Chapter 40
Nauna na akong pumasok sa loob ng cafe. At nasa likod ko naman si nerd nakasunod sa akin.
Hinahanap kaagad ng aking mata si Xiomara. Kumunot ang noo ko ng makitang may lalaki siyang kausap at parang nagbabangayan. Nakaupo yung lalaki kong saan ako naupo kanina. Dereto lang ako sa lakad ko. Hanggang sa makalapit ako sa kanila.
"Hey...."
Atomatiko silang napalingon sa amin. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Kade yung lalaki. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Tumayo at malaki ang ngiti niya ng makita niya ako. Pero napawi rin nang makita niyang may kasama ako sa likod ko. Si nerd.
"Bakit ka nandito Kade?" kuryosong tanong ko.
He shrugged. Umupo siya ulit. "Hinanap kita kanina sa cafeteria, wala ka naman dun..so I decided to ask your classmates kung saan ka pumunta, and someone told me that you're with this ugly girl.. papuntang cafe.. that's why I am here..." paliwanag niya.
"Hoy! Kanina kapa ha! tingnan mo nga muna yang sarili mo bago mo ako insultuhin na pangit!" angal agad ni Xiomara pagkatapos ay pinaikot ang mata.
"I already did, pero yung kagwapuhan ko ang nakita ko."
"Ahhh talaga ba Sharmaine?"
"What?"
"Talk to your hands!"
"Okay, hey hands gwapo ako diba? tapos siya pangit?" kausap niya sa kamay niya pagkatapos ay bumaling kay Xiomara. "Sabi daw niya, pangit ka daw." Humagalakpak siya ng tawa.
Natawa rin ako ng kaunti. Kaya napabaling ang atensyon nila sa amin. Nanlaki ang mata ni Xiomara ng makita si nerd sa likuran ko. Malapad ang ngiti niya. "Hey nerdy guy! Join us!" aya ni Xiomara sa kanya. Tipid lang na tumango si nerd saka siya tumingin sa akin. Napatingin rin ako sa kanya saglit. Nagtitigan muna kami bago sabay na umiwas. Shems!
"Yieeeeee! Yung titig yung pamatay! Hoy Mav— este nerd pala.., kung nakakatunaw ang titig baka kanina pa naging tubig si Genevieve! Ikaw ah..." panunukso niya sa amin. Agad ko namang sinamaan ng tingin si Xiomara. Bumaling ako kay Kade na hindi na maipinta ang mukhang nakatingin kay Xiomara.
"Hoy bakit mo sila inaasar..." inis na sambit ni Kade.
"Kase gusto ko? at bagay sila kaya wag kang epal." si Xiomara sabay irap sa kanya.
"Ako nalang."
"At bakit ikaw?" sarkastikong tanong ni Xiomara sa kanya.
"Kasi mas bagay kami."
Napasinghap naman ako sa narinig ko.
"Tsk, let's sit." narinig kong sabi ni nerd sa akin. Nabigla ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at iginiya sa upuan katabi ni Xiomara. Halos mangatog ako sa ginawa niya.
Umupo rin siya sa kaliwang bakanteng upuan medyo magkalapit kami. Halos mapataatras ako sa kinauupuan ko dahil sa sama ng tingin ni Kade sa amin. "Tsk," ano na namang problema niya?
"Naka drugs kaba Kade?" wala sa sariling tanong ko. Narinig ko namang humalakhak si Xiomara sa gilid ko.
Sumimangot siya sa naging tanong ko. "Oo kaya nga naadik sayo, tsh." pagkatapos ay inirapan niya ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...