Chapter 56

92 12 2
                                    

Chapter 56


"S-seryoso kaba d-dyan?" nauutal kong tanong sa kanya para siguraduhin kong totoo ba talaga ang ipinahayag niya sa akin kahit alam ko naman talagang totoo ang sinabi niya pero ewan ko kong bakit 'yun ang lumabas sa bibig ko.



"Oo! Nasa sala sila dun ko sila pinaghintay, balak ko sanang akyatin ka sa kwarto mo, e kahit hindi ko namam alam kong nasaan. Atat na atat na akong makita ka."  sabi niya. "Nagalala ako sobra sayo Sissy" dagdag niya pa at nginusuan ako. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Natutuwa ako. Ganito pala pakiramdam kapag may ibang taong nagaalala sayo.



"Naku, as you can see maman? I'm still alive." I smiled widely to her. Ngunit parang wala ata siyang balak ngumiti kaya tinawanan ko nalang siya.



"Tsk, tara nanga! Naghintay na roon ang dalawa mong manliligaw!" sabi niya gamit ang sarkastikong boses.


Tinaasan ko siya nang kilay. "Hindi ko sila manliligaw." pagtatama ko kay Xiomara.


"Not now, pero sa susunod."


Umiling nalang ako sa mga pinagsasabi niyang walang kabuluhan bago nagsimulang maglakad papuntang sala. Pagkarating namin naabutan namin ang dalawa na parehong tahimik lang.


"You mga putrages! Genevieve is here." rinig kong anunsyo ni Xiomara sa gilid ko. Bigla naman akong nakaramdan ng kaba. Lumakas na naman ang kabog nitong puso ko. Nakaramdan na naman kasi ako ng kaba kahit dapat na akong masanay.


Sabay silang nangangt ng tingin sa amin pagkatapos ay agaran silang napatayo at napatitig sa akin saglit. Nakita kong mabilis akong dinaluhan ni Kade pero si nerd ay nanatiling nakatayo habang nanatili parin ang titig sa akin. Matutunaw ata ako sa ginawa niya. Kahit hindi niya man sabihin na hindi siya nagalala pero ang mata niya ang mismong nagbulgar roon. Hinuhuli siya sa sariling mata niya. Eyes can't lie.


Nag-iwas ako ng tingin sa kanya imbes ay ibinaling ang tingin kay Kade na nasa harapan ko. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nakita ko pang inirapan niya ako, parang babae!


"Tsk, kumusta na ang pakiramdam mo?"  tanong niya nang makabawi.


"Bakit mukha ka pang galit dyan?"



At sa pagkakataong iyon pinaikotan niya na ako ng mata bago nagsalita."I'm so fucking worried. At sinong hindi magagalit hindi mo sinabi na masama pala ang pakiramdam mo kahapon?" mariin niyang tanong. "Kabadtrip."



Nakita kong napatingin siya sa suot ko. Mga ilang segundo ay nakita kong napanguso siya at mukhang nagpipigil ng tawa. Bago nagangat ulit ng tingin sa akin saka bahagyang napatikhim. Na ipinapaggaka ko lalo. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya at napatingin narin sa suot ko. Nakasuot ako ng pajama na may Little Ponny.  Wala namang masama sa naging suot ko pati narin ang damit ko. Ganito naman talaga ang mga sinusuot ko kapag nasa bahay lang.



"Mahilig pala sa kabayo." siya na may halong pangaasar.


"Excuse me?"

"Wala."

"Tsk, kabayo talaga ang mukha mo kapag suntukin kita." sarkastiko kong sabi sa kanya. Narinig ko namang ang kaunting hagikhik ni Xiomara.

"Nagkasakit nanga ang sadista parin." reklamo niya pa at ngumuso.

"Para kang pato! Hindi bagay sayo!" singit ni Xiomara at malakas na tumawa habang nakaturo kay Kade na hindi na maipinta ang mukha habang nakatingin kay Xiomara. Natawa din tuloy ako pati narin si nerd dahilan para mapatingin ako sa kanya mabilis namang nagkasalubong ang mga tingin namin mga ilang segundo iyon at sabay rin naman kaming nagiwas ng tingin. Naalala niya pa kaya iyong nangyari kahapon? Parang hindi ko pa ata kayang kausapin siya dahil sa nangyari. Nakaramdan parin ako ng hiya para sa sarili.


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon