Chapter 48
"W-what?"
"Galit ako sa kanya dahil kong bakit ko pinaubaya sa kanya ang nagiisang taong iniingit-ingatan ko.."
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.
"May dapat ka bang aminin sa akin?" napapaos kong salita. Ramdam ang lakas ng pag-kabog sa dibdib ko.
Nagiwas siya ng tingin sakin at dahan dahang pinakawalan ang braso ko.
"W-wala.." huling sinabi niya at nauna ng maglakad sa akin. Iniwan akong nakatayo habang nakatulala. Napayuko nalang ako at napahinga ng malalim ng makitang nakalayo at nawala na siya paningin ko. Hindi ko naiintindihan at naguguluhan ako sa mga sinabi niya. Bawat salitang binibitwan niya ay parang may malalim pang ibig ipahiwatig 'iyon.
Iniling kona lang ang sariling iniisip at bumuga ulit ng malalim na hininga. Umayos ako ng tayo saka nagsimula naring maglakad pabalik kong saan ko naiwan si Xiomara kanina. Sana umalis narin si Zion.
Naabutan ko si Xiomara kausap ang ibang mga kaibigan niya. Napatingin ako sa kanila dahilan para mapansin ako ni Xiomara bago ito kumaway at ngumiti ng malapad pagkatapos ay agad sumimangot ng may biglang napagtanto. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero hindi ko ginawa.
"Nasaan kana naman ba galing?"
"May kinausap lang.." pagdadahilan ko at bigla na namang pumasok ko ang usapan namin ni nerd kanina. Parang may tinatago siya. Ang misteryoso niyang tao. Nakaramdan rin akong may nililihim siya. At hindi niya kayang masabi. Kuryusong kuryoso ako at hindi mapatanatag.
"Hey Genevieve!" bati sa akin ng isang kaibigan ni Xiomara. Sinuyod ko ng tingin silang lahat. Marami sila at napansin ko ang iba ay kaklase namin ang iba naman ay hindi.
Nahihiya naman akong ngumiti at bumati din pabalik sa kanila. "H-Hello..."
"Angganda mo pala sa malapitan! At hindi ko alam kong bakit ayaw na ayaw nila sayo! Hindi ata malinaw mga mata nila!" maarteng ani naman ng isa. Nakita kong natawa sila sa sinabi ng kaibigan. Hindi ko rin hindi maiwasang hindi mapangiti ngunit nanatili parin sa katawan ang hiyang nararamdaman.
"Tama ka girl! I don't hate Genevieve after all, I don't care about other issues even to her. I only hating for Camila's group the effin' bitches."
"Tsk, if you you say so. Nanggigigil ako sa kanila eh, lalo na 'yung Kiesha na kaklase niyo akala niyo naman kong sino. Ampon lang naman." rehestra naman ng isang babae na nakalugay ang mahabang buhok at may makapal na lipstick. Nagtawanan naman silang lahat na parang isang kakakatawanan iyon at pilit naman akong ngumiti kahit hindi na ako komportable sa narinig. Tumikhim si Xiomara sa tabi ko kaya napabaling ako sa kanya at nakita kong inilingan niya lang ang sinabi ng kaibigan.
"Not only Kiesha! Pati rin si Camila! Hindi naman daw 'yan totoong anak!" medyong napalakas ang pagkasabing iyon.
Bahagyang nalaki at nagulat ako. Napatigil ako sa nalaman.
"Annabelle shut your fucking mouth! Baka may makarinig sayo!" saway ng isa habang palingon-lingon sa paligid baka sakaling may ibang nakarinig sa pinaguusapan nila.
Ayos lang ba sa kanila na makarinig ako sa pinaguusapan nila? Pero parang wala naman ata silang pakealam na malalaman o makarinig ako.
Pero hindi totoong anak si Camila? Kaya pala kong makapagsabi siya kay Kade tungkol sa nawawalang kapatid nito ay parang hindi niya rin ito tunay kapatid.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...