Chapter 67
"NAGKAUSAP KAYO!?" gulat niyang sigaw para mapabaling ang atensyon ng mga tao sa aming banda. Napapikit ako at inaasahan ko na talaga 'to. Hays.
Marahan akong tumango sa kanya.
"Sino?" napatingin ako kay Nerd dahil sa biglaang pagsabat niya. Nakakunot na ang noo nito habang seryosong tiningnan si Xiomara na halos mapanganga na ngayon. Hindi pa nakabawi sa pagkagulat.
Walang sumagot sa aming dalawa. Hindi ata napansin ni Xiomara ang tanong ni Nerd kaya hindi agad nakatugon. Samantalang ako naman ay parang wala talaga akong balak na sabihin sa kanya.
"Answer me, sino?" ulit ni Nerd. Nilingon niya ako habang seryoso parin. Ako naman ay humalulipkip at natahimik.
"Si a-ano l-lang.." nauutal kong sambit.
"Yung lalaking nagpakilala sa atin kahapon! Nandito siya, kausap daw ni Sissy daw iyon kanina, e.." pambubuking sa akin ni Xiomara. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya sa ulirat. Nilakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya pero malapad lang na ngiti ang ginawa ng loko.
Dahil wala akong choice, bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Oo, nakausap ko siya kanina sa Student Lounge. Ang kulit, e 'di ako tinatantanan.." sabi ko sabay sulyap kay Nerd na madilim na ang tingin at nasa ibang dereksyon ang tingin.
"He did?" he said.
Tumango naman ako.
"Tsk."
"Kuy-- este! Ethan may bagong karibal kana ata, at lalong Kade na 'yun wala na talagang pagasa sa'yo Sissy!" nahimigan ko pa ang pagkatuwa sa oses ni Xiomara kahit pa sarkasmo iyon. Hindi ko iyon pinansin.
"Tsk." si Nerd.
"Galaw galaw naman kasi dyan baka maunahan kapa, e! Nasa huli pa naman ang pagsisisi. Kasalanan mo na 'yun."
Agad kong sinipat si Xiomara dahil sa kanyang mga sinasabi. Ako yung nahiya sa mga sinasabi niya. Shems!
"Xiomara!"
Hindi siya nakinig sa akin imbes ay nagpatuloy siya sa pagsasalita habang wala sa akin ang tingin. Alam niya siguro na lalakihan ko siya ng mata kapag magkatinginan kami.
"Interesadong interesado pa naman 'nun. Sobrang halata, saka gwapo pa! May tyansang magkakagusto si Genevieve roon." panunuyang sambit ni Xiomara kay Nerd na nakikinig din sa kanya at sobrang sama na ng tingin.
"Mas gwapo ako dun, tsk." si Nerd at nagiwas ng tingin. Natawa ako ng kaunti para lingunin niya ako. Mga ilang segundo niya akong tinitigan gamit ang madilim niyang tingin at walang sabing umalis ng walang paalam sa amin.
"Selos na 'yarn! Ligawan mo na kasi kuy--- este! Letse! Ethan kasi!" nababanas na singhal ni Xiomara sa kanyang sarili. Napailing na lamang ako sa kabaliwan niya.
"Huwag mo nga akong asarin sa kanya.." mahinang sabi ko.
"Jusko naman Sissy! Halata naman sa tao na may pagtingin sayo!" sabi nama niya pagkatapos ay inirapan ako. Huminga ako ng malalim.
Ngumuso ako sa kanya. "Hindi pa tayo sigurado.."
"What!? Halatang halata na Sissy, e! May gusto nga si Ethan sayo. Hindi mo ba nararamdaman? Bakit ka naman niya hahalikan kong ayaw niya sayo? Isa lang ang ibig sabihin nun at heto nagpapakita siya ng motibo na may gusto siya sayo " aniya. Bigla akong napaisip sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Novela Juvenil(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...