Chapter 45

143 18 0
                                    

Chapter 45






"S-salamat sa paghahatid.." ngumiti ako sa kanya. Nasa tapat na kami ng malaking gate namin.






Tipid niya lang akong tinanguan. Halatang may bumabagabag parin sa isipin niya.






Pagkatapos ng naging usapan namin kanina bigla niyang napagdesyunan na dun nalang daw kami magdi-dinner sa isang restaurant. Ilang beses ko siyang tinanggihan na huwag na dahil balak ko sanang sa bahay nalang kakain ngunit parang wala siyang tenga para pakinggan ako. That's why wala akong choice at sumama nalang. At tungkol naman sa bills.  Ako na sana ang magbabayad sa mga inorder ko but he insisted again.





Umuwi ako ng busog galing sa libre hehe. Just kidding!







"U-umm... magiingat kayo sa daan pauwi.." tiningala ko siya dahil hindi ko mapantayan 'yung tingin niya sa akin.






We're both holding an umbrella. Binigay niya sa akin kanina.






Wala siyang imik at nanatiling tahimik habang nakatitig sa akin. Kung siguro yelo lang ako tunaw na tunaw na ako ngayon. Nakakunot noo ko rin siyang nilalabanan ng titig.







Winagayway ko ang kamay ko sa harap niya.






"Magsalita kanga nerd..." sabi ko.







"I miss someone..." napapaos niyang sabi sakin.






Natahimik ako.






Napanguso ako dahil sa biglaang sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at ibinaling nalang sa ibang banda. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mas lalo ring lumakas ang ulan. Nababasa na 'yung sapatos ko dahil sa talsik galing sa payong na dala ko ngayon. Mabuti nalang at may sarili kaming payong dala.





Tumingin ulit ako sa mukha niya. Ngumiti ako ng tipid bago nagsalita.






"Alam kong miss kana rin ng taong 'yun.." positibo kong sambit sa kanya.






Umiling siya.






"That's so imposible..sa nakikita ko ngayon parang hindi niya na ako naalala..masakit pero kailangan kong tanggapin dahil kasalanan ko rin naman.."







"Sino ba ang someone na 'yun?" I confusedly asked him.






"I can't tell the name, hanggat hindi niya ako naalala..." mahinang sagot niya.






Napatango-tango ako. Nirerespeto ko ang desisyon niya. Kaya hindi na ako nagpumilit na itanong ulit ang tungkol dun.






"Wala namang imposible, hindi natin alam na nakaalala pala siya pero hindi niya lang ipinaalam sa kahit na sino? mismo sayo..baka may dahilan siya.."





Nakita kong napaisip siya sa sinabi ko.






"Sana nga, sana nga 'yan nalang..." halos bulong niyabg usal at napayuko.






"Gusto mo siya 'no?"







"No, I don't like her cuz I love her... she's my first love..kahit alam kong wala pa kami sa tamang edad...noon...gustong gusto ko'na siya..." nakita kong sumilay ang kaunting ngiti niya sa labi at tumingala. Siguro espesyal sa kanya ang taong 'yun kaya kong bakit naging ganyan ang ekspresyon niya. At mas lalong espesyal talaga ang taong 'yun.





The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon