Chapter 12
Kakauwi lang nila tita pati narin si Zion. Ang lamig niya sakin kanina, yelo sa sobrang lamig. Oo may kasalanan ako pero hindi naman dapat ganun' diba'? Dapat hindi ganun ang magiging trato niya sakin. Naguguluhan ako wala naman akong ibang ginawa para ikinasama nang loob niya para maging cold siya sakin. Nagsorry naman ako sa kanya pero wala parin. Bahala nanga.
Magtext nalang ulit ako para humingi nang sorry. Hindi ako magiging kampante kung papatagalin pa namin ang ganito. Kinuha ko yung phone sa gilid nang kama ko. At agad nagtipa nang mensahe para kay Zion.
Me: Woi, I'm sorry.
Sent!
Nagulat ako nang biglang nagvibrate yung phone ko hudyat na may nagtext. Tiningnan ko.
Zion: Okay: >
Huh? Kainis naman wala ba siyang ibang sasabihin? Tapos okay' lang reply niya? Aist! Whatever, basta nagsorry na ako sa kanya. Hindi na ako nagreply at nilagay nalang yung phone sa mesa saka ako humiga sa kama. Hanggang sa tuluyan na akong mapapikit at makatulog.
Nagising lang ako dahil sa ingay nang katok sa labas. "Hmm.." ungot ko.
"Ma'am Genevieve gumising na po kayo! Sabi ni Madam Elvinna may importanteng lakad daw po kayo ngayon.." sigaw galing sa labas.
Huh?
Agad akong napabalikwas sa kama nang maalala kong death anniversary pala ngayon ni mama. "Yes po! babangon na po' maghahanda lang po ako.." balik kong sigaw. Humikab ako, nanatili paring nakapikit yung mata.
"Opo ma'am! ang sabi rin po' ni madam ay paparating na siya dito..."
"Okay po..magreready na.."
Mayamaya ay naisipan kona lang tumayo at pumunta sa bathroom para maligo. Pagkatapos kong maligo aya agad na akong nagbihis at naghanda saka ko napagdesisyonan na bumaba na. Bumungad sa akin si tita Elvinna. Inilibot ko yung tingin ko ngunit walang bakas na Zion ang nakita ko. Nagtampo parin ba siya?
"Goodmorning tita..." nang makalapit na ako sa kanya at saka kami nagbeso.
"Goodmorning too hija'.." nakangiting bati pabalik sakin ni tita. Napangiti rin ako dahil sa pagiging palangiti niya nakakahawa.
"Nasaan po si Zion?"
Biglang natahimik si tita sa naging tanong ko. Nakita kong napailing siya at napahawak sa sentido niya. "May lakad daw sila ni Camila hija..magdadate daw.." sagot ni tita at nagkabit nang balikat. Napahinga siya nang malalim saka ako tiningnan at nginitian. "Don't worry susunod daw siya sa atin kung makakaabot siya..." pagaalo ni tita sakin. Ngumiti nalang ako at tumango para hindi mapansin yung lungkot nang nasa mukha ko.
Nalungkot ako. Of course sino ba naman kami para unahin? syempre uunahin niya yung beloved girlfriend niya. Hindi naman kami gold. Hays, nagdadrama na naman ako. Wag na tayong umasa sa taong wala dito. Hindi niya man lang naisip na importanteng araw to ngayon. Importante yung pupuntahan namin.
"Kakain lang po ako..." sabi ko.
Tumango naman si Tita sa akin at malungkot na ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at naunang maglakad papuntang kusina.
Pagkatapos kong kumain, napagdesyunan narin naming umalis na papuntang sementeryo.
_________
"Hija, I'll just answer the call first.." paalam ni tita sa akin para sagutin yung tawag na kanina pa tumatawag habang nasa byahe pa kami. Nasa sementeryo na kami ngayon.
"Okay po.." tugon ko. "At saka tita maglakad lakad lang din po muna ako...may tiningnan lang po ako.." pagpaalam ko rin. Pinagisipan ni tita yung sinabi ko kalaunan ay tumango at sumangayon. "Bumalik ka ha..babalik din ako agad.." ngumiti muna siya sakin saka siya naglakad para kausapin yung kanina pa tumatawag.
Napahinga ako nang malalim.
Dahan dahang gumalaw yung katawan ko. Naglakad lakad lang ako kung saan at tumitingin sa mga taong bumibisita din sa mga yumaong mga mahal nila sa bahay.
Bigla ko tuloy namiss si Mama. Kahit saglit lang kami nagkasama masaya parin ako dahil nakasama ko parin siya kahit sa kaunting panahon lang. Sa ama ko naman hindi kopa' siya nakita. At wala akong ideya kung nasaan siya ngayon. Hindi ko rin nakita yung mukha niya kahit sa litrato man lang. At ito ako ngayon naiwang magisa. Ngunit sa kabila nang mga sitwasyon o sa pangyayari na nangyari sa buhay ko may nadyan parin sa akin. Isa na doon si god. Hindi niya ako pinapabayaan at hindi ako magsasawang magpapasalamat sa kanya sa araw araw.
I sighed again. Mabuti nalang at hindi namin kasama yung mga bodyguards makapaglakad lakad ako sa kung saan.
"Kuya...totoo po ba yung ghost?"
"Bakit mo natanong baby?"
"Kasi po..my classmates always tell e that they're real.."
"Ohh...,"
"Is that true kuya'?
"Hmm..if my answer is yes, are you going to afraid of baby?
Kuryoso ako kong sino yung naguusap sa likod ko. Kaya naisipan kong lumingon nalang para tingnan kong sino sila. Paglingon ko naabutan ko ang isang batang babae at may isang lalaki na nasa harapan niya, nakaluhod ito para magkapantay yung tingin nilang dalawa. Siguro magka-edad lang kami nang lalaki.
Mas ikanabigla ko nang lumingon ang batang babae sa banda ko. Pagkatapos ay nginitian niya ako nang malaki. Hindi ko naman alam kong anong erereact ko kaya ngumiti nalang ako nang pilit pabalik sa kanya.
"Look kuya...she's so beautiful.." manghang sabi nang batang babae habang nasa akin ang tingin. Nakaramdan naman ako nang hiya. Kaya umiwas nalang ako nang tingin. Lumingon nalang ako sa bandang kaliwa.
"Where baby?" narinig kong tanong nang lalaki.
Mas lalo akong nakaramdan nang kaba. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam. Hindi ko magawang maigalaw yung dalawang paa ko para sana umalis. Napakuyom nalang ako nang kamay.
"Look kuya oh, siya.."
Tumalikod ako para hindi nila ako makita ngunit nanatili parin ako kung saan ako nakatayo kanina. Bakit kopa kasi ginagawa to! Bakit ako nagtatago? Hindi naman ako panget. Hays, hindi ko talaga naiintindihan yung sarili ko. Nakakaloka.
"Where is she baby?"
"Yung nakatalikod po..magkaharap lang kami kanina e..maybe she's just shy..I think so.."
"Gusto mo bang lapitan natin siya?"
"Yes kuya!" pagpayag nang batang babae.
WHAT?
Oh em ji, totoo ba yung narinig ko? I mean tama ba yung narinig ko? Wag naman po sana lord please. Bakit pa kasi may palapit-lapit pa naku! Kung makita ko man kong sino yung lalaki. I swear ipapatapon ko siya sa quadrangle. Ano ba kasing meron sakin bakit gusto pa nila akong lapitan? Hindi naman ako gold. Hindi ba nila alam na yung ginagawa nila ngayon ay nakakamatay para sakin. Pero biro lang.
"Hey Miss Lady Ghost.."
_________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...