Chapter 44

139 16 3
                                    

Chapter 44



"Wala ka bang balak alisin 'yung palad mo sa bewang ko?"



He just looked away. Hindi niya ako sinagot. Sumulyap ako sa kamay niyang namayapang namalagi sa bewang ko. Syomay naman!



"Hoy nerd!" saway ko dahil nagmamatigas siya ng sinubukan kong alisin yung kamay niya. Hinigpitan ba naman lalo ang pagkakahawak. Anong plano ng lalaking to?


"Alisin mo o aalisin mo? gusto mo bang ipapatulfo kita?" sinamaan ko siya ng masamang tingin. Tumingin naman siya sa akin habang naka-pokerface.

"O." he responded.

"O mo mukha mo!" singhal ko pagkatapos ay binatukan siya. Guminhawa ang buhay ko dahil naramdaman kong kumawala na ang kamay niya. Yun lang naman pala katapat.

"Damn this girl! Paraa saan 'yun?"

"4."

"4?"

"For you..." inirapan ko siya. "Halata namang para sayo yung batok e.."

"Aish, I know right..ang sa akin para saan yung batok na ginawa mo?" halata sa boses niya ang pagkairita.

"Ewan ko sayo," sabi kona lang ayaw ko ng makipagtalo sa kanya. "Ang sikip.." reklamo ko habang pinapaypayan ang sarili. Bigla akong pinagpawisan kahit malamig naman ang panahon dahil sa ulan.

"Lumapit ka.."

Tumingin ako sa kanya. Umiling ako. "Bakit? mas lalo akong pagpawisan kapag lalapit ako.." sabi ko. Parang wala siyang narinig at mabilis ang galaw ng kamay niya at agad akong hinila palapit pabalik sa kanya. Nagitla naman ako.

"Mas lalong kang maiinitan kapag may katabi kang iba.." sabi niya.

Ngumuso ako.


"Ayos lang sayo ito?"

"Tsk, common sense.. hindi ko naman hahayaang magkalapit tayo kong hindi ayos sa akin.." sarkastikong aniya. Napasimangot naman ako.


Mimuto na ang nagdaan hindi parin humupa ang ulan. Parang magagabihan ata kami dito sa shed. Tahimik lang kami pareho. Pareho rin kaming may malalim na iniisip. Kaya wala ng sumubok na magsalita. Pero nabigla ako nung bigla siyang nagsalita sa gilid ko. Sobrang lapit na naman namin hays.

"Wala paba 'yung sundo mo?" tanong niya.

Dahil sa tanong niyang 'iyon ay napasulyap ako sa cellphone ko. Bigo naman ako at walang nakitang reply galing sa driver. Dismaya ako kaya bumuntong hininga nalang ako. I shook my head. "Ikaw? Wala paba ang sundo mo? o wala kang dalang kotse?" bigla akong nakuryuso na itanong 'iyon.

"Meron na, pero pinauwi ko sila.." normal na sagot niya sa akin. Bigla akong napaharap sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "Syomay ka naman nerd! bakit mo naman pinauwi? Are you thinking?" napahawak nalang ako sa sentido dismaya sa ginawa niya. "Nakakuwi kana sana  ngayon kung hindi mo sila pinapauwi. Kelan pa?"


"Kanina.." kalmadong sabi niya.

Mas lalo akong napahawak sa sentido ko. "Bakit mo naman ginawa 'yun?"

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon