Chapter 41

144 16 0
                                    

Chapter 41



Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Camila.




"At sa lahat, bakit sa kanila ka sumama kuya?" mataray niyang tanong kay Kade. Bumuntong hininga siya. At saka seryosong tiningnan ang kapatid.




"At sa lahat ng tanong, bakit 'yan pa Camila?" malamig na usal ni Kade kay Camila. Tumingin ako kay Camila na nakataas na ang parehong kilay. Hindi siya maka-imik. She rolled her eyes.



Tumikhim si Xiomara sa gilid ko. Napatikhim narin ako para ibsan ang awkwardness na namuo sa aming anim.



"Pwede ba Camila kung ganyan lang naman ang sasabihin mas mabuti pang umalis kana lang..wag mo kaming idamay sa problema niyo, wala naman kaming pakealam. Tsaka pake mo ba kong sa amin sasama si Kade? hindi mo naman katawan ang katawan niya, tsk. Umalis na kayo habang may anghel lang sumanib sa akin...at baka ako pa ang magpaalis palabas sa inyo dito.." seryosong sambit ni Xiomara sa kanila.




Napalunok ako halos mabulunan ako dahil sa sinabi ni Xiomara. Ang savage at deretso niyang magsalita nagpapahalata na walang kinakakatakutan. Yung ginawa 'niya ngayon hindi ko ata kayang gawin. Kinakabahan na nga ako kahit hindi pa nagsimulang magsalita paano nalang kaya kapag nagsimula na ako, manginginig na ako.




Lumalabas lang ang pagiging mataray ko kapag komportable ako sa isang tao. Nakaka-inspire minsan si Xiomara, sasabihin 'niya talaga kung anong gustong sabihin niya kahit nakakasama pa 'yan. Magkaibang-magkaiba talaga kami. Mataas din yung confidence niya sa lahat ng bagay.



"At sino ka para paalisin kami?" supladang sabi ni Camila.




Ngumiwi si Xiomara at tiningnan siya ng masama habang nakataas ang kilay. "Kaya kong bilhin ang cafe na'to para paalisin kayo.." matapang na sabi ni Xiomara pagkatapos ay ngumisi. Kinakabahan naman ako. Dahan dahan kong binaba ang kamay ko papuntang baba, sa lap ko. At pinaglalaruan iyon.




"Huh!? At sa tingin mo maniniwala ako?"




"Wala akong sinabing maniwala ka. If kung naniwala ka, edi uto uto ka." simpleng sabi ni Xiomara saka siya bumaling sa pagkain at nagsimulang sumubo. Tumigil siya saglit at tiningnan ulit sina Zion at Camila. "At pwede ba..wag kayong mag stand by dyan sa harapan namin, kita 'niyo naman? kumakain kami dito..hinaharangan 'niyo yung sariwang hangin. Napalitan tuloy sa mga amoy 'niyo kaya nakakawalang gana kumain.." dagdag niya pa at tumawa ng nakakaloko.




"Camila..magusap nalang tayo mamaya..wag dito.." biglang sabat ni Kade.




Kumunot ang noo ni Camila at bumaling sa kapatid niya. "What? Kuya!? Really?" hindi makapaniwalang singal ni Camila.




"Oo, wag dito sa public..if you disappointed me, we can talk about it later..wag kang maghanap ng gulo dito, at sa lahat wag mo silang idamay sa 'kung anong problema natin.." mahinanahong pakiusap ni Kade pilit pinapakalma ang sarili.




"Wow! I can't believe it Kuya! Kinakampihan mo sila!"




"Wala akong kinakampihan Camila, listen to me.."




"Tsk, kasama mo pa talaga ang mga babaeng to?" sabay tingin sa amin habang nakataas ang kilay ng nakangisi. "My two rivals, but sad to say.. they're both losers.." he chuckled devilishly. "Mga kawawa... pathetic cheap garbage losers.." tumawa siya ulit.




The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon