Chapter 64

105 12 3
                                    

Chapter 64

Gabi na kami ng nakauwi sa bahay. Pag-alis nila ay dumiretso na ako papasok sa loob. Ramdam kona ang pagod ng katawan ko. Gusto ko nang magpahinga.

Nagsimula na akong maglakad papasok nang naabutan kong pabalik balik ng lakad si Tita mukhang problemado sa kung' anumang bagay. Nagtaka ako sa nakita kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Tita bakit po?" tanong ko nang tuluyan ng makalapit. Lumingon ako sa palagid at tanging mga kasambahay lang ang naroon. Nanonood sila kay Tita at kagaya rin ng reaksyon ko ay bakas din sa mga mukha nila ang pagtataka ngunit walang sumubok na magsalita at magtanong ni isa sa kanila. Hindi ko alam kong bakit baka siguro'y natatakot o walang lakas ng loob. Nakabit lang ako ng balikat.

"Genevieve, are you okay? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin, huh?" ramdam ko ang pagalala ni Tita Tita habang nagsasalita.

"I'm sorry po Tita, agaran kasi ang plano. Pasensya na po." sambit ko sabay tingin sa mukha niya na nakatingin rin sa akin. Bumuntong hininga siya sabay pikit nang dumilat siyang muli ay malungkot niya akong nginitian pagkatapos ay bumuntong hininga ulit.

Napaginhawa rin ako dahil hindi ako pinagalitan ni Tita sa ginawa kong pagalis ng wala man lang paalam sa kanya.

"Kumusta ang lakad niyo hija? Nagsaya na kayo roon, hmm? Kumusta na ang pakiramdam mo?" sabi ni Tita sabay hawak ng noo at leeg ko.

Ngumiti ako. "Tita ayos na po ako. Hindi ko naman hahayaang umalis kong masama po talaga ang pakiramdam ko. Alam ko pong magalala kayo ng sobra. At saka pasensya na po talaga.." sambit ko. Ngumuso ako.

Tumawa si Tita Elvinna.

"Ano kaba! As long as you're enjoying it's fine with me. But huwag mo lang ipahamak ang sarili mo okay? Huwag mo akong pagaalahin. Gawin mo ang mga bagay na ikakasaya mo hija.. I'll always support on you." nakangiting wika ni Tita sa akin sabay marahan na hinaplos ang aking buhok.

Tumango ako at ngumiti rin pabalik. Mga ilang sandali kaming natahimik bago nagsalita ulit si Tita.

"Hija, hindi kaba kuryuso kong nasaan ang daddy mo ngayon?" biglang tanong ni Tita sa akin na ikinabigla ko.

"P-Po?"

"Are you curious sometimes about your dad whereabouts?" ulit na tanong ni Tita dahilan para matigilan na ako.

Dahan dahan akong tumango. "A-Ahhh O-Oo naman p-po.."

Tumango siya at ngumiti ulit sa akin. Naglakad siya palapit sa couch at umupo roon. Tinapik niya ang tabi niya alam kona kong anong nais na ipinahiwatig niya. Tahimik akong sumunod at umupo narin sa tabi niya.

"Bakit po pala natanong sa akin ito ngayun tita?" tanong ko naman ng di ko na mapigilan ang sarili.

Hindi agad nakasagot si Tita sa tanong ko. Ngumiti lang ito sa akin. "Naisipan ko lang..hmm.." tumigil siya. "Kung sakaling makilala mo ang daddy mo hija, anong gagawin mo?" bagong tanong ni Tita sa akin.

Yumuko ako sa tanong na iyon. "Hindi ko po alam Tita.." tanging sagot ko dahil hindi ko alam kong anong tama at dapat kong isagot.

Hindi ko naman masasabing maging sobrang saya ako dahil sa wakas ay nakilala ko rin siya sa nagdaang taon. Syempre masasaktan ako dahil kong bakit ngayon lang niya naisipang nagpakilala sa akin. Bakit hindi dati pa..bakit ngayon pa kong saan malaki na ako at marunong nang magisip at makaramdam.

Mapait akong ngumiti sa kawalan bago ako nagangat ng tingin kay Tita na nakatingin din sa akin.

"I'm sorry for asking this kind of questions hija...I don't want to pressure you about it but I can't help to know on what can you say towards it." sa mahinahong boses ni Tita. I understand her.

"No Tita, It's okay.." tipid akong ngumiti.

Hanggang sa pagtulog ko ay hindi parin mawala sa isipan ko ang mga tanong ni Tita sa akin. Iyon ang bumabagabag sa isipan ko hindi na ito mawala-wala sa loob ng utak ko at kong ano ano na ang mga nasa isipan ko tungkol doon. Hindi na ako nakatulog dahil doon dahilan para puyat ako magdamag. Ang laki ng eyebags ko nang masulyapan ko ang mukha ko sa salamin. Gusto ko nalang maiyak.

"Anong nangyari diyan sa mukha mo ma'am?" tanong ng kasambahay. Siguro ay napansin ang mukha ko. Hindi kona siya sinulyapan pa.

"Wala, na black eye lang." wala sa sariling sagot ko habang nakatulala.

Tumawa naman ito. "Nakakatawa naman po ang biro niyo ma'am.."

"Yeah..may ka-boxing ako.." I'm spacing out again.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay humalakhak na siya. Tumawa rin ang ibang kasamang kasambahay. Ngumuso lamang ako habang marami paring iniisip.

"Si Pacquiao po ba kalaban niyo?" natatawang tanong nila.

I'm just nodded to them. Tumayo na ako dahil wala na akong ganang kumain. Narinig ko pa ang bulungan at turuan nila sa sarili dahil sa biglang ginawa kong pagtayo.

"Ma'am! Ang kunti lang po ang kinain niyo!"

"I'm not hungry." sagot ko naman bago lumisan na.

Pagdating ko sa campus ay tulala parin ako. Hindi ko napansin ang mga taong nasa paligid ko. Hindi ko rin napansin na may nabangga na pala ako. Doon na bumalik ang ulirat ko. Agad akong yumuko para kunin ang mga libro na nakasalampak sa sahig. Natapon ito dahil sa banggaan na nangyari.

"Oh look who's here.." maarteng sabi ng nasa harapan ko. Walang gana akong nagangat ng tingin nang mapansing kong nakuha kona ang lahat ng libro na nasa sahig. Niyakap ko iyon bago tumayo. Humikab pa ako.

I'm sleepy. Wala akong tulog. Inaantok kong binalingan si Camila kasama ang alipores niya na nasa likod. She even survey my outfit with head to foot before she rolled her eyes. Hindi ko siya pinansin sa nakita. I'm not in the mood to fight with her right now. Wala pa akong tulog.

Hindi ko alam kong saan nanggaling ang lakas ng loob ko na harapin siya. Simula noong sinabi ni Zion na hindi niya ako kayang magustuhan, sinabi niya pa talaga iyon sa harapan ng maraming tao. Simula sa araw na iyon medyo natanggap kona. Pinilit kong tanggapin ang katototohanan.

Tanggapin ang katototohanan kong ayaw mong mas lumalala pa ang nararamdaman mo. Mahal niya talaga si Camila. Halata naman. Natanggap ko rin naman ngayon. Siguro dahil natanggap kona nagkalakas na ako ng loob. Medyo nawalan na ako ng takot sa ibang tao. Lalo na sa sasabihin ng iba.

Wala na akong pakealam sa sasabihin ng iba. Kung ayaw nila sa akin. Edi' huwag. Hindi kona kailangan pang baguhin ang sarili ko para lang magustuhan nila.

"What's your problem?" walang emosyon kong tanong sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at pinag-ekis ang dalawang braso. Ngumiti pa ito. "Are you blind? May gana kapang banggain ako. You bitch. Attention seeker!" akusa niya sa akin. Biglang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. I lick my lips.

"Talaga ba? Baka ikaw 'yan?" matapang ko namang sambit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Nilingon niya pa ang kasama niya animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko nang humarap muli siya sa akin ay nginiwian niya ako.

"Oh really!? Don't deny it, you want always people's attention! Kaya binangga mo ako!"

Pinagsasabi nito?

"Wala akong alam sa sinasabi mo. And can you please? Huwag mo akong akusahan sa sarili mong kagagawan. So immature. Yan ba ang nagustuhan ni Zion?" I smirked.

She need a seminar. Kung paano maging mabuting tao.

: )

__________________________________________________

Enjoy reading!

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon