Chapter 26
"Well, even if you don't tell me, I already know." sabi niya.
"Huh? Paano?" taka kong tanong sa kanya.
He just shrugged. Bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Kakalabas lang namin galing sa clinic pagkatapos kong maipagamot yung sugat ko ay naisipan ko nang umalis na. Ayaw ko ng magtagal sa loob dahil baka malate kami. Aangal na sana siya sa desisyon ko pero agad ko siyang pinigilan kaya wala siyang magawa. Habang naglalakad kami siya yung unang nagbukas ng topic tungkol sa nangyari sakin kanina.
"Hoy! Paano mo nga nalaman! Stalker ka ata no!?" habol ko sa kanya dahil nauna na siyang maglakad habang nakapamulsa.
"Wag na, tinamad ako magsalita." sabi niya at biglang napahikab.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Binilisan ko rin yung lakad ko para makasabay ko siya sa paglalakad at nagtagumpay rin naman ako.
"Paraa saan pa yung bibig mo kong hindi mo gagamitin..tsk.."
"Gagamitin lang kapag importante."
Masama ko siyang tiningnan."Importante rin naman yung tanong ko ah," nakangusong reklamo ko habang pinag-krus ang dalawang braso.
"It's nonsense." tipid niyang sambit.
"Ang sabihin mo, hindi mo kayang sabihin sakin tsk, dami pang satsat, ewan ko sayo.." sabi ko sabay irap at inunahan siyabg maglakad.
"You're acting like a kid crying baby.."
Inis akong humarap sa kanya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad dahil naharangan ko yung daanan niya. "What!?" pikon kong tanong sa kanya.
"Crying baby..."
Wow! At inulit pa talaga niya. Palakpakan.
Tumawa siya. "Ops, my bad. I'm just telling the truth." bawi niya.
Masama parin yung tingin na ipinukol ko sa kanya. Dahan dahan kong kinuyom yung kamay ko. Ayaw kong asarin tungkol sa nangyari kanina lang. Ewan koba kong bakit komportable parin akong nandyan siya sa kabila nang nangyari kanina na dapat na akong mahiya sa pagiinarte at pagdadrama ko.
"I'm not crying baby." paglilinaw ko sa kanya at may diin bawat salita.
"What are you, then? my baby?" humalakhak siya dahilan para mangingkit yung mga mata ko. Biglang uminit yung mukha ko sa sinabi niya. "Just kidding," bawi niya habang nagpeace-sign.
"Gusto mo ba ng matamis?" tanong ko.
Napatigil naman siya sa naging tanong ko at nakakunot ba ang noo habang nakatingin sa akin. "Oo naman, bakit?" pagaalangang tanong niya. "Of course I like sweets, at sino namang taong ayaw ng matamis hmm?" ngumisi siya.
Tumaas yung kilay ko. "Gusto mo nang matamis na suntok?"
Laglag yung panga niya mayamaya ay tumawa. "You're really funny huh, ayos lang masuntok kong ikaw naman yung susuntok, ayos diba? suntukin mo na ako now na. Wag kana mahiya." Mas lalo pa siyang lumapit sa akin para ipasuntok yung sarili niya. Nahihibang ba tong lalaking ito? Hindi ako makapaniwala na papayag naman pala diya. At ang kapal pa ng mukha ah. "Feel free to punch my handsome face." Nakapikit na sambit niya habang nakangisi at handang handa na talagang magpa masuntok.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...