Chapter 51

127 13 0
                                    

Chapter 51



"Pinaiyak mo ba beshie ko?"


Sabay kaming napalingon ni Xiomara sa nagsalita. At bumungad si Kade na nakasimangot habang nakatingin kay Xiomara. At nanlaki din ang mata ko ng nakita kong naglalakad palapit sa aming banda si nerd yung mukha niya parang nagalala.



"What's wrong with her?"


Napatingin din si Kade sa kanya. He smirked. Bakit sila nanditong dalawa?


"Anong ginagawa niyo dito?" sabay naming tanong ni Xiomara na ikinabigla ko ng bahagya ngunit hindi kona rin pinansin dahil nagtataka ako kong bakit sila sabay na nandito.


"Inaway yan ni Xiomara si Genevieve e," ani ni Kade nanatiling nakasimangot parin na parang bata. Nakanguso pa ito. Gusto kong matawa sa itsura niya. Lumingon ako kay Xiomara para tingnan kong anong magiging reaksyon niya at expected na talagang magtatagis siya ng bagang at matalim na ang tingin. Imbes na sumbatan at awayin si Kade ay inirapan niya lang ito sabay iwas ng tingin pagkatapos ay hindi na nagsalita dahilan para ipinagtaka at nanibaguhan rin ako sa nagiging asal niya.



Ngumuso ako at lumingon ulit sa harap. Halos mapaatras na naman ako dahil sa talim ng tingin na ibinigay ni nerd sa akin. Kanina niya pa ata ko tinitigan. Sinamangutan ko siya bago inirapan. "Walang away na nangyari, nagusap lang kami ni Xiomara, wag mong pagbintangan si Xiomara, Kade" mariing usal ko.


"Pasensya naman, akala ko kasi anong nangyari.."


"Inalam ko kasi muna bago ka humusga, stupid" malamig na sabi naman ni Xiomara sa gilid ko. Napatango naman ako at sangayon sa sinabi niya. "Oo stupid talaga si Kade" tumango-tango pa ako.


"Sinong stupid!?" hindi makapaniwalang sabi ni Kade galos pagsigaw na iyon. Lakas ng boses ng lalaking ito parang babae lang.


"IKAW!" sabay naming sigaw ni Xiomara sabay turo sa kanya.


Narinig ko namang natawa si nerd sa harap. Bumaling ako sa kanya nang makita niyang nakatingin ako ay agad nagbago ang ekspresyon niya bago tumikhim. Siya naman ang tinawanan ko.


"Atleast gwapo!"


"Aba, saan mo naman nakalap iyan aber? ngayon ko lang ata nalaman 'yan" sarkastikong sabi ni Xiomara may halong panunuya. Ito na naman, akala ko magiging normal at wala ng awayan na magaganap sa pgitan nilang dalawa ngunit nagkakamali ako. Meron pa pala. Mga aso't pusa.


"Well, ganyan kasi mga panget hindi updated, tsk"


"For your information hindi ako chismosa, hindi ako si marites! Kesa naman sayo mukha lang ang tanging maiambag dito sa mundo!


"Atleast may ambag duh!" umirap si Kade. Natawa ako ng kaunti at inilingan siya. Nahuli ko siyang kinindatan ako kaya napawi agad ang ngisi ko sa labi napalitan ng pagkanguso.


"Bakla!"


"Sinong bakla!?"


"Hindi mo ba kilala ang sarili mo?"


"Syempre kilala, ano ba namang klaseng tanong yan"


"Kilala mo naman pala e, edi alam mona kong sino ang tinutukoy ko, stupid ka talaga!"


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon