Chapter 38

152 15 1
                                    




Chapter 38


Tumayo na ako pagkatapos ng kaunting usapan namin. Well hindi naman pala siya gaano ka suplaso medyo lang. Maayos naman pala siya kausap. Yung tipong parang may lumilipad na mga paru-paru sa tyan mo.


"I still mad at you," biglang sambit niya.


Nagtaka naman ako at lito siyang tiningnan. Bakit naman siya galit sa akin? He should thank me for helping him. Ay yeah, ngayon ko lang naisip na kaya niya pala yung sarili niya. Hays bakit pa nga ako nag insist na tulungan siya?


"Hala...bakit naman? dapat ngang magpapasalamat ka sa akin." sabi ko sa kanya.


Sinamaan niya ako ng tingin. Ano na naman kaya ang pumasok sa kukuti ng nerdong na'to. Paiba-iba ng mood. Bipolar ang nerd nato. Kanina angbait parang nasapian ng anghel pero ngayon bumalik na naman sa dating gawi nagsusungit na naman. Hays. Sana hindi masarap ulam niya.


"Bakit mo ginawa yung kanina? Paano kong mapahamak ka sa ginagawa mo!" inis na sabi niya sa akin at pinaningkitan ako ng mata.


Nilabanan ko rin tingin niyang pamatay. Kinuotan ko siya ng noo. "I'm just trying to help you nerd, nakita kita habang nasa loob kami ng cafe. Naawa ako sayo kanina at hindi kaya ng konsensya ko na walang gagawin o maupo at manood nalang habang may taong kawawa. I insist to help you kasi akala ko hindi mo alam paano lumaban." sigaw ko. Natigilan naman siya sa biglaang pagsigaw ko. Pati rin ako nagulat. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman.


Napalunok siya. "You worried?"


Hindi ako sumagot. Huminga siya ng malalim at napalabi.


"Hindi kana sana lumapit baka ano pang masamang mangyari sayo, hindi natin alam kong anong pwedeng gawin nila sayo...kaya galit ako. I'm so fucking worried..."


Natahimik ako sa sinabi niya. Ilang sandali akong napatulala sa kanya at napakagat ng labi. At walang sabing tumalikod sa kanya at dun na ako tuluyang ngumiti habang nakatingala. Gusto kong sumigaw. Ganito pala ako kiligin.


"Hey what are you doing?" tanong niya galing sa likod ko.

"W-wala...may n-nakita lang a-akong ibon sa i-itaas.." nauutal kong tugon sa kanya na may nakatagong ngiti sa labi. Natawa ako sa pagdadahilan ko. Totoo naman may ibon naman talaga sa itaas.


Galit siya kasi nagalala siya? Wahhh, nababaliw na ako. Ughness, ang tanging ipinagdasal ko lang ngayon na sana hindi nakita ni Xiomara ang itsura ko ngayon. O yung nangyari ngayong oras nato paniguradong tutuksuhin niya ako ng walang katapusan. Ang hilig pa naman mangaasar ang babae na 'yun.

Nabigla ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay saka ako hinarap paharap sa kanya. Ngunit halos manlaki ang dalawang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Isang dangkal nalang at mahahalikan ko na siya. Agad ko siyang tinulak palayo at hindi na makatingin sa kanya.


Nakita ko ring nagiwas siya ng tingin sa akin at pumula ang mukha niya. Mahina siyang napalunok sa biglaang pangyayari niyon.



"I'm sorry, ahh I have no intention to—" pinutol ko yung sasabihin niya. Huminga ako ng sobrang lalim saka ako nagsalita.


"Ahh hindi ayos lang...alam kong hindi mo yung sinasadya.." ngumiti ako ng tipid sa kanya kahit sa kaloo-looban ko ay sasabog na ako sa kilig. Wahhh what's wrong with me!? This is so weird feeling!


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon