Chapter 65
"Camila, halika na.." napalingon ako sa likod dahil naroon nanggaling ang boses sa nagsalita. Nakita ko si Zion na papalapit sa amin. Nakatitig ito sa akin habang naglalakad na nakapamulsa. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa paninitig niya.
Iniwas kona lamang ang tingin ko sa kanya at nagsimula na ring maglakad palayo sa kanila. Ayaw ko ng pahabain ang usapan baka masabihan na naman tayong nagpapansin. Kahit hindi naman talaga iyon ang intesyon ko. Nakayuko ako habang naglalakad habang napapikit hindi na inalintana kong saan ako dadalhin ng paa ko.
Nabigla ako nang may biglang kumalabit sa akin. Walang gana kong nilingon kong sino man ang taong iyon. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ng tuluyan ko ng makita kong sino ang taong iyon. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito!
Napaawang ang bibig ko at bahagyang napalunok.
Malaki ang ngiti niya sa akin. Ako naman ay gulat na gulat parin na nakikita ko siya rito. Bakit nandito siya? Wala ako sa sariling tumalikod at mabilis na tumakbo at iniwan siyang magisa na nakangiti doon.
Heck! Bakit nandito si Zaijian!?
Napatuloy ako sa pagtakbo kahit hinihingal na ako. Ayaw kong huminto at baka'y maabutan pa ako nun. Maaga pa naman kaya ayaw ko pang pumasok sa loob ng classroom.
Napansin ko nalang na nasa loob na pala ako ng Student Lounge. Dito ako dinala ng paa ko. Tumingala ako pagkatapos ay doon ko nalang binigyan pahanon ang paghingal ko. Pagkatapos kong gawin 'yun ay umupo nalang ako sa malapit na couch bago nilatag ang mga aklat na dala ko sa lamesa na nasa harapan ko.
Naisipan ko nalang magbasa roon wala na akong pwedeng ibang gawin kundi iyon nalang. Ngunit kahit anong ulit kong binasa ang mga salita na nakasulat sa aklat ay hindi ko talaga mauunawaan dahil bumabagabag na naman sa isipan ko si Zaijian kong bakit siya nandito. Sinadya niya bang maparito?
Kahit hindi naman ako dapat kabahan ay iyon talaga ang nararamdaman ko sa oras na ito. Dumagdag pa 'to sa problema ko!
"Miss pwede umupo?"
Mabilis akong nagangat ng tingin sa harapan. Nanlaki at halos mapaatras na naman ako dahil nandito na naman siya. Nasundan ako. kainis naman. Sinusundan ba ako ng lalaking 'to? Ano ba talaga ang sadya niya sa akin.
Agaran akong napatayo sa labis na pagkagulat. Gusto ko na atang sumigaw dito. Balak ko na sanang iligpit ulit ang mga libro ngunit pinigilan niya na ako. Hinawakan niya ako sa braso para pigilan ang ginagawa ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.
"Anong ginagawa mo!?" sambit ko. Mabuti nalang at hindi ko naisigaw iyon. Walang sabi kong inagaw ang braso ko sa kanya. Ngunit mas lalo lang bumilog ang mga mata ko dahil hindi niya parin ako binibitawan. He smirked when he saw my reaction. Coward! "Pwede ba!?" singhal ko sa kanya at pilit paring inaagaw ang braso. Hindi niya talaga ako binigyan ng pagkakataon para mabawi ang braso ko.
"Huwag ka munang umalis.." sabi niya. Natigilan naman ako at mariin siyang tiningnan.
"Bakit?" inis kong tanong. "Bakit kaba nandito? Sinusundan mo ba ako dito?" masama ko siyang tiningnan bago sinulyapan ang kamay niyang nasa braso ko. Nagngitngit ang mata ko habang tiningnan iyon. Sinubukan kong bawiin ulit ang braso ko pero wala na talaga akong pagasa. Ako lang ang napapagod sa ginawa ko imbes ay tiningnan ko nalang siya gamit ang hindi interesadong mukha.
He's scary. Dahek!
Humalakhak siya. "Hindi naman..pero parang ganun nanga..." at tumawa siya ulit. Nainis ako sa tawa niya kahit maganda naman ang boses niya habang tumatawa pero ewan ko ba bigla akong nairita. Sumama ang mukha ko.
"Pwes pakawalan mo na ako! Hindi kita kilala!"
"You already know me. Nagpakilala na ako kahapon. Bakit? Gusto mo bang mapakilala ulit ako sayo?" he chuckled.
Ngumuso ako. "Hindi na. Hindi naman bigdeal, at kung pwede lang pakawalan mo na ang braso ko?" mariing kong sambit sa kanya sabay tingin sa palagid. Mabuti nalang at kaunti lang ang mga taong nandito sa loob. Bumaling ako sa kanya naabutan ko naman itong nakatitig sa mukha ko bago sumilay ang panibagong ngiti sa kanyang labi. Matamis na ngiti 'yun.
"Ayaw ko." aniya.
Nilakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Feeling close naman ng lalaking 'to!
"Hihintayin mo pa bang sisigaw ako para lang pakawalan mo ako?" inis kong tanong sa kanya at pinaikot ang mata.
"Highblood mo naman.." sabi niya dahilan para mas lalo akong mainis.
"Zaijian! Let me go!" sigaw kona dahil hindi kona mapigilan pa. Pagkatapos kong sumigaw ay naramdaman kong dahan dahan niyang pinakawalan ang braso ko. Nagangat ako ng tingin sa kanya. Mabilis akong lumayo sa kanya nang tuluyan ng makawala ang braso ko sa kamay niya.
"Akala ko ba hindi mo ako kilala?" natatawang sambit niya.
"Kilala lang kita sa pangalan pero hindi sa totoong pagkatao mo. Kaya huwag kang feeling close.." sabi ko naman sabay irap sa kanya.
Hays, magiging maldita ata ako dito dahil sa kanya. Bakit ba kasi nandito siya ang aga pa.
"Genevieve, alam mo ba?"
"Na ano?" irita kong sambit pabalik.
Ngumiti siya sa akin bago nagsalita. "Mas maganda sa isang katulad mo ang ngumiti sa ganitong oras.." mahinang sambit niya. "Malayo palang nakita na kitang naka poker face, e." ngumuso siya animo'y parang may naalala. "Kilala mo ba ang mga taong 'yun? Lalapitan na sana kita kanina kasi parang pinagtutulungan ka ng mga babaeng 'yun."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Tungkol ba ito kina Camila kanina? So ibig sabihin nakita niya ang nangyari kanina. Kanina niya pa ako sinusundan!? Dahek.
"Wala kana dun! Sabihin mo nga kanina mo pa ba ako sinusundan!?" umatras ako bago tinuro siya. "Ikaw! Stalker!" kumuha ako ng malalim na hininga bago ako sasabog. "Ano ba talaga ang kailangan mo ha!? Kung may gusto ka sa akin, mas mabuti pang umamin kana lang. Pinapatagal mo pa, e!" inis kong sigaw sa kanya bago siya nginiwian. "Pero hindi kita ekra-crushback kasi may gusto na akong iba! Hmp!"
Hinihingal pa ako habang nakatingin ng seryoso sa kanya. Naghihintay sa sasabihin niya. Nakapaweywang pa ako. Ngunit nakita ko lang na napaawang ang kanyang bibig at napatulala sa sinabi ko. Para bang hindi niya inaasahan ang mga naririnig galing sa akin.
"Ano!? Sagutin mo ako!"
"H-Huh?" sabi niya at napansin ko ang pagpula ng kanyang pisnge sabay baling sa ibang dereksyon ang kanyang tingin. Hindi na siya makatingin sa akin ngayon. Nagtaka pa ako sa naging reaksyon niya.
Nginisihan ko siya ng nakakaloko dahil ngayon ko lang napagtanto na iyon lang pala ang paraan para matutop at matigilan siya. Mahina pala siya, e! Natawa ako sa sariling pagiisip dahilan para ma-ibalik niya ulit ang kanyang tingin sa akin.
"Hoy, ano nga ba talaga ang sadya mo sa akin? Bat' di ka maka imik dyan? Siguro tama nga ako?" may panunuya kong sabi.
"H-Huh?" anito habang nakatitig na sa akin. Napansin ko rin ang pagtingin niya sa labi ko nung nagsasalita ako. Agad ko iyong itinikom para mapatingin ulit siya sa mata ko.
"Nabibingi kana ngayon? Sige na nga huwag mo nalang sagutin. Aalis na ako. Goodbye." huling sinabi ko sa kanya bago pumihit palabas.
Tumigil pa ako saglit at nilingon siya sa likuran. Naabutan ko siyang nakatingala at ang kanyang dalawang palad ay nasa mukha. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa nakita pero umiling rin kalaunan at nagsimula ng lumakad ulit.
_________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Dla nastolatków(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...