Chapter 68
"Sa labas ba tayo kakain o hindi?" tanong ko kay Xiomara habang tumitingin sa mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin. Kakatapos lang ng klase at nagbabalak na kaming kumain.
Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Naabutan ko itong nakatulala, marami atang iniisip. Kinaway ko ang kamay ko sa harapan niya para madisturbo ko siya. Tama naman ang ginawa ko dahil nilingon niya ako gamit nakabusangot ang mukha.
"Bakit?" takang tanong ko dahil sa mukha niya. Umiling lang siya at ibinaling ulit ang tingin sa harap.
"Wala." sabi niya ngunit hindi ako naniniwala.
"Bakit nga? Anong mukha 'yan? Para kang natalo sa casino, eh." tumawa ako.
"Wala nga Sissy, may iniisip lang ako." sabi niya pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Ano naman ang iniisip mo? Si Kade ba na hanggang ngayon hindi parin nagpakita sayo?" sambit ko gamit ang seryosong boses pero may halong biro naman ang sinasabi ko.
Sinamangutan niya ako dahilan para matawa ako. Natawa din siya ng kaunti. "Hindi no, mabuti't pinaalala mo Sissy sisingilin ko nalang 'yun."
"So ibig sabihin hahanapin natin siya?" tanong ko.
"Depende." tipid nitong sagot.
Ngumuso ako dahil bigla kong naisip kong bakit nga ba hindi nagpakita si Kade ngayong araw. Baka busy lang. Nagkabit ako ng balikat.
"Baka busy lang sa studies niya." sambit ko nalang habang inaalala ang nangyari kahapon sa mall.
"Tsk, mukha ba 'yung nagaaral Sissy? Malayo sa itsura niya puro kalokohan lang naman nasa isip nun asa pa naging busy sa pagaaral 'yun."
"Hindi natin alam Xiomara, huwag natin husgahan agad iyong tao. Tsaka, wait. Eto nalang, puntahan nalang kaya natin sa classroom niya?" bigla kong suhestiyon sa kanya.
"Pake ko naman dun." mataray niyang sabi.
Bago pa man siya makatanggi ay hinila kona agad siya.
"Sissy tigilan mona iyang pinaplano mo!" ilang ulit niyang pagpipigil sa akin pero hindi ko siya pinakinggan imbes ay nagpatuloy ako sa paghila niya. Hindi pinansin ang lahat na mga sinasabi niya.
Palingon-lingon ako sa bawat classroom na madadaanan namin. Pansin ko rin ang mga bawat tingin ng mga estudyante sa amin dahil nagtataka siguro kong bakit nandito si Xiomara na kasama ko. Sino ba naman ang hindi magugulat na kasama ko ang isa sa mga sikat dito sa campus namin. At ako isang loner lang sa naman sa gilid. Nakapagtaka-taka talaga para sa kanila. Isa iyong palaisipan sa kanila.
Hindi ko nalang sila binigyan ng pansin. Pinagpatuloy ko ang paghahanap kay Kade. Hanggang sa tuluyan na naming matunton ang classroom kong saan si Kade.
Hindi ko parin pinakawalan si Xiomara kahit ilang beses na siyang nagreklamo dahil sa paghila ko sa kanya.
"Uhh, hello..nandyan ba si Kade?" tanong ko sa isang lalaking nakatalikod. Kausap nito ang mga kaibigan. Naabutan ko pang nagtatawanan sila. Natigil lang dahil sa pagdating ng presensya ko.
Sila lang kasi ang malapit na pwede kong mapagtanungan ang iba ay may sariling mundo hindi na kami napansin. Kaunti lang sila na natira sa classroom ang nandito siguro ang iba ay nasa cafeteria.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...