Chapter 25
"Let's go to Clinic," saad ni Kade nang makababa na kami sa sasakyan niya.
"No need kaya kong magisa, mauna kana."
Tiningnan niya naman ako gamit ang nakakalokong mukha. "Gusto mo ba ulit magpabuhat? just tell me, dahil hindi ako nagdadalawang isip na gawin ulit yun sayo.." sabi niya pa habang nakangisi. Sinusubukan ata ako.
Kabado na nama ako. Baka gawin niya pa ulit yung kanina ayaw ko naman dahil baka mapunta sa amin yung mga atensyon ng mga tao. Imbes na magreklamo pairap nalang akong pumayag sa kanya. "Fine."
Nakita kong nauna na siyang maglakad sakin. Magrereklamo na sana ako ngunit napatigil din dahil narealize kong mas makakabuti yun para walang makakita sa aming magkasama. Baka maissue pa, saka ang ipagdasal kona lang sana nakalimutan na nila yung nangyari nung byernes sa loob ng cafeteria.
Para akong robot na naglalakad para hindi ko siya maabutan o makasabay man lang sa paglalakad. Sana hindi niya ako malingunan.
"Kuya Timmy pwe-" naalala kong wala palang bodyguards na nagaaligid sa akin ngayon. Napahinga ako ng malalim. Nasanay na talaga akong nandyan sila.
"You're really crazy huh.."
Automatiko akong napalingon sa likuran ko. Kung nauna si Kade bumadtrip sa akin baka mas dumagdag pa tong nerd na nasa harapan ko.
"Don't talk to me, di tayo close." sabi ko sa normal na boses pero nanghahamon talaga ako ng away sa kanya. Gusto kong matawa kasalanan ko pala kong sakaling babadtripin niya ako dahil ako pala yung unang nambadtrip sa kanya.
Niliitan ko yung mata ko kasabay nun ay itinagilid ko yung ulo ko para tingnan nang seryoso yung mukha niya. He's so familiar talaga. "Ikaw ba yan Mave?" wala sa sariling tanong ko. Nakitaan ko ng pagkagulat ang mukha niya pero nakabawi din agad at sinamaan agad ako ng tingin.
"Who the hell is that, I'm Ethan. Don't call me by other name, so irritating." Iritang sabi niya habang ang tingin ay wala sakin. Iniiwas-iwasan niyang matitigan ko yung mukha niya.
"Di nga?"
"Tsk, then don't believe me I didn't force you either, it's up to you." kabit balikat niya.
Nakangiwi naman akong naniniwala sa kanya. Tinatamad din akong magsalita. "Okay okay, calm damn dude, so what shall i call you?" mapangasar na tanong ko. "At eto pa, bakit ka lumapit sa akin?" tanong ko pa sa kanya.
"I'm n-not, I didn't m-mean to talk with you, Dapat ay lalampasan na kita, pero d-dahil hindi ko sadyang marinig na may kinausap ka kahit wala ka namang k-kasama." paliwang niya pa nang hindi parin makatingin sa akin. Nanatiling nasa malayo yung tingin niya. Hindi niya ako matignan sa mata. Nakakapaso ba?
"Why are you explaining then?" natatawa kong tanong sa kanya.
Agad siyang napabaling sa akin at laglag ang panga. Dahil dun mas lalo pa niya akong sinamaan ng tingin at walang sabing tinalikuran ako at nauna nang maglakad paalis. Ni walang salita. Hindi man lang nagpaalam. "Hahaha.." tawa ko sa kanya na pwedeng marinig marinig niya. Binilisan niya ang paglalakad niya.
"Look who's here.." sa maarteng boses.
Hays, may bago na naman akong haharapin.
Wala akong ganang humarap sa nagsasalita. At hindi na ako magugulat kong sino yun. Sa araw araw na ginagambala nila ako sinong hindi masasanay sa boses nila. Mabuti nalang at hindi sila gaanong makakapit sa akin kapag kasama ko sina kuya Timmy pati yung ibang bodyguards ko. Pagod akong tumingin sa kanya.
Pero hindi ko inaasahan na kasama niya si Zion. Medyo nagulat ako dun. Pero hindi ko gaanong pinapahalata baka sabihin nilang apektado ako. Huminga nalang ako ng malalim.
"Ano na naman?" sabay hikab ko. Kung subukan kong lumaban wala namang masama? pero hays mali parin yun.
"You are blocking our way, tabi." utos niya sakin.
"Bigyan mo ako ng limang rason kung bakit ako tatabi.." palaban kong sabi pero minatili ko parin ang mukha ko ng walang emosyon.
Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko napanganga siya pagkatapos ay sakrastikong napatawa. "Really bitch? Aalis ka o Aalis ka!?" sigaw niya sakin. Nakita ko namang pinigilan siya ni Zion. "C'mon Zion look at her, lumalaban na eh!" galit niyang usal.
"Just stop it Camila.. gumagawa kana naman ng gulo.. nanahimik lang yung tao.. let's go.." sabi niya sabay hawak sa kamay ni Camila at hinila ito pero napatigil rin dahil hindi nagpadala si Camila sakanya. Nanatili itong nakatayo habang masama ang tingin kay Zion.
"Here we go again! Kinakampihan mona naman yan!? Hindi ka parin nagbabago! Kung hindi lang talaga kita boyfriend baka pagkakamalan kitang may gusto diyan sa babaeng yan! What!? Answer me do you like her Zion!?" habol hiningang sigaw ni Camila. Bigla akong nakaramdan ng kaba.
Hindi makatingin sa aming dalawa si Zion. At bigla itong natahimik. Handa na ako sa isasagot niya. Sanay narin naman ako.
"I don't like her. Kailanman hindi ko siya nagustuhan, at hinding hindi ko siya kayang magustuhan."
Oh yeah, ang gandang pakinggan. Nakakawasak ng puso. Napangiti ako na may pait sa labi. Walang sabi ko silang tinalikuran, at pagkatalikod ko ay dun na tuluyang bumuhos yung luha ko.
Sino ba naman ako para gustuhin ng mga tao. Sino ba naman ako para gustuhin niya at magugustuhan niya. Akala ko handa ako sa isasagot niya hindi pala. Lalo nat sa harapan ko pa mismong narinig ang sagot na gustong gusto ko marinig galing sa kanya para malaman ko kong may pagasa paba ako o ilalaban kopa ba yung pagmamahal ko sa kanya. Pero ngayun klarong klaro. Siya na mismong nagsabi na hindi niya ako kayang magustuhan. At kailanman hindi niya ako nagustuhan.
Ansakit sakit. Niloloko ko lang talaga yung sarili ko sa mga nagdaan na panahon at taon. I'm just wasting my love to someone who can't appreciate my feelings. He just boke my heart so easily. I don't know how to rebuild my broken heart again.
Sinayang ko lang ang feelings ko sa kanya kong pwede ko namang mararamdaman sa iba iyon. That sucks. He's asshole. Tsk, I know hindi rin kayo magtatagal. I swear.
"What's wrong with you!?" bumungad sa akin si Kade at naabutan niya akong umiyak. "C'mon Genevieve! What happened tell me!?" he's so worried.
Pinahid ko yung luha ko saka ko inayos ang sarili pagkatapos ay nginitian siya at inilingan. I chuckled "Napuwing lang ako, tara na sa clinic.." sabi ko at nagsisi kong bakit hindi ako sumama sa kanyang maglakad kanina. Naka encounter ko pa tuloy yung walang kwentang tao sa balat ng earth.
"Are you serious? You don't seem okay, don't lie to me. Did something happen? tell me.. I'm so worried here.." seryosong sabi niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa mata. Napatitig din ako sa kanya at mas lalong gustong maiyak. Ayaw ko talagang tatanungin kong okay lang ba ako dahil maiiyak ako. Bigla akong napahagulhol. Naramdaman kona lang na may yumakap sa akin ng... mahigpit...
Ito ang kauna-unahang may yumakap sa aking ibang tao. Naramdaman kona lang na gumalaw yung katawan ko at niyakap siya pabalik.
Wala na akong pakealam sa mga nakakita sa amin. Bahala na magkaroon na namang issue. Wala na akong pakealam dahil mas nangingibabaw yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Kung sa akin sa sumama, hindi ka masasaktan ng ganito..."
_______________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...