Chapter 80
Matapos ang biruan naming dalawa sabay na kaming pumunta sa classroom. Natanong talaga niya kong anong nangyari sa amin ni Kade at kung anong pinaguusapan namin. Bakit ganoon daw ang mukha ko nung naabutan niya kami. Sinagot ko naman siya ng maayos dahilan para mapatahimik siya. Nagtaka ako pero hindi ko na rin punagtuunan ng pansin dahil tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng classroom.
"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya habang nasa iba ang tingin.
"Yes.." sagot niya. Sumulyap ako sa kanya at naabutan ko itong nakapikit.
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa naging sagot niya. Hindi inalintana kong nakikita niya ba ang ginawa ko o wala.
"Genevieve, may nagpapabigay sayo.."
Bahagya akong nagulat dahil narinig kong may tumawag sa akin. Hinanap ko kong sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Anne na kaklase namin.
"Ano 'yun?" kuryuso kong tanong sa kanya habang nakatutok ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na isang maliit na envelope na kulay pink. Kumunot ang noo ko at mas lalong naging kuryuso sa nakita.
Lumapit ito sa akin bago nilahad ang tinukoy kong envelope kanina. Kumunot uli ang noo ko bago nag-angat ng tingin sa kanya na nakangisi na pala ngayon. "Sinong nagpabigay nito? Bakit 'daw?"
Nagkabit lamang siya ng balikat sa akin at nanatiling nakangisi. "Hindi ko rin alam, e. May nagpabigay lang din sa akin nyan, ang sabi ibigay ko daw 'yan sayo pero sinabi naman niya na hindi talaga siya ang totoong may-ari dyan sa envelope na 'yan, pinagutusan lang daw siya.." sambit niya pagkatapos ay kinindatan ako.
Napatulala ako nang ilang segundo bago nakabalik sa sarili. Wala sa sariling tinanggap ko 'iyon. Mariin kong tiningnan ang hinahawakan ko ngayon. Love letter ba 'to?
"Salamat.." ani ko.
"You're welcome Genevieve! I think magkakalovelife kana, beh! yiee.." pangaasar ni Anne sa akin. Nakangiti pa ito ng nakakaloko dahilan para samaan ko siya ng tingin at natawa nalang din sa mga sinasabi niya. Hindi niya alam na may naghihintay na sa akin. "Uyyy sanaol may secret admirer.." hindi niya talaga ako tinigilan. Habang ako halos kabahan na dahil naramdaman kong may nagpipigil sa tabi ko. Hindi ko siya nilingon, ayaw ko siyang lingunin dahil naisip ko na kaagad kong anong itsura niya ngayon.
Iling lang ang tanging ginawa ko bilang pagtanggi sa mga pangaasar niya sakin. "Hindi no.." pagtanggi ko sa sinabi niya at umiling nang paulit-ulit.
"Kahit e deny mo pa, ramdam ko talagang may nagkagusto sa'yo ng patago.. masyadong torpe naman 'nun, pero nakakakilig naman ang ganitong style gaya sa mga nababasa ko.." usal niya habang nasa taas ang tingin tila may iniimaging kung ano-ano. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang pisnge niya feel na feel niya talaga ang nasa isip niya.
Tumawa ako sa kanya. At binalingan ulit ang envelope na nasa aking kamay. Balak ko na sana iyong buksan ngunit natigilan ako nang may biglang umagaw doon. Nanlaki ang pareho kong mga mata 'dun pero nung nalaman ko kong sino ang gumawa ay napatikom na lamang ako ng bibig. Kabado ako bente.
"What is this?" seryosong tanong ni Ethan. Medyo nalito ako kong sino ang tinanong niya. Ako ba o si Anne. Hindi ako sumagot at naghintay nalang na magsalita si Anne.
"Love letter 'yan Ethan! Nakakakilig diba? Sino kaya ang nagbigay 'nyan, mapapasanaol kana lang talaga.." kinikilig na sambit ni Anne. Gusto ko siyang patigilin sa ginawa niya dahil mukhang nasa panganib ang buhay ko. Delekado talaga baka ano pa ang masabi at lumabas galing sa bibig niya. My life is in danger.
"Hindi naman ako nainggit, baduy." mapakla niyang komento.
Nakita ko kong paano dahang dahang nagbago ang ekspresyon ni Anne sa sinabi ni Ethan. Biglang napawi ang ngiti niya. "Sus, nainggit ka lang e. Wala ka pa kasing nagustuhan, hindi mo pa 'yun nagagawa sa mahal mo.."
"If you asked for that, nasa katabi ko lang naman." normal lang na sinagot ni Ethan iyon. Napabaling ang atensyon ko sa kanya. Ngunit napatigil rin at nanlalaki ang mga mata sa nasaksihan. Laglag ang panga ko dahil nakita ko siyang pinunit ang love letter na inagaw na nasa kamay niya.
"HALA!" sambit ni Anne. "Bakit mo naman pinunit, Ethan! Para kay Genevieve 'yun hindi 'yun para sayo kaya wala kang karapatan na basta basta nalang punitin ang pagaari ng iba.."
"What are you talking about? Pagaari ko ang binibigyan niya. Siya ang walang karapatan sa amin." malamig na sambit ni Ethan. Natutop ang bibig ko dahil sa narinig ko. Hindi ko na talaga magawang magsalita dahil 'dun. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Aatakehin na ata ako sa puso.
"Huh!? Ewan ko sayo! Nawala na tuloy ang kilig ko! Sayang!" iritadong sabi ni Anne pagkatapos ay nagmartsa siya paalis pabalik sa kung saan siya kanina habang padabog ang bawat hakbang. Parang magkaaway sila noong sahig.
Bumuntong hininga ako.
"Why are you sighing? Naghinayang ka 'ba kong bakit pinunit ko 'yun?" ramdam ko ang pagpipigil ng inis niya sa pananalita niya.
Tumitig ako sa kanya at napailing nalang. Bahagya akong natawa. "Seloso naman wala pa namang label." I said as a matter of fact. Gusto kong bumunghalit ng tawa dahil totoo naman ang sinabi ko. Hindi ako nagalit o nanghinayang dahil sa ginawa niya kung hindi mas natawa ako sa ginawa niya. Kakaiba talaga ang lalaking 'to. Paano nalang kaya kong maging kami na talaga? So incredible man.
"Please tayo nalang.." pakiusap niya. "Hindi na ako makapaghintay pa, pero kailangan kong maghintay bilang respeto sa desisyon mo. Kung sagutin mo man ako ngayun, liligawan pa rin naman kita araw-araw.."
"Learn to wait, Ethan." nginitian ko siya. Hinawakan ko ang kamay niyang namahinga sa binti ko. "Waiting is worth it."
Huminga siya ng malalim bago marahan na tumango. Hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay namin. "I'll wait, ayaw ko lang talaga may sagabal habang nanliligaw ako sayo, baka maagaw pa sa iba ang atensyon mo. Natatakot ako, kung saan nasa akin kana malalayo na naman ulit kita..it hurts you know. Ayaw kong mangyari 'yun kaya gagawin ko ang lahat hindi ka lang maagaw at mawalay sa akin. Hinding hindi." tumigil siya saglit bago nagpatuloy.
"Kahit naman hindi ko pa narinig ang 'I love you too' galing sayo, alam at ramdam ko na balang araw mamahalin mo pa ako sa mamahalin..higit pa sa mamahalin." sabi niya. "Am I too corny, baby?" nakangusong tanong niya sa akin kaya agad akong napailing. Nginitian ko siya na may kasamang pangaasar.
"Hindi, baby. Okay?" natatawang sabi ko. Nasaksihan ko talaga kung paano pumula ang pisnge niya. "Uy kinilig siya.." panunukso ko.
"Oo, bakit? Ayos lang naman kiligin kong ikaw ang nagpakilig." kalmadong sambit niya sa akin saka nagkabit ng balikat. Nilagay niya ang takas ng buhok ko sa tenga ko. Hinaplos niya ang kamay ko gamit ang mga daliri niya pagkatapos ay pinaglalaruan niya ito. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginawa dahil nagustuhan ko rin naman. Parang may kung akong paru-paro na namang nagsisiliparan sa tiyan ko sa oras nato.
"Ano ba guys huwag kayong masyadong PDA, maawa kayo sa mga narereject lang sa tabi-tabi dito.." may biglang sumingit at expected na talaga na si Xiomara 'yun. Hindi na ako nagulat pa.
_________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...