Chapter 71
Nanuyo ang lalamunan ko nang tuluyan ko nang makita kung sino iyong sumigaw. Hindi ko masyadong inaasahan na si Zaijian 'yun. Seryoso ang kanyang mukha at tila hinihingal pa siya dahil siguro sa kanyang ginawang sigaw. Dugtong ang kanyang mga kilay habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Napansin ko ang pananahimik ng mga kalalakihan sa harapan namin. Wait, what!?
"Anong ginagawa niyo!?" mabilis na tanong niya nang tuluyan ng makalapit.
"Nagpakilala lang kami, Zai.." si Chester ang sumagot.
Tumingin ako kay Zaijian na nahuli kong pinaningkitan nang mata si Chester, ginawa niya rin iyon sa iba. Bumaling ito sa akin kaya agad akong nagiwas ng tingin.
"Ganda pala niya, pre, 'no?" Narinig kong sambit nung nagngangalang Wesley kay Zaijian. "Lalo sa malapitan," dagdag pa nito. Biglang uminit ang pisnge ko at sinulyapan nalang si Xiomara sa gilid na naabutan kong nakatingin na sa kanan. Napatingin din tuloy ako kung saan siya nakatingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang magkasamang naglakad si Ethan at Kade palapit kung saan din kami. Madilim pareho ang kanilang mga tingin habang nasa mga kalalakihan ang tingin.
Tinulak ko nang bahagya si Xiomara gamit ang pwetan ko. Mahina lang naman 'yun at hindi 'yun mapapansin ng iba dahil nasa papalapit rin naman ang kanilang atensyon.
Nilingon niya ako at nagulat ako dahil sing-pula na ng kamatis ang kanyang mukha ngayon. At nagiba na rin ang itsura niya ngayon. Ang kaninang walang gana ay napalitan na parang nabuhayan ng loob.
"Oh, anong nangyari 'dyan sa mukha mo? Palapit lang si Kade, namula kana ikaw, ah..Uy.." pabulong kong panunukso sa kanya. Pumikit pa ako at natawa. Napatingin sa akin si Zaijian pati rin si Chester. Umiling lang ako at natatawa ulit.
"Sige lang, paka hyper ka lang 'dyan, Sissy, mukhang may magwawalk-out na naman dito dahil sa selos.." untag niya na ikakunot ng noo ko. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Hindi 'no, wala namang kami kaya hindi dapat siya magselos.." wala sa sarili kong sabi at napatulala kay Ethan na nakatitig na pala sa akin. Natigilan ako at hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakatitig sa akin o bago lang. Napalunok ako dahil sa talim ng kanyang tingin. May gana pa siyang irapan ako. Sungit ng nerd na 'to! Tsk!
"Ang gwapo, hahays..." Narinig kong bulong ni Xiomara dahilan para magtaka ako.
"Sino?"
"Si Ka--este! Siya!" nabigla ako dahil tinuro niya si Chester. "Ang gwapo niya! Hehe.."
"Sinong gwapo?" malamig na tanong ni Kade nang makalapit na sa amin.
"Si Chester daw.." wala sa katinuan kung sagot dahil sa akin agad lumapit si Ethan. Sobrang lapit niya sa akin na halos maubusan na ako ng hininga. Hindi ko alam kong tama ba ang ginawa kung pagsagot dahil 'yun ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko nagawang tingnan si Xiomara kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ko dahil nakaharang si Ethan sa harapan ko.
"Huy! Grabe naman makabakod yarn, nahiya naman kami.." agap ni Xiomara siguro ay nakita ang ginawa ni Ethan sa akin.
Lumayo ako ng kaunti nang marinig ko ang sinabi ni Xiomara pero bago ko pa man magawa 'yun ay hinawakan na nang mabilisan ni Ethan ang beywang ko at halos mangatog na talaga ako sa kinatatayuan ko. Napapikit ako sa naramdamanang elektresidad na dumaloy sa aking katawan nang hawakan niya ako.
Bigla akong nahiya dahil hindi niya man lang inalintana ang mga taong nanonood sa amin. Gusto ko nalang sumabog sa hiya. Hindi ako sanay sa ganito lalo na't isinapubliko niya minsan ang mga ginagawa niya minsan sa akin.
Dahil sa labis na kahihiyang naramdaman ko ay walang sabi akong tumakbo palayo sa kanila. Nagmamadali ako na ultimo mga taong walang kamalay-malay ay nabangga ko. "Sorry! Sorry! Sorry!" hingi ko ng pasensya sa mga nababangga ko habang yumuyuko pero nagpatuloy parin sa pagtakbo habang ginagawa 'yun.
"Ano ba 'yan!" reklamo nila pero hindi ko na pinansin dahil nagmamadali ako kahit wala namang dapat.
Lumihis ako sa daan kung saan papuntang rooftop. Masyado ata akong oa, ano? Bakit ba ako nagwalk-out?
Nang makarating na ako ay tumigil ako ng mga ilang sandali para bigyang oras ang paghingal ko. Yumuko at pumikit ako ng mariin. Pumasok sa aking isipin ang kaganapan kanina. Aish, overreacting talaga ako! Naiwan ko pang magisa si Xiomara sa mga lalaking 'yun. Unti unti ko ring napagtanto na nakakainis rin ang sarili ko.
"What do you think you're doing?"
"Ay kalabaw!" gulat kong sigaw. Lumingon ako sa likuran. Nakita ko si Ethan na madilim na ang paningin. Humakbang siya palapit sa akin at ako naman ay unting unti ring napapaatras sa tuwing makita ko siyang humahakbang.
"Don't come near me.." banta ko sa kanya.
"Why?" malamig niyang sambit at patuloy parin sa paglapit sa akin. Patuloy rin ako sa pagatras.
Ano bang ginagawa niya dito?
"K-Kasi a-ayaw ko!" kinakabahan kong sigaw at iniwas ang tingin sa kanya sa ibang direksyon.
He chuckled. "But I want to, you don't have any choice."
Nilingon ko siya at tiningnan ng masama. "Bakit!? Ano bang ginawa mo dito ha? 'Bat mo'ko sinundan!?" mabilis kong tanong sa kanya.
"No, bakit ka umalis? Iniwan mo ako roon." aniya.
"Hindi na naman big deal 'yun," sabi ko at nagiwas ulit ng tingin sa kanya. Medyo kabado ngayon.
"'Bat mo ako iniwan?" ulit niya.
"Ano ba Ethan! Nakakahiya 'yung ginawa mo! Kung nagselos ka, pwede mo namang sabihin wag 'yung ganun, nakakabigla kaya!" Sinamaan ko siya ng tingin. Nagawa ko pang irapan siya. Nagulat ako nang hinuli niya bigla ang pulsahan ko at agad na sinalampak sa kanyang dibdib. Napapikit ako dahil naunang tumama ang ilong ko. Masakit iyon. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi niya man lang ako binigyang pagkakataong gawin 'iyon.
"How did you know that I'm jealous?
those bastards is.." tumigil siya. "..walang dulot." patuloy niya.Tumingala ako para tingnan siya at nakita ko rin namang nakatingin din siya sa akin. Hindi ko na mailarawan kong ano na ang postura namin ngayon. Masyadong ano, ginagawa lang naman ito sa mga-couple diba? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to. Kinuotan ko siya ng noo at ngumuso.
Nakita ko kung paano siya ngumiti sa ginawa ko. "Bakit ka ngumingiti dyan? Nakakainis ka. Ang conyo mo pa." sabi ko.
"You're so cute," ani niya at pinisil ang ilong ko. "My baby." mahina niyang wika.
"Do you like me?" matapang kong tanong sa kanya habang seryoso siyang tiningnan at minatili ko sa mata para mabasa ko kung sinsero ba siya sa kanyang isasagot o hindi.
"Yes..." Halos bulong niyang sagot. Natutop ang aking bibig sa kanyang pag-amin. Mas lalo ko siyang tinitigan sa mata kung seryoso ba talaga siya pero mukhang nakikita ko namang seryoso siya. Parang may kung anong paru-parong nagsisiliparan sa aking tiyan. "I like you very much, since birth.." dagdag niya pa. Laglag ang panga ko dahil hindi ko rin inaasahan iyon.
"Paanong since birth? Hindi naman tayo magkakilala noong bata pa tayo.." taka kong sambit.
Tumawa lang siya na sa halip na sagutin ang tanong ko. Nilagay niya ang takas ng buhok ko sa aking tenga. "Do you like me too, even if you don't remember me?" tanong niya.
__________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...