Chapter 60

81 13 0
                                    

Chapter 60

Nanatili akong nakatayo habang naguguluhang nakatingin sa kanila.

"Kung ano ano na sinasabi mo!" sabi ni Xiomara kay Kade at napaubo parin.

"Eh? Nagtanong lang naman ako, bakit ganyan kayo makareact?"

"Dude, that's not going to happen." narinig kong depensa ni Nerd pagkatapos ay bumaling siya sa akin. Ngunit iniwas ko lamang ang tingin ko sa kanya. Bumaling nalang ako kay Xiomara na napaface-palm na ngayon. Napatingin siya sa akin. At agad itong umiling.

"Oo nga! Bakit naman ako magkakagusto sa kapa--" hindi na nadugtungan ang balak na sasabihin ni Xiomara dahil biglang tinakpan ni nerd ang bibig niya dahilan para mas lalong magtataka ako.

"Ohhh!" si Kade.

Biglang uminit ang pisnge ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nakakalito. Bakit parang biglang kumirot ang banda nitong puso ko? Nakita kona naman ang tingin ni nerd sa akin may ibig siyang ipinapahiwatig roon ngunit binalewala ko lang. Yung mukha niya parang nagpapaliwanag. Hindi ko'na gaano iyong na tuonan ng pansin dahil mas lumamang ang pait na nararamdaman ko sa oras na ito. Mapait nalang akong ngumiti bago sinipat si Kade.

"Yah Kade! Tumigil kana nga dyan! Umalis nalang tayo!" pinilit kong palakasin ang loob ko kahit ang totoo ay halos manginig na ako habang nagsasalita. Walang pag-alinlangan ko siyang hinila palayo sa kanila.

"Beshie, masyadong napahigpit iyang pagkakahawak mo sa kamay ko. Ayos ka lang ba? Bat' parang gigil na gigil ka dyan 'ah?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya imbes ay seryoso lang akong nagpatuloy sa paglalakad habang hila hila siya. Hindi ko alam kong saan kami pupunta ngayon. Hindi ko rin namalayan na naiwan na pala namin si Nerd at Xiomara doon sa pinagtatayuan namin kanina. Nadala ako sa nararamdaman ko.

"Yung kamay ko, kanina mo pa hila hila 'yan.."

Dahil sa narinig ko sa sinabi niya ay agad ko siyang binitawan habang hindi siya nililingon. Kahit baling man lang, Wala. Wala ako sa mood ngayon. Bigla itong nawala. Kainis! Bakit ba ako nakaramdan ng ganito?

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Wala na akong pakealam kong sumunod ba siya sa akin o wala. Nagsalubong ang mga kilay ko. I clenched my fist. Nahihibang naba ako? O tuluyan na akong nabaliw?

"Hoy beshiecakes! Hintayin mo naman ako! Ano ba kase 'yang problema mo? Bakit bigla kana lang umalis!? May problema ka ba? Pagusapan nalang natin 'yan imbes na ganito!" sigaw ni Kade sa likuran ko, ngayon ko lang napansin na nakasunod na pala siya sa akin. Bigla naman akong nairita sa sigaw niya kaya mas lalong hindi ko siya pinansin.

"Hoy!"

Habang naglalakad ako. Hindi ko maiwasan marinig ang mga bulun-bulungan sa bawat dinadaanan ko. Dahil sa labis na nararamdaman ko sa oras na'to ay nawalan ako ng pake sa kanila. Hindi ko sila nagawang pansinin.

"LQ ata sila 'no?"

"Pakipot naman ata iyang nobya niya!"

"Sayang bagay pa naman silang dalawa.."

"Ship! Ship! Ship! Ship!"

Paiba-iba nilang komento bawat isa ngunit ni isa ay wala akong narinig na tama. Mas lalong nagkadugtong ang mga kilay ko sa narinig. Nang biglang may bumangga sa akin ng di'ko namalayan. Napaatras ako sa gulat. Agad akong nag-angat ng tingin para tingnan ang taong iyon.

"I'm s-sorry miss.." anito sa kalmadong boses.

Hindi ako nagsalita. Wala akong emosyon na nakatingin sa kanya habang siya ay nakatitig din sa akin. Animo'y sinusuri ang mukha ko. Kiniling niya pa ang leeg niya. Inismaran ko siya sa ginawa at hindi nalang siya pinansin. Nagsimula nalang ulit akong maglakad nang walang sinasabi dahil baka kong patulan ko pa iyon ay baka makadagdag lang sa ikakainit ng ulo ko. Kaya mas pinili ko nalang manahimik para wala ng iba pang madamay sa kakainisan ko.

Bakit na kasi ako nagselos? Kahit wala namang dapat akong ipagselos. Maliit lang naman na bagay iyon pero pinalalaki kona? Hays. Pathetic.

"Miss Snobber! Ang cute mo!"

Bigla akong napahinto. Ako ba 'yung kinakausap niya? O baka hindi? Baka kahihiyan na naman dulot ko nito. Napayuko ako pagkatapos ay bumuntong hininga hindi nalang pinansin ang narinig. Hindi na ako lumingon pa para tingnan o masiguro kong ako ba talaga ang kinakausap niya. May parte sa aking isipan na ako talaga iyon pero may parte din sa akin na baka iba. Nagpatuloy na nalang ulit ako.

Bago pa man ako makalakad ay namilog na ang mga mata ko dahil sa biglaang pag-akbay ni Xiomara sa aking balikat. Napaangat ako sa gulat at napahawak rin sa didbib. Dinama ang mabilis na pagpintig ng puso.

"Sissy! Bat' mo naman kami iniwan doon!?" reklamo agad ni Xiomara sa akin.

Hindi ako sumagot agad isinuyod ko ang tingin ko sa likuran. At inaasahan kona talagang nasa likod siya. Humalikipkip. Habang seryosong nakatitig sa akin. Nang maabutan niya ang titig ko ay hindi ito umiwas. Mabuti't kaya niyang labanan ang titig ko? Habang ako halos himatayin na sa kaba. Ang unfair naman 'nun. Dahil hindi ko nakayanan ang paninitig niya napaiwas na naman ako sa madaming pagkakataon. Apakahina!

"Ah-hh..nasaan si K-Kade?" tanong ko nalang para maiwasan kong sagutin ang  tanong niya dahil baka iba pa ang masagot ko at natatakot rin akong magsinungaling. Mahina ako basta tungkol dyan.

Nagkabit siya ng balikat. "Diba kasama mo siya?"

"Oo k-kanina..pero naiwan ko ata siya.." nahihiya akong ngumiti.

Napahinga siya ng malalim at nginitian din ako pabalik. "Ayos lang! Para naman mawala ang asungot sa palagid ko! Nakaka stress at nakaka high blood ang lalaking 'yun! Ugh! Walang araw hindi ako biniswesit! Kaya ayos lang na mawala yun rito, kaya niya rin naman ang sarili niya!"

"Kung sabihin kong nandito pa ako? Anong magagawa mo?"

Sabay kaming napalingon sa biglang pagsabat kong sino man sa gilid namin. At ayun nakita ko si Kade na matalim na ang tingin kay Xiomara.  Nagsimula itong maglakad palapit sa amin. Naiwan ko pala siya kanina. Gusto ko nalang matawa ng may halong pagkasarkastiko.

"Tsk, whatever!" iyon lang ang nasabi ni Xiomara pagkatapos ay umirap ng pangalawang beses.

"Saan na tayo?" singit ko sa kanila.

Napabaling naman sila sa akin ng sabay sabay.

"May kasalanan ka rin sa akin beshie ah..iniwan mo ako, ayan tuloy pinagkakaguluhan na ako ng mga kababaihan doon.." sabi ni Kade na parang kasalanan ko pa. Actually, kasalanan ko din naman kong bakit ko siya iniwan.

Napangiwi ako sa sinabi niya hindi ako sangayon sa kahangiang sinabi niya ngayon.

"Binagyo ka ata?" pambabara ko.

"Oo, kaya nga napunta ako sayo..dahil sa lakas ng hangin.." banat ba 'to? napanganga ako.

Napansin ko ang mahinang pagtikhim ni nerd sa gilid namin. Hindi kona nagawa pang lingunin at tingnan siya dahil alam kongnakatitig na siya sa akin ngayon. Pinilit ko ang sariling pakalmahin. Napakagat ako ng labi dahil namimagine ko ang itsura niya habang nakatingin sa akin ng mariin. Bahagya akong napangiti pero agad ko rin naman iyong pinalitan. Seryoso na ulit ang mukha ko.

_______________________________________________

Enjoy reading!

(Author's Note: Merry Christmas sa lahat🎄♥️!)

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon