Chapter 81

94 9 0
                                    

Chapter 81

"Tara cafeteria!" aya ni Xiomara nang matapos ang klase.

Hindi pa kami nakapagusap ni Xiomara tungkol sa nangyari kagabi. Pinagmasdan ko lang siya kanina habang inaalala ang mga sinasabi at nangyari kagabi. Sobrang nasasaktan siya kagabi pero kanina tila parang wala lang nangyari. Anggaling talaga niyang magtago ng emosyon.

"No, she'll come with me." biglang sabat ni Ethan na bigla-bigla nalang sumulpot.

"At saan naman kayo? Sasama ako, ayos lang maging thirdwheel." pamimilit ni Xiomara.

"No, you can't. We have a date." sambit pa ni Ethan at marahang hinawakan ang bewang ko na ikinabigla ko. Napaigtad ako doon sa ginawa niya at mabilis na lumingon lingon sa paligid. Baka may makakakita. Mabuti nalang at wala, nakaalis na ang lahat maliban sa aming tatlo.

Dismiyadong napa-buntong hininga si Xiomara saka mahina na tumango bago bumuntong hininga ulit. Wala na siyang nagawa at pumayag nalang sa sinabi ni Ethan tila parang wala na siyang magagawa pa. Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Gusto kong umangal sa sinabi ni Ethan para samahan si Xiomara pero diko magawa. Nakonsensya tuloy ako.

"Fine fine, enjoy your date, then. Huwag mong pabayaan ang kaibigan ko ha. Ibalik mo siya sa akin." Nakita ko kong paano pinaningkitan ng mata ni Xiomara si Ethan.

"Of course, don't worry." anito.

Tumingin si Xiomara sa akin at napalitan kaagad iyon ng matamis na ngiti at saka tumango. "O siya, o siya, sumibat na kayo." sabi niya.

"Saan kana pupunta ngayon?" nagalala kong tanong.

"Depende kung saan dadalhin ng paa Sissy." ngumiti na naman siya dahilan para mas lalo akong magalala. Imbes na magsalita huminga na lamang ako ng malalalim at tipid na tumango.

"We're leaving now, take care, Xio." si Etnan.

Niyakap ko muna si Xiomara bago kami napagdesisyonan na umalis. Sabay na kaming naglakad tatlo papuntang labas pero mayamaya'y iba-iba na din ang direksyon na tinatahak namin.

"Parang kailangan ata niya ng kasama." sabi ko habang pinagmasdan ang likod ni Xiomara na naglalakad. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I know, baby. Pero kailangan niya rin muna ng space. And about her and Kade, siguro may plano si Kade, let's give them  time."

Prinoseso ko ang sinabi ni Ethan ngunit napatango rin kalaunan. "Okay." nagsimula na kaming maglakad.

"Saan pala tayo pupunta?" nahimigan ng pagka-excite ang boses ko.

Nasa kalagitanaan kami ng pagbabayahe ngayon habang ako ay patingin-tingin sa labas. Sa bawa madadaanan namin ay hindi ko maiwasang mamangha. Gumugulo sa isip ko kong saan kami talaga pupunta.

I heard him chuckled next to me. Magkahawak kamay kami dalawa habang nagdadrive siya.

"Secret you'll see."

"Saan nga?" pamimilit ko pa habang nakanguso baka sabihin niya. Ngumiti siya sa akin.

"We can go there, baby. Just wait, okay?"

At hindi na naman ako nakaangal kaya malungkot akong napatango sa kawalan. Hinigpitan niya lalo ang kamay namin. Hindi naman talaga ako pumayag na magkahawak kamay kami habang nasa byahe kasi alam komng delekado pero nagpupupumilit talaga siya at gusto niya daw gawin ito ras-oras. Kaya wala na akong nagawa pa kaya ito na ang kilalabasan.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon