Chapter 82

100 6 0
                                    

Chapter 82



"Wow! Angganda ng lugar na'to!" puri ko sa lugar kung saan ako dinala ni Ethan. Halos tumatakbo na akong naglalakad habang palibot-libot kung saan-saan dahil malaki naman ang lugar. Anlaki ng espasyo ng paligid at tamang tama rin ang ayos ng mga gamit. Bawat daanan ay may malalaking book shelf sa gilid na may lamang makakapal na mga libro. Na-excite akong nakita 'yun. Parang maze.

Such an amazing place, so incredible and wonderful! Ito pa ang kauna-unhang pagkakataon na makakapunta sa ganito. This amazing huge library suddenly finds me comfort. I love books so much. This is the best library I have ever been to, and I'm too much thankful to him for bringing me this kind of place.


"Are you happy? Did I successfully making you happy?" may bahid ang pagalala sa boses niya.

Mabilis akong tumango at nag-approve sign sa kanya saka siya kinindatan. Napangiti siya sa ginawa ko, naramdaman ko nalang ang malambot na labi niya sa aking noo. He gently kissed my forehead, then he whispered. "And I’m more than happy to know you’re happy." bulong niya sa akin.



I giggled. "Sobrang saya ko talaga, ngayon ko pa napuntahan ang lugar na'to. At hindi ko alam na may ganitong klase palang lugar, sobrang lagi ng library na'to, oh. Parang kaparehas lang din sa library ng korea may libro pa sa taas kailangan pang akyatin.." nakangiti kong sambit habang tinuro ang mga libro sa itaas. Sobrang dami. Nakakamangha. "Palagi ka bang pumupunta dito?" excited kong tanong sa kanya na nasa tabi ko lang nakahawak sa aking bewang. Hindi ko alam kong namangha rin ba siya gaya ko dahil nasa akin lang ang buong atensyon niya kanina pa.


"Yes, this is my secret place, this place give me peace at all, aslo my rest place. At dahil nandyan kana, isasama na kita palagi dito."


Kinilig ako sa sinabi niya kaya nagiwas nalang ako ng tingin. "Oo na, I love this place now too." pigil ngiti kong sabi. Ramdam ko pa rin ang paninitig niya, kanina pa naman siya ganyan. Hinayaan ko lang dahil mas mukha pa siyang naaliw sa paninitig sakin imbes ituon dito magandang lugar na'to. Syempre hindi na din siya magugulat dahil palagi na naman siyang pumupunta dito.


"Do you love me too?" he suddenly asked.


Hindi ako agad sumagot, pinaabot ko pa ng isang minuto bago ako sumagot. "Yes.." mabagal kong sagot at nagsimula na namang maglakad-lakad. Kagat labi akong naglakad, at napapatingin sa mga tao na nandito ngayon. May lounge akong nakikita bawat sulok. Siguro'y dito uupo ang iba para doon magbasa. Ilan kaya lahat ang mga librong nandito? Kuryuso ako doon..

Bahagya akong nabigla dahil may marahang humaplos na naman sa bewang ko. Alam ko na kaagad kong sino 'iyon. Hindi ko na siya nilingon dahil nahiya akong ipakita ang mukha kong mukha. Baka asarin pa ako.


"This place is among the 10 best book towns in the world.." sambit niya.

Nilingon ko siya habang nanlaki ang mata. Hindi makapaniwala sa nalaman. "Seryoso!?" sigaw ko sa gulat. "Panong hindi ko alam 'yun? May ganito pa lang lugar..nakakalungkot." ngumuso ako.

"Hindi ka naman kasi gaanong lumalabas dati diba?"

Tumango ako. Oo nga naman paminsan-minsan lang ako lumalabas ng bahay. Makalabas lang kapag kasama ko si Zion o si Tita Elvinna dati.

"Don't worry, I didn't regret for bringing you here. Atleast nandito kana ngayon, at kasama mo ako.."

Mas lalo akong ngumuso sa sinabi bago nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin. Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang nalaman ko tungkol sa lugar na'to. Hindi talaga ako makapaniwala. Napaisip ako kong sino kaya ang may-ari nito?


"A library is a hospital for the mind. — Anonymous." basa ko sa isang qoute na nakadikit.


"You're not a doctor but you can heal me." sabat sa aking likod. Sumulyap ako sa kanya at niliitan siya ng mata. Pinipigilan ko na namang huwag ngumiti sa harap niya.

"Geez.." sabi ko nalang.

"Do you know who's the owner on this huge library?"

"Sino?" kuryuso kong sabi.

"The one you love, the man standing in front of you is the owner."

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Nagbibiro ba siya? "W-What? R-Really? Seryoso talaga? Ikaw talaga ang may-ari nitong lugar na'to?" gulat ko na namang usal. Palagi niya nalang akong ginugulat sa mga sasabihin niya sa mga oras na ito. Pero iba ang ngayon, ang malamang siya ang nagmamay-ari sa sobrang laking library na'to. Ang hirap paniwalaan. "Binibiro mo lang naman ako, eh.."


He chuckled in my reaction. "No I'm not joking around, pagaari ito ng Lola at Lolo ko dati, but when they passed away binigay na nila sa akin ito. I was confused at first but eventually napamahal na din ako sa lugar.." kwento niya sa akin. Wala sa akin ang tingin niya kung hindi nasa taas, makikita mo ang balkonahe. Puno ng libro ang paligid. "Nagtaka talaga ako ng sobra kung bakit hindi nila ito ibinigay sa kapatid ko..siya naman 'yung babae..at ako lalaki." He shrugged but then he chuckled afterwards.


Hindi ako nakareact kaagad. "May dahilan siguro ang mga grandparents mo.." sabi ko.


"Yeah, nakwento nila sa amin na dito daw sa mismong lugar na'to sinagot ni Lola si Lolo...dito din sila unang nagkakilala.."

"Ang sweet naman nila.." nakangiti kong sabi habang nagiimagine. "May kapatid ka palang babae?" kuryusong tanong ko sa kanya dahil sa nabanggit niyang babaeng kapatid niya. Napatingin siya sa akin at tumango. Napatango din ako. Hindi na ako nagtanong pa. Baka ano namang lumalabas sa bibig ko.


"Kaya pala kanina, yumuyuko at bumabati ang ibang tao sayo kanina.."

"Hindi lahat kilala ako rito, iyong mga taong kilala ko rin at iyong nagbabantay dito lang ang tanging nakakilala sa akin. Ayaw kong makilala ng lahat, dahil gusto ko 'yung normal lang ang pakikitungo ng mga tao sa akin ayaw ko nang gaanong ginagalang dahil alam nilang ako ang mayari.." sabi niya. "Gusto ko ng pantay-pantay lang ang lahat...gusto kong maging normal lang na tao dito, ayaw ko ng maganda ang ipinipakita nilang motibo o trato sa akin dahil lang dahil alam nilang ako ang nagmamay-ari sa lugar na 'ito..I want only have a normal person, a normal student.." mahabang wika niya dahilan para mapanganga ako.

Dahil sa sinabi niyang 'yun parang mas lalong nadagdagan ang ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lalo ko siyang napamahal sa mga ipinapakita at sinasabi niya. At habang tumatagal mas lalo ko siyang nakilala. Bukas na din siya sa akin, iyon ang napansin ko. Lumaki ata ang respeto ko sa kanya dahil sa nangyari sa oras na ito at dahil din sa mga nalalaman ko.

__________________________________________________

Enjoy reading!

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon