Chapter 77

74 10 0
                                    

Chapter 77

Lumingon ako. At tama nga ako, si Mave na nakasandal sa malaking cabinet sa likod habang naka-ekis ang dalawang braso.

"Okay, po.." rinig kong sabi ni Pia. Akma na sana akong hahakbang para lisanin ang lugar na iyon ngunit napahinto rin dahil agad niya akong hinarangan. Mabilis akong umatras at lumayo sa kanya. Malapit kong mahulog ang pitsel na dala-dala ko.

Nakaramdan ako ng pagkainis pero mas pinili ko pa ring kumalma. Ipakita na hindi ako apektado sa ginawa niya. Huminga ako ng malalim at peke siyang nginitian.

"Dadaan ako.." kalmadong sabi ko sa kanya. Parang walang narinig ang taong nasa harapan ko dahil hindi man lang ito gumalaw o ginawa ang sinabi ko. Nanatili itong nakatayo habang nginisihan ako. Naaliw siya sa nangyayari sa oras na'to.

"Can you move, dadaan ako.." ulit ko sa sinabi ko pero may diin na ang bawat pagkasabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na parang wala pa rin siyang narinig e malapit lang naman kami. Imposibleng bingi siya?

Nawala ang angas ko at tuluyan ng naglaho ang pekeng ngiti ko na nakaplastar sa aking labi. Seryoso ko na siyang tiningnan. "Bingi ka ba? Sabi ko pwede mo ba akong padaanin muna?" pikon kong usal.

"Sure, mukhang mangangagat kana, e.." natatawang pangaasar nito sa akin, dinagdagan pa talaga ang pagkainis ko sa kanya. Tumabi siya kasama ang mapaglarong ngiti niya. Inirapan ko siya. Kahit naman gwapo siya hindi ako magpapatalo sa kanya, 'no. Kahit nerd si Ethan mas gwapo pa rin siya kesa sa Mave na'to.

Nagpatuloy na ako sa paghakbang pero natigil rin dahil nagsalita na naman ulit siya.

"How are you?" he suddenly asked.

Sumagot ako kaagad para matapos at makaalis ako agad. Ayaw ko nang pahabain ang usapan namin. "I'm fine, huwag mo akong subukang landiin may iba na akong gusto.." seryoso kong sabi saka ako umalis ng tuluyan doon at iniwan siyang nakatayo.

Ang kapag ng mukha ko. Nahiya ako sa parte nung sinabi kong huwag niya akong landiin. Assuming na ba ako? Bahala na nga.

__ __

Dahan dahan kong pinihit ang pintuan papasok. Napatingin si Xiomara.

"Kumuha lang ako ng tubig." sabi ko kahit hindi naman siya nagtanong. Lumakad na ako palapit sa lamesa. At nilagay doon ang pitsel at baso. Sumulyap ako sa kanya na busangot na ang mukha. "Bakit?"

Lumapit ako at tumabi sa kanya habang kuryuso siyang pinagmamasdan.

"Anong problema? Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba? Nahuli ba ng multo ang bida?" sunod-sunod kong mga katanungan.

Nakatulala lang ito at yakap-yakap ang malaking unan niya. Tila madaming iniisip at bumabagabag sa isipan niya. Tumingin ako sa laptop na nasa harapan. Pinahinto niya pala ang pinanood namin.

"Wala..." walang gana niyang sabi. "Nabadtrip lang.." aniya.

"Bakit nga?"

Umiling lang siya habang pumipikit. Napabuga nalang ako ng malalim na hininga. "Seryoso ka ba? 'bat mukang hindi ka naman okay, busangot na mukha na ang naabutan ko pagbalik.."

"May sasabihin sana ako sayo, seryoso na'to..hindi ko na kayang pilitin pa ang sarili ko at ilihim ito sayo ng matagal.." sabi niya. Ginulo niya ang kanyang buhok, parang frustrated siya masyado. Tumawa siya pagkatapos at saka ako tiningnan. "Nababaliw na ata ako.."

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon