Chapter 73
"Ugh, ewan ko sa'yo!" natatawang sambit ko sabay tayo.
"Where are you?" tanong niya at tumayo na rin. Tiningnan ko siya gamit ang hindi makapaniwalang tingin. Niliitan ko siya ng mata pero may kasama paring ngiti sa aking labi.
"W-What?" tumawa ako. "Of course babalik na sa classroom, Ethan. Baka malate na tayo.." sabi ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at marahang tumango. Mayamaya'y nag-angat siya ng tingin at nakanguso na. "But I don't want to go, pwede ba tayong manatili dito kahit ilang minuto?"
"Ayos lang ba sayong malate tayo?" tanong ko sa kanya at mabilis naman siyang tumango na parang bata. Huminga ako ng malalim. Ayaw ko namang sabihin sa kanya na gusto ko nang umalis dahil ayaw kong mahuli. Hays, bahala na si Batman.
"I've been waiting for this moment.." saad niya.
"Na magkasama tayo?"
"Yes, nang tayong dalawa lang..." naging malambing ang tono ng pananalita niya. Namula na naman agad ako.
"Ano nang gagawin natin?" inosenteng tanong ko. Tumingin ako sa kanya at naabutan ko itong napakagat siya ng labi. Para bang may kung ano akong nasabi dahilan kung bakit naging ganyan ang reaksyon niya. Malisyoso!
"Talking?" halong pagtatanong niyang sabi.
"Magusap lang?" sambit ko.
Humalakhak naman siya. "Bakit may gusto ka pa bang gawing iba na tayong dalawa lang?" Hugalapak siya ng tawa pagkatapos sabihin 'yun. Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na makapagsalita pa dahil natutop na ang sarili kong bibig.
"Pervert Nerd Ethan!" singhal ko sa kanya at sing pula na ng kamatis ang mukha ko. Sobrang lakas din ng kalabog ng dibdib ko tila nagkarerahan ang mga kabayo. "Bahala ka dyan! Tse!" mataray kong paalam sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Naglakad na ako palayo sa kanya. Pero alam kong sumunod siya sa akin. Dahil narinig ko ang tawa niya sa likod ko.
"Baby, I didn't say anything, paanong naging pervert ako, hmm?" aniya pero natatawa pa rin.
Pumikit ako at bahagyang kinilig naman kahit papaano. "Don't talk to me, Pervert Ethan!" nagtaray pa rin ako at humakbang na pababa sa hagdanan. Mabigat ang bawat hakbang ko. Nagulat at namilog ang mata ko nang bigla niya akong inakbayan. Halos mabuwal ako sa ginawa niya. Natigilan ako ng mga ilang segundo at nagpatuloy ulit sa paglalakad ngunit mahina na ang naging kilos ko.
Naramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko at bumulong. "Your smell is addicting.." masuyo niyang usal. Hinayaan ko siya sa ginawa dahil kahit na itutulak ko naman siya ay alam ko kaagad na talo ako. Hindi ako umimik. Halos mangatog nanga ako sa kinalalakaran ko dahil sa ginawa niya ngayon. "Bakit ka umalis?" mahina niyang tanong.
Bumaling ako sa kanya. "Kailangan kong umalis dahil nakakatakot iyang iniisip mo..tsk.." pinaikot ko ang aking mata sa kanya at nginiwian siya.
"Bakit alam mo ba kung anong nasa isipan ko?" ngumisi siya.
Umiling ako. "Hindi, pero base sa sinabi mo kanina ay parang may ideya ako kung anong ibig mong ipahiwatig..di' mo ako maloloko.."
"You're too much imagining, baby..bawal 'yun.." may gana pa talaga siyang asarin ako. Letse!
"Alisin mo na ang braso mo sa balikat ko, baka may makakita sa atin.." usal ko at subukan alisin ang braso niya kahit alam ko na talaga na wala akong magawa.
"I don't care about them." deretsong sambit niya. Biglang naging seryoso.
"Baka magulat ang iba dahil ganito ang ayos natin.."
"Isipin nila kung anong gusto nilang isipin,"
Huminga nalang ako ng malalim. "Naku, ang PDA mo kahit hindi pa naman tayo, kaya alisin mo nalang ang braso mo sa balikat ko."
Hindi ko alam kong nakinig ba siya. Medyo nabuhayan ako ng loob nang maramdaman kong inalis niya ang kanyang braso galing sa balikat ko. Sumulyap ako sa kanya at kumunot ang noo ko dahil para siyang tuta habang nakanguso. "Bakit?" tanong ko. Hindi siya nagsalita sa halip ay umiling lang ito. Ngumuso na rin ako dahil hindi ko mabasa kung anong nasa isipan niya.
"Ethan, tanggalin mo kaya iyang salamin mo.." suhestiyon ko sa kanya. Nasa tabi ko na siya at nanatiling tahimik mukhang malalalim ang iniisip. Nagdadalawang isip akong hawakan ang kamay niya. Ipinagsawalang bahala ko ang negatibong iniisip at wala sa sariling ginalaw ko ang kamay ko papunta sa kamay niya ng dahan dahan. Nang natagumpayan kong gawin iyon ay napapikit ako. Halos mapunit ang ang labi ko.
Pansin ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko pero hindi ko siya nilingon. Alam kong nakakahiya pero ewan gusto kong gawin 'yun. Makapal na ba ang mukha ko dahil sa ginawa ko?
"You're the one who's PDA here.." panunukso niya at mahinang humalakhak.
"Hinawakan ko lang naman ang kamay mo, hindi naman kita hinalikan. " pagtanggi ko naman. Pilit kong huwag ipakita ang kanina ko pang tinatagong ngiti. Pero ngayon ay hindi ko na talaga mapigilan at tuluyan na akong napangiti na parang baliw. Nababaliw na talaga ako!
"Bakit ako? Inakusahan mo agad akong PDA kahit inakbayan lang naman kita. Hindi rin naman kita hinalikan." diniin niya pa talaga ang huling salitang binanggit niya. Kinagat ko ulit ang labi ko at natawa na lamang.
"Well, kasalanan mo rin 'yun kung bakit nagpauto ka.." humagikhik ako.
"Youre really a bad girl, huh.." hinigpitan niya lalo ang pagkahawak sa kamay ko.
"Kakalasin ko rin ang kamay ko mamaya kapag nasa maraming tao na tayo.." saad ko sa kanya.
Dismayado siyang bumuntong hininga tila wala ng magawa at sinang-ayunan nalang ang binabalak ko.
"Tungkol sa sinabi mo kanina, ayaw ko nang tanggalin ang salamin ko baka mas lalo ka pang mahumaling sa'kin.."
Atomatiko akong nalingon sa kanya at bahagyang natawa. Hindi inaasahan ang narinig galing sa bibig niya. Ang kapal ng mukha nitong lalaking 'to! "Habang tumatagal nadagdagan ang kakapalan ng mukha mo, baka sa susunod hindi na 'yan maitsura, dahil na sa sobrang kapal.."
He only laughed by what I've said. "I love you.."
At sa salitang 'yun natahimik ako at tuluyan ng naging pipe. Hindi ako nakatugon agad at nanatili parin sa akin ang gulat. Hindi ko inaasahang sabihin niya iyon. Nakakahiya akong tumugon pabalik. Imbes na magsalita ay binilisan ko nalang ang paglalakad ko. Wala akong pakealam kong napansin niya ba iyon. Dahil parang sasabog na ako sa kilig.
"Hey..." tawag niya ngunit hindi ko siya pinansin. Nagkahawak kamay parin kami. "Genevieve..." tawag niya ulit ngunit gamit na ang pangalan ko. Nanatili akong nagmatigas at hindi parin siya nilingon. Ayaw ko siyang sulyapan dahil baka makita niya ang pamumula ng mukha ko. "Baby, c'mon.. you're being cold to me.." nahimigan ko ang pagiging malungkot sa boses niya.
Pikt ko siyang nilingon. "H-Hindi a-ah!" tanggi ko sa kanyang sinabi. "A-Ano...h-hindi ko a-alam ang i-itutugon ko, n-nahihiya a-ako.." nauutal kong wika sabay iwas ng tingin sa kanya.
"You're blushing.." untag niya.
"A-Ahh O-Oo! A-Ano.." wala akong masabi.
"Yeah, It's alright. I understand you, baby. Alam kong kinikilig ka lang."
Laglaga ang panga ko. Maya maya ay...
KAPAL TALAGA PERIOD.
_________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...