanina pa bumabagabag.
"Paano na sila doon?"
Nilingon ko siya at naabutan ko siyang nakahilig sa backrest ng upuan ng sasakyan niya. Napalunok ako dahil nakita kong bahagyang gumalaw ang kanyang adam's apple at ang kanyang panga. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung pang-ilan ulit akong napalunok dahil sa nakita. Bat ang attractive at ang hot tingnan? Mabilis akong umiling para maalis ang mga pagnanasang nasa isipan. Shit naman!
"Stop staring.." aniya at ngumisi pagkatapos niyang sabihin iyon ay dumilat siya at agad sinalubong ang mata ko. Hindi agad ako nakaalerto, hindi agad ako nakaiwas sa kanyang tingin. Imbes na umiwas ay nanlaki ang parehong mga mata ko dahilan para mas lalong lumapad ang ngisi niya sa akin. "Kaya naman nila sarili nila, malalaki na sila" aniya sa isang normal na boses pagkatapos ay umayos siya ng upo at tsaka ako hinarap hindi parin matanggal ang mapaglarong ngiti sa labi niya may halong pagaasar iyon.
Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin. Narinig kona naman ang tawa niyang mapangasar. Ewan koba sa lalaking 'to habang kanina ang suplado sa akin kapag may ibang tao tapos kapag kaming dalawa lang mapangasar.
Mas lalo akong nagulat dahil sa biglaang paghawak niya sa kamay ko. Nakita niya ang naging reaksyon ko sa ginawa niya para humagalakpak siya ng tawa. Hindi na ata nakayanan kaya tuluyan na talaga siyang natawa. Nakakaasar naman 'yung tawa niya. Wala naman akong nakikitang nakakatawa ah? Bat' bigla atang naging masayahin ang lalaking 'ito? Bipolar!
Pinaikutan kona lamang siya ng mata.
"You're so cute, can I call you mine?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa biglang sinabi niya. Nagawa ko pang sulyapan ang kamay niyang namahinga sa isang kamay ko na ipinagtaka ko kong bakit ko siya hinayaang gawin iyon. At ang isa pang tanong bakit niya ginawa 'ito? Bat' mukhang kampante at ayos lang sa kanya ang ginawa niya? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to.
"Mine is not my name"
"Baby?"
"W-what?"
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...