Chapter 54
"Ma..." mariing tawag ni Zion kay Tita Elvinna bilang pagsaway nito sa ginawang panunukso. Nakakahalata na ata siyang tinutukso siya ni Tita sa akin. Narinig ko pa ang munting hagikhik ni Tita Elvinna sa gilid ko. Pero hindi ko iyon lubos mapansin at mabigyan ng pansin dahil marami na namang bumabagabag sa isipan ko.
"Kumain ka muna hija..gumawa ako ng lugaw sayo.."
"Wala po akong ganang kumain Tita.." mahina kong sabi sa kanya. Pumikit ako ulit parang gusto ko nalang matulog ulit at magpahinga.
"No, you need to eat first wether you like it or not..." seryosong sabi ni Zion dahilan para maibuka ko ulit ang aking mata at deretso iyong tumama sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha. Napalunok ako. "Don't force her anak.." ani naman ni Tita sa mahinahong boses.
"Hindi po ayos lang po..kakain nalang po ako.." bawi ko agad para hindi na iyon gawing bigdeal. Umupo ako at agad rin naman akong inaalalayan ni Tita pati ang ibang kasambahay hinayaan ko lang sila sa ginagawa. Huminga ako ng malalim at hinintay ang sinabing lugaw ni Tita. Sinimulan ko rin namang iyong kinain nang nasa harapan na ito. Dahan dahan ang bawat subo ko sa lugaw pinilit kong kumain para naman magkalaman ang tiyan ko at para mabilis akong gumaling ayaw na ayaw ko sa lahat ang magkasakit. Nakakaagrabyado ako ng ibang mga tao. Ayaw ko ng ganun. Gusto kong sarilihin ang problema o ang nararamdaman ko.
"Masarap ba hija?" magiliw na tanong ni Tita Elvinna sa akin. Nakaupo siya sa harapan ko habang pinapanood ang bawat subo ko. Nakaramdan ako ng pagkailang dahil sa presensya ng isang tao sa gilid ko. Alam kong pinapanood niya rin ang bawat na galaw ko. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka hindi ko 'to maubos itong lugaw na kinakain ko. Sayang naman. Mahina akong tumango. Masarap naman talaga.
Ngumiti ako ng bahagya. "Salamat po.."
"May nasabi sa akin si Manang, hija.." tumingin ako kay Tita na kuryuso na ang tingin sa akin. Napatitig ako sa kanya at lito ding tiningnan. "Nabanggit niya may naghahatid daw sayong gwapong binata pauwi dito sa bahay?" pagkatapos sabihin ni Tita iyon ay sumilay ang nakakalokong ngiti niya sa labi. Napakunot naman ang noo ko.
"Po?"
Nakita kong ngumuso si Tita at niliitan ako ng mata parang tinatantya ang magiging reaksyon ko. Umiwas ako ng tingin.
"Manliligaw mo ba iyon hija?"
Halos mabulunan ako sa kinakain ko. Mabilis akong umiling bilang depensa. "Hindi po!" At umiling ako ulit.
"Siya din ba naghatid sayo kanina? Nakita ni Richellle, nasa labas daw ito kanina..at kahit nasa loob kana naman nanatili lang itong nakatayo sa labas..akala ni Richellle hinintay ka niya baka sakaling may lakad kayo pero hindi kana naman lumabas ulit.."
Napalunok ako sa narinig. Bakit niya ginawa yun? Akala ko umuwi na siya agad pagkatapos akong ihatid?
Hindi ako makapagsalita agad. "He's only my friend Tita.." tipid akong ngumiti sa kanya. Pagkatapos ko pang sabihin 'yun ay narinig ko ang pagbuga ng hininga ni Zion sa gilid animo'y nabuhayan ang loob.
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa inasta niya. Bigla ko tuloy naalala ang mga sinabi niya kanina. Hindi ko naman seneryoso lahat ng sinasabi niya. Hindi kona nga maalala ang iba dahil mas nangingibabaw ang pagiisip ko sa ibang bagay. Halos makalimutan kona.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Fiksi Remaja(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...