Chapter 23

188 22 4
                                    

Chapter 23

"Alam mo ba hija, Mave just arrived from other country about a few days ago. I'm curious how you'd met, you never told me anything yesterday.." pagbahagi ni Tita sa akin.


"Hindi ko pa kasi alam na anak sila ni Tita Mauriella tita..akala ko hindi kayo konektado.." paliwang ko habang inaalala ang paguusap namin nina Devi at Mave kahapon sa sementeryo.


"I understood hija, do you know that Mave moved to the school where Xiomara was also studying.." sabi pa ni tita.


Agad naman akong napalingon kay Tita na may kuryusong tingin. Naalala ko yung nerd na nag transferre nung Friday. Imposible namang siya yun. Sobrang layo nang personalidad at yung tindig nila kung ipaghahambing silang dalawa masasabi kong napaka-imposibleng iisang tao lang sila. Napahinga ako ng malalim. Malabong si Mave yun.

"Ohh ngayon ko lang po narinig yan', nung isang araw po may transferre din po kami kaso nerd po iyon..tas masungit at cold.." sabi ko habang inaalala yung nerd na bagong kakalase. Nakalimutan kona yung pangalan. Suplado pa naman yun nakakatakot siya kausapin. Naalala ko pa yung huling paguusap namin sa loob ng classroom. Sisiguraduhin niya daw na makukuha niya ang kaluluwa ko. Shems! Baka loob?


"Hmm..." biglang napagisip-isip si Tita sa nasabi ko.


"Saka tita yung tungkol sa nabanggit kong kaibigan ko, he's a guy po tita.." nahihiya kong pag-amin sa kanya.


"Woah..Is he a good guy? Hindi kaba niya pinabayaan? "


"Opo'.." tango ko.


"Oh that's great! I have nothing to worry about. And I hope one day I could meet that one friend of yours hija.." masayang ani ni Tita. Napangiti naman ako.


"Oo naman po! Wala pong problema.." maligaya kong sambit. Mabuti nalang at hindi tutol si tita sa pagkakaibigan ko sa lalaki. Masaya ako nang malaman kong ayos lang sa kanya. Basta ayos lang sakin ay maayos lang din sa kanya hindi na siya magalala kapag maayos lang ako sa kalagayan ko.


Akala ko magagalit si tita. Napabuga nalang ako ng malalim na hininga nabuhayan ako ng loob.



"Bagay kayo ni Mave hija ackkk.." kinikilig na tukso sa akin Tita. Napataas naman yung kilay ko at hindi makapaniwala sa narinig.


"Hala hindi po ah!"


"Sus indenial pa, gwapo diba hija? Uyy..tell me you had a crush on him right? Hindi na ako magtataka, magandang bata naman ang anak ni Mauriella at Mario..walang pangit sa pamilya nila..." Natatawang sambit niya pa habang napatango-tango. Agad akong umiling. Umangal agad ako sa paratang ni Tita.


"Kahit gwapo po siya..wala po akong gusto sa kanta..pilingero pa naman yun.." Umiling ako.


"Minsan yung mayabang may pinagyaabang naman..gaya nalang ng daddy ni Zion..ganyan na ganyan nung una naming pagkakilala.." nakangiting pagbahagi ni Tita habang nakatulala at may inaalala.


"Kailan po ba uuwi si Tito Zandrick?" tanong ko.


"Ngayon buwan siguro hija..pero wala pang kasiguraduhan marami pa kasing inaasikasong business namin sa ibat ibang bansa..kaya hindi ko alam kong kelan ang exact date kung kelan siya bibisita dito sa pinas.." ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa mga mata ni Tita sa kay Tito Zandrick na asawa niya.


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon