Chapter 57

93 13 0
                                    

Chapter 57



"How do you know?" angal agad ni Kade kay nerd. Napaayos ako ng upo dahil parang alam kona ang susunod na mangyayari.


"Guys! Mall nalang tayo pagkatapos!?" biglang pagsingit ni Xiomara alam niya rin siguro kong anong kahihinatnan kapag nagpatuloy ang dalawang lalaking nasa harapan namin. Mabuti nalang.


Biglang natahimik ang dalawa at malalim na ang iniisip ngayon.


Huminga ako ng malalim. Palipat lipat ang tingin ko sa kanila. Naghihintay kong sino ang unang magsasalita. "Ano? G?" ulit pa ni Xiomara nang mapansing walang sumagot.


"Paano tayo makakaalis kong may sakit si Genevieve?" pabalang na sabi ni Kade.


"We're staying." sabi naman ni nerd habang nasa akin ang tingin. Seryoso ang mukha. Hindi na naman iyon bago sa akin. Binigyan ko rin siya ng normal na tingin.



"Ugh! Whatever guys! edi' maiwan kayo dito! Kami ang aalis!"


"Don't be so difficult Xiomara, may sakit nga si Genevieve." mariing usal ni nerd mukhang naiinis na.


"Tsk, bakit pa kasi kayo sumama." reklamo naman ni Xiomara at padabog na sumandal sa likod ng upuan niya. Nang lingunin ko siya ay binigyan niya rin naman ako nang mapupungay na tingin. Nginitian ko siya.



"No it's alright. Kaya ko naman ang sarili ko, medyo maayos na ang pakiramdam ko." mahinang sabi ko sa kanila pagkatapos ay nginitian sila. Nakatitig lang silang tatlo pareho sa akin para bang tinatantya ang reaksyon ko kong totoo ba iyong sinabi ko o hindi. "Promise, ayos lang. Wala na kayong dapat ipagalala. By the way, maraming salamat sa pagbisita sa inyo. Nag-abala pa talaga kayo." nahihiya akong ngumiti. Naabala ko pa talaga sila. Kung sana ay pumasok nalang sila at hindi na nagcut nang klase.

"No need to thank us Sissy, ginusto talaga naming bisitahin ka dahil kanina pa ako nababalisa at nagalala nang sobra sayo kung alam mo lang. Bakit kasi hindi ka nagtext o tumawag man lang para naman malaman ko kong anong nangyari sayo? Pinagalala mo ako ng sobra, e." sabi ni Xiomara. Pinag-ekis niya ang mga braso niya. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at nakita kong napatango si Kade.

"B-bakit pala kayo s-sumama?" nagalinlangan kong tanong kay nerd at Kade. Napaisip ako kong dapat ko pa ba iyong itanong sa kanila. Hindi kopa kasi klaro ang totoong rason. Nakakainis naman ang sarili ko. Nakakahiya, bakit kopa tinatanong iyon? Kahit alam kona naman ang sagot. Hays. Hindi lang ata ako sanay sa ganito.

Napaawang ang kanilang mga labi hindi makapaniwala sa naging tanong ko.

"Tinatanong pa ba 'yan beshie? Sobra rin akong nagalala nung nalaman ko kong anong nangyari sayo. At syempre naman, pupunta at pupunta ako rito dahil kaibigan kita. Nagalala ako sa kaibigan ko. Masama bang bisitahin ka?" si Kade medyo nagtatampo ang boses. Agad akong umiling. Medyo nakaramdan ng konsensya.

Ikaw nanga ang binisita tapos ganyan kapa Genevieve. Bad self.

"I'm sorry, I'm s-sorry.." hingi kong paumanhin.

Narinig ko namang tumawa siya dahilan para mapaangat ako ng tingin. "Stop saying that, it's okay.." anito at ngumiti.

Napahinga naman ako ng malalim medyo naginhawaan.

"Ikaw Ethan, anong pumasok sa isipan mo at sumama ka rin?" si Xiomara ang nagtanong ngunit bahid sa pananalita niya ay may ibig siyang ipinapahiwatig roon. Kaya ang lahat ya nasa kanya na ang atensyon. Nakita ko pa ang munting pagngisi ni Xiomara.

Hmm, Ethan. I forgot his surname! Hindi pala, his real name. Nahihiya naman ako kung itanong pa sa kanya iyon ngayon kaya itinikom kona lamang ang sariling bibig.

Naghintay kami sa maging sagot niya dahil nanatili lang itong tahimik. Ang tingin ay nasa baba ngunit seryoso parin. Napansin ko rin ang pagbaling ni Kade sa kanya mukhang kuryuso rin at gusto ring malaman ang sasabihin ni nerd.

"Sagutin mo na! Pinapatagal pa, e!" natatawang sabi ni Xiomara.

May napapansin rin ako paminsan-minsan. Minsan pansin ko na mukhang magkakilala si nerd at si Xiomara. Hindi sila nagkahiyaan parang normal lang animo'y sanay na sa isat isa na mukhang magkakilala na talaga sila dati pa. Kung maguusap man sila parang may iba pa o higit pa sa magkaklase ang turingan. Binalewala ko rin lang naman iyon bigla lang pumasok sa isipan ko ngayon.

"I'm just worried, that's all." sagot nito.

"At?" Xiomara. Hindi pa kontento. Hindi ata iyon ang hinintay niyang marinig  para bang may hinanap pa siyang mas higit pa roon.

"Anong at?" naguguluhang tanong naman ni nerd.


"Dugtungan mo."


"Sinabi ko nang 'that's all' hindi 'ba? kaya iyon na 'yun." sarkastikong sabi pa niya pagkatapos ay tumuloy na sa kinakain. Sumulyap pa ito saglit sa akin.

Pati ako, nakukulangan. Gusto ko ring marinig ang ibang rason galing sa kanya. Pero ayaw ko naman siyang pilitin para lang sabihin lang 'yun.

"Ang damot magbigay nang impormasyon! Sana maway hindi ma crushback!" parinig ni Xiomara halata naman kong sino ang pinapatamaan niya dun.

Napansin ko ang bahagyang pagtigil ni nerd sa kinakain bago nagangat ng tingin at deretso iyon kay Xiomara at masamang itong tiningnan. Nagpeace-sign naman si Xiomara sa kanya. Sa nakikita ko para silang magkapatid sa totoo lang.

"Mukha kayong magkapatid, medyo may pagkahawig ang mga mukha ninyong dalawa. Ngayun ko lang napansin sa malapitan." biglang sabi ni Kade. Napaayos naman ako ng upo dahil pati rin pala siya ang nakapansin. Akala ko ako lang ang nakapansin dun. Siya rin pala. Bahagya akong napatango, sangayon sa sinabi niya.

Biglang nabilaukan si Xiomara. Nakita ko rin ang pagsulyap ni nerd sa akin. Hinihintay  kong anong magiging reaksyon ko. Umubo siya pagkatapos.

"H-hindi n-no! Mukha lang k-kaming m-magkapatid p-pero hindi t-talaga!" pagtanggi niya kaagad halatang kinakabahan si Xiomara habang binibigkas ang mag salitang lumalabas sa bibig niya dahil nauutal siya. Mukha siyang ninerbyos. Pinagpawisan pa siya lalo.

"No we're not related to each other." sabi ni nerd sabay sulyap kay Xiomara na halos hindi na mapakali. Nakita ko pang nilakihan niya pa ito ng mata dahilan para mapakunot ang noo ko.

Parang may tinatago sila. Hmm...

"Okay, sabi niyo, e.." si Kade na tuluyan mang naniwala. Hindi na ginawang bigdeal ang binuksan na usapan. Pero ako nanatili paring nakakunot ang noo ko. Ngumuso ako at ipinagkabit balikat nalang ang nakita.

Hindi kona dapat pansinin ang bagay na 'yun.

"Change topic! Chismoso ka talaga panget!" paratang naman ni Xiomara kay Kade.

Sumama agad ang mukha ni Kade sa narinig. Pagod niyang tiningnan si Xiomara."Bakit ako na naman? Sinasabi ko lang kong anong napapansin ko." pikon na sambit ni Kade sabay irap.

"Hindi mona dapat sinabi." pigil ring inis na sabi ni Xiomara sa kanya.

"E, gusto kong sabihin e, bakit ba? hindi na naman iyon bigdeal. Pinapalaki mo lang talaga ang maliit na bagay, hindi na dapat pinoroblema iyon, tsk."

"Whatever!" si Xiomara na mukhang talo na sa kanya at ayaw nang makipagtalo pa.

Nagulat ako dahil sabay kaming napabuntong hininga ni nerd. Agad akong nagiwas ng tingin sa kanya dahil nahuli kona naman itong nakatitig sa akin. Kelan ba siya matatapos dyan? Kung gusto niya akong kausapin edi kausapin niya na sana ako ng harap harapan kesa naman sa ganitong paraan. Patitig-titig lang. Sa tingin niya palang halos manginig na ako sa kaba. Hihimatayin na ako.



______________________________________________

Enjoy reading!

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon