Chapter 63
Bahagya siyang napaatras at medyo namangha sa sinabi ko. Sumilay rin ang nakakalokong ngiti niya sa labi at ngumuso.
"Uhuh, sino kaya siya?" tanong niya sa kawalan kahit ang tinig ng pananalita niya ay may ideya na siya. Tumingin ulit siya sa akin bago bumaling sa dalawang kasama namin na kuryusong pinanood kami at kuryuso sa pinaguusapan namin ni Xiomara.
"B-Basta!"
"Okay okay.." tumango-tango pa siya sa akin sabay taas ng dalawang kamay animo'y sumusuko. Nginusuan kona lamang siya bago bumuntong hininga.
"Anong pinaguusapan niyo? Iyong lalaki ba kanina?" napatingin ako kay Kade na nakasimangot na ang mukha.
"Wala kana dun!" mataray na tugon namam ni Xiomara pagkatapos ay umirap at hinila na ako palayo sa dalawa. Narinig ko ang ilang beses na tinawag nila ang pangalan namin ngunit tuloy tuloy lang ang paghila ni Xiomara sa akin. Nagpatianod nalang ako dahil wala narin naman akong magagawa dahil sa mahigpit na paghawak niya sa braso ko.
"Saan na tayo?" tanong ko ng tumigil na siya sa paghila sa akin at binitawam na ang braso ko.
"Let's shopping!" masigla na sambit niya at inilibot ang tingin sa palagid habang nakangiti halatang excited sa gagawin. Bumaling siya sa akin. "Libre ko!" aniya at kinindatan ako.
"Wag na. May dala naman akong pera."
"Chos! Basta Sissy! Minsan lang naman akong manibre kaya lubusbusin mo na tsaka pambabawi ko rin sa pagsama mo dito. Kahit alam kong may sinat ka pa."
"It's alright. Ginusto ko rin namang sumama kaya ayos lang. Huwag mo nang isipin 'yun. Pero dahil alam kong mapipilit mo rin naman ako kaya Oo na, magpapalibre na ako." sabi ko at tiningnan siya ng masama. Tinawanan niya lang ako.
"Paano na ang dalawa doon?" tanong ko sa kanya pero nagkabit lang siya ng balikat habang wala sa akin ang tingin. Malikot ang mata niya kakatingin kahit saan. Na parang hindi na problema iyon at walang dapat ipagalala pa.
"Malaki na sila, Sissy. Kaya na naman ata nila ang sarili nila? Hindi naman tayo mga magulang nila at hindi na sila bata para maligaw pa dito." natatawa niyang sabi. Nahawa ako kaya natawa din tuloy ako sa sinabi niya at umiling.
"May punto ka naman, Xio." pagsang-ayon ko at sabay kaming tumawa.
Ayun ang ginawa namin. Nilibre niya ako. Kung anong bibilhin niya ay bibili din siya para sa akin para daw magkapareha kami hindi na ako tumanggi at hinayaan nalang siya sa ginagawa. Ginugol namin ang natitirang oras namin para dun. Medyo matagal kaming natapos dahil kahit saan kaming naglilibot. Hindi na namin namalayan ang oras hanggang sa mapansin na naming hapon na pala.
At bigla akong naalala si Nerd at Kade. Hindi na namin sila nakita simula kanina. Nasaan na kaya sila? Baka umuwi na?
"I'm so fucking tired.." sabi ni Xiomara habang nakayuko at halatang pagod na pagod. She yawned.
"Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa ginawa natin.." wala rin sa sariling sabi ko at gaya rin niya. Pagod na pagod din ako. Parang gusto ko nalang magpahinga at umuwi na.
"Yeah right.."
Pagod kaming naglakad habang dala ang maraming bag na pinamili namin. Ito ang naging resulta sa ginawa namin.
"Hanapin na kaya natin sila?" sabi ko at sinuyod ang tingin sa palagid. Ngunit bigo ako at wala akong nakitang mga bakas ng katawan nila.
"Saan naman? Baka nga umuwi na ang mga iyon, Sissy. Pero ayos lang. Mabuti narin 'yun. Ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng Kade na 'yun baka mas lalo akong mapagod, o baka nga himatayin na ako sa kapangitan niya.." humalakhak siya. Ngumuso ako at iniisip kong nagbibiro lang ba siya o seryoso siya sa sinasabi. At malaking problema ito kong narinig pa ni Kade ang sinabi ni Xiomara. World War 3 na naman panigurado. Bago pa man ako makapagsalita ay may nagsalita na sa likuran namin.
"Talaga lang, huh?"
Sabay kaming napalingon ni Xiomara sa likuran namin. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang dalawa. Deresto at seryoso ang tingin sa akin ni Nerd samantalang si Kade ay naningkit ang dalawang mata habang nasa kay Xiomara ang tingin dahilan para lingunin ko rin si Xiomara. Halos gusto kong matawa sa naging reaksyon niya dahil natutop na ang bibig nito at nakita ko ang pang ilang ulit na paglunok niya. Hindi gaya kanina na kung ano ano pa ang mga sinasabi. Nang makabawi ay nagsalita ulit siya at nagiwas na ng tingin.
"B-Bakit kayo n-nandito?" pansin ko ang pagkautal niya.
"Bakit mo pa tinanong 'yan? Syempre, magkasama tayong pumunta dito at dapat lang na magkasama rin tayong uuwi. Iniwan niyo nga kami, e.." may halong pagka sarkasmo ang sinabi niya.
"Pasensya na.." tanging nasabi ko at tiningnan si Nerd na hindi parin inalis ang tingin sa akin. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Fine, guys? I'm sorry, aight?" sabi rin ni Xiomara.
"Halatang napipilitan, ah?" sabi ni Kade at pinagkrus na ang dalawang braso.
"Paano mo naman nasabi, aber?"
"Kasi may bibig ako, tsk.."
"The hell I care?"
"Tumigil na kayong dalawa, mas mabuti pang umuwi nalang tayo.." suhestiyon ko para matigil ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa at alam ko rin kong saan aabot ang bangayan nilang ito. Sabay silang napasinghap mukhang nagpipigil.
"I want to go home now. I'm already bored." biglang sambit ni Nerd dahilan para mapabaling ulit ako sa kanya. Tumango ako dahil gusto kona ring umuwi at magpahinga. Naghahanda ako sa pagpapaliwanang ko kay Tita. May parte sa akin na hindi gaanong nagalala tungkol roon dahil maiintindihan rin naman ako ni Tita Elvinna kalaunan.
"Anong ginawa niyo kanina habang wala kami?" tanong ko at palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Naghihintay kong sino ang sasagot sa kanila. But I don't really expect that they're both answered my question, immediately.
"Just waiting."
"Naguusap lang.."
I nodded with their answers before I sighed heavily.
"Naghahanap ng chics habang naghihintay at naguusap?" biglang sambit ni Xiomara dahilan para bahagyang manlaki ang mata ko. Kumunot din ang noo ko medyo hindi nagustuhan ang ginawa nila kong totoo man ang paratang ni Xiomara sa kanila.
"Oo, bakit?" sagot ni Kade para mas lalong manlaki ang mata ko. So totoo talaga 'yun? Biglang uminit ang mukha ko at nawalan na ng gana. Sumulyap ako kay Nerd na naging maamo na ang mukha habang nakatitig sa akin ngunit agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Naglaho ang pagiging seryoso sa mukha niya.
"Wala lang nahu—" bago pa man makapagpatuloy si Xiomara sa sasabihin pinutol kona agad siya.
"We're going home now." seryoso kong sabi.
"Mabuti pa nga! Nababanas na ako dito!" Pagpayag niya kaagad na parang iyon ang dapat na gawin sa oras na'to. Mabuti nalang at sumangayon siya sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili naiinis sa sariling nararamdaman ngayon.
__________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...