Chapter 76
"Uy...."
Napatigil kami saglit ni Xiomara dahil nakasalubong namin ang kapatid niya. Tahimik lang ako sa gilid habang dinamdam ang presensya na bumalot sa amin. Nakatingin lang ako kay Mave, halos hindi ko malunok ang naipon kong laway sa aking bibig nang nakatitig din ito sa akin. Umiwas agad ako. Humirintado naman ang baliw kong puso.
This is so wrong! Genevieve, alalahanin mong si Ethan ang gusto mo. Bakit nagkakaganito? Lumakas nalang ang tibok nitong puso ko. Tsaka pansin ko talaga sa itsura ni Mave na may kamukha siya. Aminin kong hindi parin siya nagbabago, gwapo pa rin naman. Pero pamilyar talaga ang mukha niya kapag tinitigan ko siya ng matagal.
"What's up, bro! Kakauwi mo lang?"
Nagangat ulit ako ng tingin pero sa pagkakataong iyon ay nasa kay Xiomara na ang paningin ko. Kahit hindi klaro pansin ko parin ang paninitig ng kapatid niya sa akin.
"Yeah.." tipid nitong tugon.
"Huwag masyadong manitig baka matunaw.." she smirked at her twin before he faced me. Tumawa si Xiomara. "Well, akyat muna kami sa taas.." sambit niya at saka ako hinila paakyat. Nagpahila ako sa kanya nang hindi nililingon ang kapatid niya na nasa harapan namin. Nilagpasan namin siya.
"Weird nang kambal mo.." biglang pag-amin ko habang nakatulala sa baba.
"Si Mave?"
"Yeah..."
"Bakit naman?" natatawa niyang usal. Tumingin siya sa akin. Naglalakad na kami ngayo patungo sa kwarto niya.
Bumuga ako nang malalim na hininga at tiningnan rin siya. Nagsalita ako. "Grabe naman makatitig nun, parang may nagawa akong kasalanan..sa pagkaalala ko, wala naman." Ngumuso ako pagkatapos sabihin iyon.
Hindi siya agad naka responda pero mayamaya'y tawa na ang narinig ko galing sa kanya. Mas lalo akong ngumuso. "Weird 'diba?" ulit ko. Hinintay ang sagot niya na nakatatak na sa isipan ko.
"Sinabi mo pa! Lokong 'yun!" bumunghalit siya ng tawa. Nang mahimasmasan ay napailing-iling na ito. "Baka may gusto sayo?" Aniya na naging dahilan para matuon ko ng buo ang atensyon ko sa kanya.
Paulit-ulit akong umiling. Para akong bata na tumatanggi sa ginawang kasalanan. "Wala 'no! asa naman! Hindi naman kami nagkikita ng kapatid mo, bakit naman siya magkakagusto sakin? At isa pa, mas mabuti narin kong wala dahil hindi ko masusuklian ang nararamdaman niya para sakin dahil may gusto na akong iba." mabilis na paliwang ko.
Napatanga si Xiomara sa sinabi ko. Pero sumilay din ang ngiti. "It was Ethan, right?" nginisihan niya ako. Nagawa niya pa talagang sundutin ang tagiliran ko para mapatili ako at mapasigaw. "Loyal namam ng bestie ko, ang tanong kayo na ba talaga?"
"Basta.."
"Naku, tigil-tigilan mo ako sa kakabasta mo nauumay na ako dyan, may namagitan na ba sa inyo ng kapat--este ni Ethan?" sabi niya at napakagat ng labi.
Ngumuso ako at nagisip. Wala namang masama kong sabihin ko kay Xiomara ang totoo at ang mga nangyari kanina. May tiwala ako sa kanya.
"Wala kaming label, pero manliligaw daw siya. Nasa rooftop kasi kami kanina, tapos umamin siya sa akin na gusto niya raw ako at gusto niya dawng ligawan ako.." pagkwento ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...