Chapter 18

192 23 0
                                    

Chapter 18


His last word before he left. Hanggang ngayon nagtataka parin ako kong sino siya. Gustong magpaka-misteryoso. Bumuntong hininga ako saka ako dahan dahang umupo kung saan ako nakaupo kanina. Kung sa oras na malaman ko kong sino ka. Wala.


"He's my first huh?" tanong ko sa sarili ko. Hindi matanggal sa isipan ko yung sinabi niyang yun. Familiar. I sighed again before I stand up and decided to go back inside. I started walking. Naramdaman kona rin yung lamig sa labas. I don't have jacket so I've no choice but to go inside.


Maswerte ang taong yun dahil siya ang kauna-unahang nakarinig sa boses ko. For me it's a big deal.


Tuloy lang ang lakad ko hanggang makaspok na ako sa loob. Gusto kona rin kumain. Naramdaman kona ulit yung gutom. Agad natunton ng mga mata ko kong nasaan sila tita kahit nasa malayo ako. Medyo binilisan ko yung paglalakad ko. Alam kong nagalala siya dahil bigla akong nawala kanina at medyo matagal bumalik galing sa washroom. Baka akala niya napano na ako. Nakita ko rin si Zion nakaupong mag-isa sa gilid habang nakatakip yung mga kamay niya sa mukha niya. Nasaan si Camila?



"Tita..." tawag ko nung makalapit na ako. Agad namang bumaling si tita sa akin. Medyo nabigla siya at agad tumayo para tingnan kong maayos lang ako. Nahihiya tuloy ako sa mga nakatingin sa amin. "Saan ka galing hija?" nagalalang tanong ni tita sa akin saka ako tiningnan sa mukha.


"Sorry po..galing lang po ako sa labas para magpahingin.." pagdadahilan ko.


"Akala ko kong napano kana! Antagal mong bumalik.."



"Maayos lang po ako wag na po kayong magalala.." pagaan ko ng loob sa kanya. Ngumiti naman siya saka tumango. "As long as you're okay, I'll be okay too. I felt relieved when you suddenly showed up.." nabuhayan ng loob si tita. Napapikit nalang ito. Minsan gusto kona lang matawa dahil sa sobrang pagalala ni tita nag-oovereact na siya masyado. Pero ayos na ayos lang sakin.


"Take a seat.. let's eat, I know you already famished when we got here.." iginaya ako ni tita sa isang upuan kung saan katabi ko lang si Zion. Halos mangatog ako sa kinauupuan ko dahil sa talim ng tingin na ipinukol niya sa akin. Agad akong nagiwas at napahinga nalang ng malalim para kalmahin yung sarili.


"Tsk."


Rinig ko galing sa kanya. Binalewala kona lang iyon. Hindi na ako nagsalita pa dahil sa takot. Kapag magsasalita ako parang katapusan na ng mundo. Basta yun yung nararamdaman ko ngayon. Kaya mas mabuti pang tumahimik nalang.


"You really enjoying talking with your boyfriend huh?" Lumingon-lingon ako baka sakaling hindi ako yung kinausap niya. Para sigurado. Ramdam na ramdam ko yung pagkasarkastiko ng boses niya.


"Ikaw yung kinakausap ko."



Agad akong nabaling sa kanya ng tingin. Kinakabahan. Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Hello? Anong boyfriend pinagsasabi niya? Wala ngang nanligaw boyfriend pa kaya. Ridiculous.



"I don't know what you're talking about.." depensa ko agad. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niya.


"Tsk, I can saw you two are talking. With my own eyes. So don't lie to me and just tell me the fucking truth.." nabigla ako sa sinabi niya. Inaalala ko yung nangyari kanina. Oo may kausap ako, pero hindi ko naman kilala yun. Nakita niya ba kanina?


"I looked for you earlier and that's what I found.."


Huh? Hinanap niya ako?



"Bakit?"



"I need your forgiveness for not appearing earlier. I want to say sorry, Ayos lang sakin kong hindi mo ako mapapatawad.."


Napayuko ako sa sinabi niya. Bigla na namang kumirot yung puso ko. Hindi ako nagsalita.


"Gusto mo bang mapapatawad kita?" bigala kong tanong sa kanya. He slowly nodded.


"Sabihin mo sa akin kong anong tunay na rason kong bakit nagkaganyan ka..sagot mo lang ang kailanganan ko..para naman mapanatag ma ako. Hindi mo alam kong gaano ako nag-ooverthink iniisip kong anong nagawa ko sayo dahilan kong bakit nagkakaganyan ka. Mas masakit pa yung ginawa mo sa araw na ito ikumpara sa mga araw na nasasaktan mo ako.." naglandas ang luha ko. Ngunit hinayaan ko lang iyong umagos. Wala akong pakealam kong makita ako ni Zion na umiiyak. Nagulat siya sa nakita niya. Dahil ni minsan hindi ako umiyak ng ganito sa harapan ng ibang tao. Kahit kay Zion pa. Hindi pa nila ako nakitang umiyak dahil nasasaktan.


"Alam mo yung mas nakakatawa? sobrang tanga ko, kahit may girlfriend nanga yung tao. Hinahabol-habol ko parin. Crazy, pathetic." Natawa ako habang umiling-iling yung sarili ang ibig ipinapahiwatig ko. "Sige, mas mabuting aminin kona lang ngayon ang matagal ko ng tinatagong sekreto tungkol sayo. Nasaktan mona rin naman ako kaya mas mabuti pang sabihin kona lang, siguro ito na ang oras.." Humarap ako sa kanya gamit ang seryosong mukha. "Gusto kita, Oo. Gustong gusto kita matagal na. Bata palang tayo nagustuhan na kita hanggang ngayon. Kahit may girlfriend ka. Hindi mo alam kong gaanong kasakit nung nalaman kong may mahal kana.."


"Nagpakatanga ako, umaasang balang araw mapansin mo rin yung pagtingin ko sayo..ang taas ng pangarap ko right? malabo namang abutin. At hindi ko alam kong anong pinagsasabi mong boyfriend ko..kung ikaw lang naman gusto ko.." hindi ko maiwasang hindi magpa-ikot ng mata dahil sa sinabi. Tumawa na naman ulit ako para alisin yung tensyon na nasa amin ngayon. Tumawa nalang ako ng peke. "Kalimutan mona lang yung sinabi ko, kakain na ako. Wag mona lang sabihin yung dahilan mo, sasabihin ko lang sayo kapag napatawad na kita. Huwag muna ngayon.." huling sinabi ko sa kanya gamit ang malamig na boses. Saka ako seryosong tumingin sa harap para kumuha ng pagkain.




Bawat sa mga salitang binibitawan ko kitang kita ko ang sakit na nagdaan sa mga mata niya. Eyes never lies. Pero mas nasaktan pa ako.



He was so speechless. Biglaan yung pag-amin ko sa kanya. Nadala lang ako sa nararamdaman ko pero hindi ko pinagsisihan yung mga nasabi ko. Para naman matauhan siya kung gaano na karami yung sakit na naidulot niya sakin. Kung gaano na niya akong nasaktan.


Wala na akong pakealam kong anong maaaring mangyari pagkatapos nito. Medyo gumaan rin yung pakiramdam ko dahil sa biglaang pag-amin ko sa kanya. Siguro ito narin ang araw na magsimula na akong magmomove-on sa kanya. Ayaw ko namang habang buhay akong baliw na baliw sa kanya. Ayaw kong malugmok dahil lang kanya kong kaya ko naman kalimutan siya. 


Ayaw ko ring habang buhay ikandado yung puso ko sa puso niya. Kailangan ko ng susi para mataggal ko yung pusong nakakandado sa kanya na matagal ng namalagi doon. Gusto ko na maging malaya. Hahanapin ko yung susi na magiging kandado ko.



_______________________________________________

Enjoy reading!

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon