Chapter 8

335 49 18
                                    

Chapter 8



Pagkalabas namin agad ko siyang binatukan.


"A-aray!"



Sinamaan ko siya nang tingin. "Anong gusto mo sa buhay mo ha!?" sumbat ko sa kanya dahil sa ginagawa niya.



"Syempre makasama ka," simpleng sagot niya sabay kabit nang balikat.



Umawang yung bibig ko sa sinabi niya, nagsasalita siya nang wala sa lugar palagi. Hindi ko talaga inaasahan ang lalaking to. Kaaway ko lang naman ito kanina tapos ngayon? Kasama ko'na ngayon?



Ngumiwi ako.



"Sabihin monga adik kaba?" tanong ko sa kanya.



He shrugged."Ayos lang nga maging adik kong ikaw yung dahilan."



I took a deep breath then shook my head. Naweirduhan ako sa sinabi niya, hindi ako sanay sa mga taong ganito makipag-usap. Hindi ko alam kong bakit ako kinausap nang lalaking to.



In my whole life I have never seen people interested in talking to me or being with me. May parte sa akin na masaya. I smiled a little before I turned around to go in bathroom so I can change.



Pagkatapos kong magpalit ay agad na akong lumabas, bahagya akong nagulat nang makita ko siyang nakapamulsang naghintay sa akin sa labas, seryoso ang mukha. Nang mapalingon siya sa banda ko ay agad nagbago ang ekspresyon nang makita ko. Malapad na ngiti ang iginawad niya sa akin.



Lumakad ako palapit sa kanya.


"Let's go?"



Iginala ko yung tingin sa palagid. Andaming tao ngayon sa mall, medyo hindi pa ako sanay. Hindi ako mahilig mag-mall. Kung siguro may kaibigan ako balak ko sanang pupunta kami dito at ako yung manglilibre.



"You don't have friends? and you wish you have one? tama ba ako?"




Automatiko akong napatingin sa kanya at bahagya akong napalunok dahil tama siya. Paano niya nalaman kung anong nasa isip ko? Nabasa niya ba yung nasa isip ko ngayon? 



Hindi ako nakasagot kaya nagsalita siya ulit.



"If I am right, I can be your first one." he suggested while smiling.



My mouth gaped. Bigla kong napagisipan yung sinabi niya. Tumitig ako sa kanya at nagisip. Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa naging suhestiyon nya, Oo gusto kong magkaroon nang kaibigan pero wala sa isip ko na lalaki iyon.



"Kung takot ka dahil lalaki ako, wala kang dapat ipagalala hindi naman ako mangangagat...mangangain lang.." pabirong dagdag niya. Tumawa siya.



Bakit nabasa na naman niya yung isip ko? Mind reader ba siya?



Natatakot ako kahit hindi naman dapat. Dapat nga maging masaya ako diba? Dahil may gustong makipagkaibigan sakin? Tapos ngayon pa ako mageenarte. Ano kaya magiging reaksyon ni Tita Elvinna pag malaman niyang may kaibigan na ako? Alam kong maging masaya siya para sa akin, pero ewan ko lang kapag malaman niyang lalaki. Ughh bakit bigdeal na naman ito sa akin?




Saka wala pa akong tiwala sa lalaking ito. Basta ang alam ko masaya siyang kasama.




"Ahh....I don't know..." tanging sabi ko at sabay nun' ay tumunog yung cellphone ko.




The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon