Chapter 49
Tumitig siya sa akin na para bang nagdadalawang isip kong sasabihin ba ang kung anong nasa loob ng utak niya o hindi.
"Meron! But..but..but.." tumigil siya pagkatapos ay nginisian ako. "Bawal sabihin, next time na!" at hinila na naman niya ulit ako.
"Hay naku, ewan kona sa inyong dalawa ni nerd..."
"Weird lang talaga yun,"
"Kayong lahat, weird parang pareho kayong lahat may tinatago e, lalo na 'yung nerd na 'yun.." biglang pumasok sa isipan ko ang lahat na sinabi ni nerd na naging dahilan kong bakit lumalalim ang pagiisip ko.
"Huwag mona pansinin 'yun!"
"Anong pinaguusapan niyo pala kanina ng mga kaibigan mo?" biglang lumabas sa bibig kong itanong iyon. Hindi naman nagbago ang ekspresyon niya. At parang inaasahan niya na tatanungin kona talaga ang tungkol kanina.
"Wala, basta.."
Napanguso naman ako. "Masikreto talaga kayo.." pagtatampo ko pa balak kong ipakonsensya siya.
"Wahhh Sissy, sasabihin ko lang talaga sayo sa tamang oras.."
Nakanguso parin ako habang nakatingin sa kanya at marahang tumango.
"Fine, hindi naman ako namimilit" pagkatapos kong sabihin iyon ay malapad kona siyang nginitian nakita ko namang napahinga siya ng malalim nabuhayan ng loob saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
"Sa cafe na naman ulit ba tayo?" tanong ko habang palingon-lingon sa palagid. Hindi parin talaga mawawala ang bulungan at mga mapanuring tingin ng mga taong bawat nadadaanan namin. Kahit hindi kona alamin alam kona agad kong sino ang pinaguusapan nila alam at sigurado akong ako 'yun. Ilang beses ko na talagang tinatanong ang sarili ko kong ano bang mali sa akin? At bakit naman sila maiingit sa akin?
"As what I've said don't mind them Sissy, ganyan talaga mga inggetera mga chismosa" humalakhak si Xiomara. "Gusto mo bang doon nalang tayo sa cafe? baka maabutan na naman natin si Camila doon. Saka what the hell? pake ko ba? Hindi naman ako takot sa babaeng yun tsk tsk tsk" nakita ko pang napailing siya naguguluhan ako kong ako ba iyang kausap niya o hindi. Hindi naman siya sa akin nakatingin nagpapakitang lutang.
Lumingon siya sa akin. "Parang nakita ko si Zion kanina, nagusap kayo?"
"Oo.." simple kong sagot.
"Ano namang pinaguusapan ninyo?" bahid sa boses niya ang pagkakuryuso habang tinatanong iyon.
"May tinatanong lang"
"Ano naman ang itinanong niya?"
"Yung tinatanong mo rin kanina, kung may sakit ba daw ako."
"Ano pa pinaguusapan niyo?"
Ngumuso ako at nagpipigil ng ngiti. Apektado parin ba siya kay Zion? Balak ko na sana siyang tuksuin tungkol kay Zion at may mga tanong pa sana akong gustong itanong sa kanya pero natigil rin kalaunan dahil sa sigaw.
"Beshieeeeeeee!"
Natigil ako sa pagiisip dahil sa biglang pagsigaw galing sa likod namin. Mabilis kaming napalingon dalawa ni Xiomara. Narinig ko pa ang munting mura ni Xiomara sa gilid ko. Gustuhin ko mang lingunin siya ngunit hindi maalis ang tingin ko kay Kade na nakapamulsang ng naglakad palapit sa banda namin. Nakaplastar agad ang ngisi niya. Hanggang sa tuluyan na itong makalapit sa amin.
"Saan kayo?" bungad niya.
"Bawal kang sumama." si Xiomara na ang sumagot at umandar na naman ang pagkamataray niya. Gusto ko nalang matawa. Here we go again.
"I'm just asking, wala akong sinabing sasama ako. Si Genevieve lang naman ang sadya ko dito, ayaw ko sa mga pangit" may diin talaga sa huling salita na sinabi niya. Napailing na lamang ako. Ngumisi si Kade ng nakakaloko pagkatapos ay bumaling sa akin. Nginiwian ko naman siya.
"Ang tanong kong gusto ka ba niyang makita? Lalo na't sa mukha mo palang nakakabanas na" sarkastiko namang usal ni Xiomara hindi sumuko.
"Kahit naman ayaw niya nasa akin parin 'yun."
"And remember? sabi ng kapatid mong maldita, huwag ka ng lumapit sa amin. Kung ano mang plano mo gawin mo na at huwag niyo kaming idamay" seryosong sabi ni Xiomara at umirap.
Nakita ko namang medyo nagbago ang ekspresyon ni Kade sa sinabi ni Xiomara. Nakita kong napaawang ang kanyang labi may balak pa sanang sasabihin ngunit hindi niya tinuloy. Imbes na magsalita ay itinikom niya nalang ang sariling bibig bago ito ngumisi muli. Ipinagsawalang bahala niya nalang ang narinig galing kay Xiomara.
"Yeah, wala namang magagawa ang kapatid ko sa gusto ko kaya ayos lang"
"Siguraduhin mo lang.."
Natahimik kaming tatlo. Para bang may biglang dumaan na anghel. Naging awkard tuloy. Alam kong hindi lang ako nakapansin at nakaramdan dun. Pati rin silang dalawa. Nabuhayan ako ng loob dahil naglakas loob si Xiomara na magsalita siya na ang unang nagsalita sa amin para putulin ang katahimikan na biglang bumalot sa amin.
"Tara nanga Sissy! Nagugutom na ako, baka iba pa ang makain ko dito. Tara na." mabilis akong hinila ni Xiomara at iniwan si Kade na nakatayo habang nanonood sa amin. Nakita ko rin namang nagsimula na itong lumakad sa kung saan. Hindi na nagreklamo o pumalag sa ginawa ni Xiomara. Mas mabuti na rin yun.
Nang makarating kami sa cafe agad na kaming nag order. Nabuhayan ako ng loob dahil wala naman akong nakitang kahit na anino nina Zion at Camila. Hindi ako komportable kapag malaman kong parehong nasa isang lugar lang kami. Mabuti nalang at walang bakas nila. Pagkatapos naming kumain ni Xiomara nanatili muna kami ng mga ilang minuto bago bamin napagdesisyonan bumalik na sa campus.
Pagpasok namin sa loob ng classroom kaunti lang ang mga kaklase naming nandoon. Dumiretso na agad ako sa upuan ko. Napaaga ata ang balik namin. Umalis saglit si Xiomara nagpaalam siya na may kakausapin at pupuntahan lang daw siya muna saglit. Sumangayon naman ako.
Agad akong umupo sa upuan ko ng tuluyan na akong makalapit doon. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag para tingnan kong sino ang mga nagtext sa akin. Napanguso ako ng napagtantong walang kahit ni isang text galing kay Tita Elvinna. Nakakapagtaka dahil sa ganitong mga oras palagi naman siyang may mensahe na pinapadala. Baka siguro busy lang? Kung tatanungin ko kaya si Zion? Napailing ko. Huwag na pala naalala kong iniiwasan ko nga pala siya at baka magselos na naman iyong nobya niya. At magaway na naman ulit sila dahil sa akin.
Bumuntong hininga na lamang ako bago ko niligpit ang cellphone sa loob ng bag. Habang ginawa iyon biglang nahagip ng mata ko ang isang notebook na nakapatong sa lamesa kung saan ang nagmamayari ay iyong katabi ko.
Napatigil ako ng ilang sandali. Nagdadalawang isip ako kong tiningnan ko ba. Kuryuso kasi ako kong anong laman doon. Napakealamera mo talaga Genevieve. At dahil hindi kona talaga kaya pa hindi kona matiis ang sarili para alamin kong anong nasa loob hindi kona mapigilan ang sarili ko. Mabilis gumalaw ang aking kamay at walang sabing kinuha ang notebook.
Sinuyod ko pa ang tingin sa palagid pagkatapos ay dahan dahan kong binuksan ang notebook.
Bumungad sa akin ang pangalan ko..
pati rin sa kanya...
Nanlaki ang mata ko sa nakita.
What the heck....
_________________________________________________
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Ficțiune adolescenți(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...