Chapter 21
"Nahihibang kana..at kailangan mo yang pigilan. Kahit hindi maganda ang paguugali ni Camila ayaw ko rin siyang masaktan dahil sayo. Kaya wag kang gumawa nang kalokohan na ikakasama niya, girlfriend mo siya. Dahil kapag ako nasa sitwasyon niya ngayon. Ano nalang mararamdaman niya kapag nalaman niyang may kinukulit na ibang babae yung boyfriend niya? syempre masakit lalo kapag wala siyang kaalam alam sa nangyayari. You're not a chance but you're still a traitor." pangaral ko.
Alam kong mahirap din sa sitwasyon ni Camila kapag malaman niyang may nilalapitang iba yung boyfriend niya. Kahit maldita yun alam kong may puso din yung tao. Nasasaktan. Imbes na maging mabait sa iba minatili nila maging masama para hindi sila matawag na mahina. Yun ang naisip uko kay Camila. She'se hurting secretly.
Napayuko siya. Naiintindihan yung punto ko.
"Mauuna na ako, pakisabi nalang kay tita na nauna na akong. Hindi maganda yung nararamdaman ko. Saka sige hindi naman kita kayang matiis pinapatawad na kita. Pero sa isang kondisyon..iwasan mo ako..yun lang. Salamat sa lahat." bilin ko tumalikod na ako at naglakad palapit sa sasakyan. Siguro itetext kona lang si tita. Baka makalimutan ni Zion. Agad kong ngtipa nang minsahe para kay tita pagkatapos ay agad na akong pumasok sa sasakyan.
"Kuya Alfred..mauna na po tayo masama po yung pakiramdam ko saka nae-text kona naman po si Tita..wag po kayong magalala.." paliwang ko sa driver ni Tita na si Kuya Alfred.
Tamang tama rin dahil biglang nag-vibrate yung phone ko. Napatingin ako doon. May message galing kay tita
From: Tita Elvinna
Sure hija, no problem. Sasabay nalang ako kay Zion. Sana nagpakita ka man lang sakin para matingnan kita. Masama ba pakiramdam mo? Basta uminom ka ng maraming tubig pagkauwi mo okay? Take medicine too. Magiingat kayo sa byahe.
Napangiti ako nung matapos kong mabasa yung mensahe galing kay tita. She's so caring.
Ako: Okay po, Thankyou po tita: ) Magiingat rin po kayo pagkauwi. Goodnight po.
Agad kong sinend yun bago ko niligpit sa bag yung phone. Bumaling ako kay kuya Alfred na naghintay sa kong anong sasabihin. "Tara na po Kuya sasabay nalang daw po si tita kay Zion.." magalang kong usal.
"Okay po ma'am.." tugon niya at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.
Bumuntong hininga ako at isinandal yung ulo ko sa likod nang upuan. Napapikit ako at medyo antok narin. Ito ang pangalawang araw na marami ring nangyari. Kahit wala naman akong ginagawa ramdam na ramdam ko yung pagod sa katawan ko.
Una nakilala ko yung magkapatid. Pangalawa yung misteryosong lalaking kumausap sakin kanina, hindi man lang nagpakilala. Narinig pa naman niya yung boses ko. Nakakapagtaka talaga kong sino ang taong yun. Bigla rin namang naglaho hindi man lang naisipang magpakilala. Pangatlo, naamin ko yung feelings ko kay Zion. Pang-apat yung nalaman ko na ang magkapatid pala ang may nagmamayari sa malaking mansion. Panghuli yung naging awayan namin ni Zion. Nakakagulat na nasasaktan siya at nagselos. Gusto ko sanang kiligin pero pinigilan ko. Hays.
Dahan dahan kong pinikit yung mata ko at dun nanga ako tuluyang nakatulog. Dala narin nang pagod.
"Sige pumapayag na akong maging girlfriend mo.." sangayon ko.
"Really!?" gulat niyang sabi may nakatagong ngiti sa labi.
Natawa naman ako aa reaksyon niya saka marahan na tumango. "Oo nga...I need you.." nakangiti kong sabi kay Mave.
"I'm glad! I'm so happy! Finally!" masaya siya habang nagsasalita. Tumalon talon pa siya sa tuwa. At nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Parang bata.
"Para kang bata..." natatawa kong sabi sa kanya.
"It's Fine, atleast I'm your baby..." may halong pangaasar ang boses siya. I rolled my eyes.
"Pinaglihi kaba ng mais?" bulong na tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Bakit mo natanong yan?" inosenteng tanong niya.
"Kasi ang corny mo..tsk.." sabi ko sabay nginiwian siya.
Biglang napamulat yung mata ko. Nagising ako dahil sa panaginip ko. Akala ko totoo! Napatulala ako nang ilang saglit saka ko inilibot ang tingin. Napatingin ako sa itaas. Kisame na iyon. Nasa kwarto naba ako? Bumangon nalang ako para masigurado ko. At tama nga. Bakit ako nakarating dito? Huling naaalala ko nakatulog ako sa sasakyan.
Napatingin ako sa veranda. Umaga na pala. Sumikat na yung araw. Tumama yung sikat nang araw sa paanan ko. Kailangan konang maghanda dahil magsisimba pa kami ni Tita. Sunday kasi ngayon.
Maglakad na sana ako papunta bathroom pero bigla akong natigilan nang naalala ko yung panaginip ko. Akala ko talaga totoo na yun eh. Nakakabang panaginip. Hindi talaga ako naniniwala dun. Hindi ko maimagine yung sarili ko sa ganung kalagayan. Heckness. Umiling nalang ako at tumuloy na sa bathroom.
Asa namang magkakaboyfriend ako. Napailing ako ulit. Nevermind. Saka asa namang maging kami. Malabong maging boyfriend ko siya.
___________
"Tita bakit po pala umuwi agad si Camila kagabi?" tanong ko kay Tita habang papalabas na kami galing sa simbahan. Tapos na yung misa. Yung mga ibang tao ay napapatingin sa banda namin. Kilala din kasi yung pangalan nila tita.
"May problema lang daw hija, sinundo daw siya nang kuya niya. At kahapon ko pa nalaman na may kapatid pala siya..."
Napatango naman ako. May kapatid pala siya? akala ko wala.
"Sissy!" sabay kaming napalingon ni tita sa likod. At bumungad sa amin ang isang babaeng maganda na kaedad lang ni tita. Nanlaki din ang mga mata ko nang makita ko si Devi na malaki ang ngiti sa akin. Sinuyod ko pa ang tingin ko kong sino pa ang ibang kasama nila. Hindi rin ako makapaniwala nang makita ko si Xiomara. Tipid niya lang akong nginitian. May isang may edad na lalaki rin siguro daddy nila iyon. Kahit may edad na ay mapapansin mo parin iyong kagwapuhan nito noong nasa kabataan pa. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at hindi ko inaasahan na bigla siyang ngingiti sakin. Nahihiya naman akong gumanti ng ngiti.
Shocks! So handsome po tito. May kamukha siya, may naalala ako. Kamukha niya si Mave! Speaking of the monster, bakit wala siya? Hindi ata siya kasama. Angganda at anggwapo ng parents nila ah.
"Hi ate Genevieve! Are you looking for kuya?" biglang tanong ni Devi sa akin. Namilog naman yung mata ko sa sinabi niya. Nakaramdan agad ako ng hiya nang napabaling silang lahat ng tingin sa akin.
Mabilis akong umiling. Kabang kaba ako.
"Hala, hindi Devi..." depensa ko.
"Magkakilala na kayo baby?" gulat na tanong ng daddy ni Devi sa kanya. Mabilis naman siyang tumango. "Yes papa! Yesterday po, when we visited lola in cementery..kasama ko po si Kuya. Kilala na po namin siya ni Kuya." paliwanag ni Devi sa kanila. Napatango naman yung parents niya.
"Genevieve is Gianna's daughter.." sabi ni tita sabay ngiting bumaling sa akin. Kita ko ang manghang pagkagulat nila. Sabay nilang tiningnan yung kabuuan ko. Parang hindi sila makapaniwala.
Gianna Czarina Saldovar my mother's name.
What's wrong with it? Bakit ganun ang reaksyon nila?
______________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...